Chapter 1

1246 Words
Labing-anim pa lang ako. Oo, bata pa. Pero buo na sa isip ko kung anong gusto ko sa buhay—makapagtapos ng kolehiyo, mag-aral ng Information Technology, at sundan ang yapak ni Kuya Hero. Tahimik si Kuya, pero ang galing niyang mag-code. I admire that—his simplicity, his brilliance, his contentment in silence. Kaya siguro, hindi ko naiisip ang pag-ibig. Hindi ko sinasabing hindi ako naniniwala, pero para sa akin, hindi pa siya bahagi ng plano. Hindi muna. Hindi pa. Pero isang ordinaryong umaga, binasag ni Natty ang katahimikan ng mundong tahimik kong binuo. “Saph! Maligo ka na! May ipakikilala ako sa’yo!” sigaw niya mula sa labas ng gate. “Promise, crush mo ’to! Gwapo, Saph, pramis sa pramis!” halos mabasag ang tenga ko sa kasabikan niya. Napailing ako. Classic Natty. Laging may bitbit na sorpresa, laging may planong hindi ko naman inasahan. Pero kahit naistorbo ang tahimik kong umaga, hindi ko maitago ang munting ngiti na gumuhit sa labi ko habang inaayos ko ang sarili. Nagsuot ako ng mustard see-through top na may white tank top sa loob, ripped jeans, at paborito kong white sneakers. Simple lang. Ako lang. Walang makeup. Ayoko rin naman talaga. Pero ewan—parang may kakaibang kaba sa dibdib ko. Hindi ko pa nga siya nakikita, pero may kung anong nararamdaman na agad ang puso ko. °°°°°°° Sa Mall Pagdating namin sa mall, dinala ako ni Natty sa food court. Doon ko sila nakita. Dalawang lalaki. Parehong may dating. Pero may isa… na agad kong napansin. Yung isa, parang tahimik. Yung tipong hindi komportable sa masyadong maraming tao. Pero yung isa— Diyos ko. Parang siya lang ang may ilaw sa buong paligid. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang sabay na sumisigaw ang kaba at kilig sa dibdib ko. At nang tumama ang mga mata niya sa akin, saglit akong nakalimutan kung paano huminga. “Saphira, si Kael Dominic Alveron. Kael, si Saphira—best friend ko,” pakilala ni Natty. “Tsaka si Julian, wingman lang ‘yan,” sabay tawa. “Grabe naman, Saphira talaga? Pwede namang Saph na lang,” nahihiyang sabi ko, pero hindi ko rin maitago ang ngiti ko. Inabot ni Kael ang kamay niya sa akin. “Nice to meet you.” Mainit ang palad niya. At sa ilang segundong hawak namin ang kamay ng isa’t isa, parang may dumaloy na kuryente mula sa palad hanggang puso ko. Habang kumakain kami ng fries, tahimik lang ako. Si Julian madaldal, si Kael kalmado. Ang sarap niyang pakinggan. Mahilig sa kape pero ayaw ng matamis. Mahilig sa black shirts, hapon ang tulog, at old songs ng Eraserheads. Hindi ko siya masyadong tinatanong, pero sa kwento niya, parang unti-unti kong nakikilala ang buong pagkatao niya. Hanggang sa mapansin kong nakatitig siya sa akin. Lord, paano ako kikilos nang normal kung ganito siya tumingin? “Bagay sa ’yo ’yang suot mo,” sabi niya. “Natural. Maganda ka kahit walang makeup. Hindi tulad ng iba.” “Salamat. I–Ikaw rin naman,” mahina kong sabi. Halos matunaw ako sa ngiti niya. Nang lingunin ko si Natty, nakaangat ang kilay. Nang-aasar. Ako naman, napakagat na lang sa labi ko at napatawa. Pero totoo? Hindi ko matanggal ang ngiti ko. Parang ang gaan-gaan lang. Napadpad kami sa Bookstore Matapos kumain, niyaya ako ni Kael maglakad-lakad. Naiwan sina Natty at Julian. Kami, napadpad sa harap ng isang maliit na accessory shop sa tabi ng bookstore. “Gusto mo ng kwintas?” tanong niya bigla. “May nakita akong bagay sa ’yo. Bulaklak yung pendant.” Sinilip ko. Ginto. Simple. May maliit na kristal sa gitna. Ang ganda, pero umiling ako. “Okay lang ako. Baka isipin mong materyosa ako. Hindi ko ugali ’yon.” Ngumiti siya, ‘yung tipong hindi mo matutumbasan ng kahit anong salita. “Hindi ko naisip ‘yon,” sabi niya. “Gusto ko lang bigyan ka ng bagay na tatagal. Gaya ng pagkakaibigan natin. O kung ano man ‘tong meron tayo.” Hindi ko alam kung anong meron kami. Pero sa titig niyang ‘yon— Parang gusto kong maniwala na may kakaibang simula na ngang nagaganap. °°°°°° “Anong flavor gusto mo?” tanong niya. “Vanilla,” sagot ko agad. Nang mapadaan kami sa isang ice cream kiosk Isa lang ang binili niya. Isang cone lang. Iniabot niya sa akin. “Tayo na lang mag-share,” sabi niya, sabay kindat. Tumawa ako. Nahihiya pero masaya. Habang salitan kaming kumakain, hindi ko mapigilan ang kilig. Lalo na nang may tumulo sa baba ko. “Wait, may tumulo,” sabi niya. Kumuha siya ng tissue at dahan-dahang pinunasan ang baba ko. Walang malisya. Puro lambing. Walang halik. Walang hawak. Pero sapat na. Sapat na ang mga sandaling iyon para kilalanin ang t***k ng pusong nagsisimulang magmahal. °°°°°°°° Pag-uwi ko, tahimik akong nakahiga sa kama. Nakangiti. Hindi ko na kailangan ng salamin para makita ’yon. Tumunog ang cellphone ko. Kael: “Ingat ka palagi, Saphira. Masaya ako na nakilala kita.” Kasunod: Kael: “Gabi na... pero gusto kong sabihin ’to: I love you.” Natigilan ako. Tumingin ako sa kisame. Hindi ko pa alam ang kahulugan ng “I love you.” Hindi ko pa kayang sabihin. Pero kung ito na ‘yon—yung simula ng pag-ibig—handa akong tuklasin ito. Kahit dahan-dahan. Kinikilig akong pabaling-baling sa higaan. Hindi ko kayang mag-reply. Kaya tinawagan ko si Natty at walang patid na ikinuwento ang lahat. “Sana ito na,” bulong ko. “Sana ito na talaga.” °°°°°° Sumunod na Araw Maaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm, kundi sa tunog ng walis ni Mama sa labas ng bintana. “Ma, ang aga naman…” reklamo ko habang tinatakpan ang mukha ng unan. “Maglinis ka rin ng kwarto mo! Ang kalat!” sigaw niya. Bumangon ako. Nag-ayos. Uminom ng tubig. At agad kong sinilip ang cellphone ko. Wala pa ring reply ako sa kanya kagabi. Hindi ko siya inignore. Hindi lang ako sigurado. Gusto ko siyang makilala pa. Hindi ako padalos-dalos. Pero totoo, may parte sa akin na parang... nauna nang mahulog kagabi. July 4 Dear Journal, Hindi ko alam kung paano ilalarawan ang nararamdaman ko ngayon. Ang gaan. Ang saya. Parang gusto kong ulitin ang kahapon. Si Kael... hindi siya madaldal. Pero bawat salita niya, parang sinadya niyang sabihin sa eksaktong oras na kailangang-kailangan ko. Saphira, tama ba ‘to? Hindi ba masyado pang maaga? Baka infatuation lang ‘to. Baka masaktan ka lang. Pero kahit ilang “baka” pa... hindi ko mapigilan ang kilig. Then, a Message Tumunog ulit ang phone ko. Kael “Sorry kung napaaga ‘yung I love you kagabi. Hindi kita pinipilit. Gusto ko lang malaman mong seryoso ako. At kung hindi ka pa ready… okay lang. Hihintayin kita.” Napangiti ako. Buong puso. Nag-reply ako. “Thank you, Kael. Hindi ko pa alam ang sagot… pero gusto kong malaman din. Little by little.” reply ko. Humiga ulit ako sa kama, yakap ang unan, tanaw ang kisame, may ngiting hindi matanggal sa labi. Ngayong araw na ’to, hindi na lang ako si Saphira na tahimik sa sulok ng mundo. Ngayong araw na ’to, sinimulan ko nang isulat ang isang pahina ng kwento ko. At baka—baka lang—kasama na siya doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD