Kael's Pov Hindi ko alam kung anong mas masakit—yung sinabi ng tatay ko o yung paraan ng pagtanggap ni Saphira. Tahimik lang siya. Wala siyang sinabi. Wala ring reaksyon. Pero kita ko ‘yung mahigpit niyang hawak sa kutsara. ‘Yung bahagyang panginginig ng balikat niya. ‘Yung pilit na ngiti na wala na talagang saysay. Parang gusto kong tumayo, gusto kong sigawan si Dad. “Tama na. Hindi mo siya kilala. Hindi mo alam ang pinagdaanan niya.” Pero hindi ko nagawa. Kasi totoo? Takot ako. Takot akong mawala lahat. Yung posisyon ko sa kompanya, yung tiwala ng pamilya ko. Pero higit pa roon… Takot akong mawala siya. At mas takot akong siya mismo ang lumayo sa akin kapag tuluyan niyang nakita kung gaano ako kahina para ipaglaban siya. Minsan naiisip ko, baka mas mabuti na ‘yung ganito. Baka

