Hindi kami nag-uusap ni Kael simula noong gabing ‘yon sa Bar 43. Walang good morning. Walang dinner invites. Kahit "kumain ka na ba?"—wala. Sa umaga, nauna siyang umaalis. Sa gabi, late na siyang umuuwi. At kapag nagkakasalubong kami sa sala o kusina, parang hangin lang ako. Nakaupo ako ngayon sa couch, suot ang manipis na cotton dress habang pinipisil ang tiyan ko. 9 weeks na ang baby. Hindi pa halata pero ramdam ko na siya. At habang mas tumatagal, mas lalo akong nangangarap ng katahimikan. Hindi ganitong katahimikan na parang estranghero kami sa iisang bubong… kundi ‘yung tahimik na puno ng kasiguraduhan. ‘Yung alam mong mahal ka. Pinipili ka. Maya-maya, narinig ko ang pag-unlock ng front door. Kael. Bitbit niya ang brown paper bag mula sa cafe malapit sa opisina. Hindi siya tuming

