POV of Saphira Elowen Andrada
Isang linggo na mula nang naging “kami.” Oo ,Napaka bilis ng pang yayari, Sinagot ko siya pero sa Txt, Hindi ko siguro kayang sumagot ng OO sa personal.
At ng lumipas sng isang linggo na yan, Halos palagi kaming mag kasama sa Mall, 10am hanggang 6pm kaming magkasama!
Pero para sa akin, parang isang pelikulang puno ng eksena na mabilis ang takbo. Tuwing gabi, nagkakausap kami ni Kael sa tawag—mahina lang ang boses ko, palaging nakatalukbong sa kumot habang si Mama ay natutulog na sa kabilang kwarto.
Minsan wala kaming sinasabi. Tahimik lang. Pero kahit walang salita, ramdam ko pa rin ang koneksyon sa pagitan naming dalawa.
At tuwing umaga, maaga akong nagigising—hindi dahil sa school, kundi dahil gusto kong makita kung may message siya.
“Good morning, Little Star. Don’t skip breakfast today.”
Sa mga ganitong simpleng bagay, mas naging masigla ako. Hindi ko man sinasabi kina Mama o Kuya Hero, pero hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko. Ang kilig sa puso ko, buhay na buhay.
°°°°°°°
One week from now, entrance exam ko na sa university. At tulad ng dati, dapat focus ako. Pero kahit anong pilit kong balikan ang mga reviewers ko sa Math at Programming Logic, lumilipad pa rin ang isip ko… papunta kay Kael. Sa mga mensahe niya. Sa boses niya.
Sana hindi niya isipin na pabaya akong estudyante… o masyado pa akong bata.
Pero hindi siya gano’n. Hindi siya nanghihimasok. Sa katunayan, lagi niya akong pinapaalalahanan:
“Finish your review first, love. I’ll still be here when you’re done.”
“Libre mo ’ko milk tea ulit?” biro niya minsan.
“Pag naging scholar ako, treat kita weekly,” sagot ko.
Pero hindi siya nagbiro nang tanungin niya:
“Can I see you again?”
At ngayon, heto ako—nasa parehong mall kung saan unang nagkrus ang mga mata namin. Simple lang ang suot ko—white shirt, denim skirt, at canvas shoes. Pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
Kasi ngayon, hindi na lang kami magkakilala.
Kami na. Sa tahimik. Sa totoo. Sa lihim.
Maging si Natty ay walang alam, Bakit? Kasi baka hindi siya maniwala, Sobrang Bilis ng pangyayari, Nahulog agad ako kay Kael! In just a snap!
°°°°°°°
Habang kumakain kami ng fries at nagtatawanan, bigla niyang inilabas ang isang maliit na box mula sa backpack.
“Don’t panic,” nakangiti siya. “Hindi proposal ’to. Promise ring lang.”
Binuksan niya ang kahon. Isang napakasimpleng yellow gold ring—manipis, eleganteng tingnan. Hindi mamahalin, pero makabuluhan.
May naka-ukit sa loob:
“Ecclesiastes 3:11 – He makes everything beautiful in His time.”
Napasinghap ako. Napatingin sa kanya. Hindi ako relihiyosa, pero tumagos ang mensahe.
“Kael…” mahina kong tawag.
“Gusto ko lang ipaalala sa’yo na kahit anong mangyari, kahit ilang buwan pa yang exam mo, kahit anong bawal—ako ang maghihintay. Sa tamang panahon.”
Inabot niya sa akin ang singsing.
“Akin ’to. Pero gusto kong ikaw ang magsuot. Hangga’t di pa tayo puwedeng umamin, hayaan mong ito ang maging paalala… na totoo ‘to. Na hindi laruan ang nararamdaman ko.”
Nanginginig ang kamay kong sinuot ito sa kanang palasingsingan. Hindi ako nakasagot ng “I love you.” Hindi pa.
Pero sa mga matang puno ng luha at ngiting hindi mapigilan, siguro nakuha na niya ang sagot.
Habang palabas kami ng milk tea shop, huminto siya sa harap ng hallway mirror.
“Picture tayo?” tanong niya.
“Dito?” natigilan ako.
“Selfie lang. Di i-popost. Sa’kin lang.”
Tumango ako. Tumabi sa kanya. At habang naka-frame na kami sa camera, bigla niyang bulong:
“Sa susunod na picture natin… sana hindi na tago.”
Tumango ako.
“So fast—I know you're wondering how quickly things happened and how we became 'us' in an instant. But I promise, I will love you, I won’t leave you. We’ll build a family together." seryosong wika niya, Habang nakahawak sa kamay ko.
“F...Family agad? I'm just 16 Kael!” Nag aalangan kong wika, Pero hindi ko itatanggi na kinikilig ako sa mga sinabi niya.
“You're my girlfriend, and I'm your boyfriend — where else are we headed if not towards building a family, right? Kaya kitang buhayin , At pag aralin Saph!” Sabay halik sa likod ng palad ko.
“Can you face my Parents Kael?” Tanong ko.
“O...Oo naman!” Maiksi niyang wika....
Mahigpit ko siyang niyakap..... Siya ang una kong boyfriend, Ganito pala ang pakiramdam!
°°°°°°°
Pag-uwi ko, tahimik lang akong pumasok sa kwarto. Hinubad ko agad ang singsing. Ayokong mapansin ni Mama. Inilagay ko ito sa ilalim ng unan—malapit sa puso, pero malayo sa mata ng iba.
Tumunog ang phone ko. Mensahe ni Kael.
Kael: “Kahit di mo pa masabi, alam ko na. Kaya salamat.”
Pero bago pa ako makatulog, isa pang mensahe ang dumating. Hindi si Kael.
Unknown Number:
“Mag-iingat ka, Saphira. Hindi mo pa siya kilala.”
Napatitig ako sa screen. Huwag mo sanang sirain ang kasiyahan ko, bulong ko sa sarili. Ayokong maramdaman ang alinlangan… lalo na ngayong masaya ako.
°°°°°°°
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi pa man lubusang sumisikat ang araw, gising na ang diwa ko.
Hindi lang dahil sa exam.
Kundi dahil sa isang simpleng singsing na nasa coin purse ko.
Yung singsing na may ukit na,
“He makes everything beautiful in His time.”
Pangakong hindi ko pa ganap na nauunawaan, pero pinili kong panghawakan.
“Saph, ready ka na ba?” tanong ni Natty habang sabay kaming sumasakay ng jeep.
“Ready… pero parang gusto kong umiyak,” sagot ko, hawak ang ballpen na parang magic wand.
“Bawal ang iyak. Scholar mindset lang, okay?” sabay peace sign niya sa salamin ng jeep.
Napangiti ako. Kakaibang kaba. College entrance exam. First real step toward the life I’ve been dreaming of.
At sa isipan ko… baka doon din mas maging malinaw ang tungkol sa amin ni Kael.
Tahimik sa exam room. Maingay lang ang click ng mga ballpen. Sa ilalim ng mesa, nasa bulsa ng jacket ko ang coin purse. Ramdam kong naroon ang singsing. Paalala.
“You can do this.”
Sinubukan kong alalahanin lahat—mga gabing puyat, YouTube lectures, tanong ni Kuya Hero tungkol sa binary.
Pero kahit anong logic at computation, sumisilip sa isip ko ang mga mata ni Kael. Ang mga lambing niyang walang tanong.
Paglabas ko ng exam room, parang may biglang gumaan.
“Hoy!” sigaw ni Natty, sabay yakap, “Grabe ‘yon, ‘no? Parang ginigisa tayo!”
“Feeling ko hindi ako huminga buong dalawang oras,” sagot ko, nakatingala sa langit.
“Tara. Reward time!” hila niya sa akin.
Ngumiti ako.
Reward… or secret escape?
Binuksan ko ang phone ko. May message.
Kael: “Proud of you. Tara? Same place.”
Nagpaalam ako kay Natty. Hindi na siya nagtanong.
“Alam ko na ’yan. Basta mag-ingat ka, ha. At huwag kang masyadong... alam mo na.”
“Grabe ka,” sabay tawa ko. Pero sa loob-loob ko, may kirot. Kasi kahit hindi niya sabihin, ramdam ko—may kutob siya.
Parehong lugar. Parehong Kael. Pero may kakaiba ngayon sa mga mata niya—hindi kasing sigla ng dati.
“Pumasa ka na,” bati niya.
“Wala pa result!”
“Alam kong kaya mo. Gusto ko lang maging unang mag-celebrate sa’yo.”
Hinugot niya ang maliit na kahon mula sa bulsa ng jacket.
Hindi singsing. Necklace. Silver chain, malinis. Pero ang pendant—isang maliit na lock. Hindi hugis puso. Hindi pangkaraniwan.
Tumingin ako sa kanya. Hindi pa man ako nagtatanong, nagsalita na siya:
“Minsan, may mga bagay na hindi agad nabubuksan. At may mga taong hindi agad nauunawaan. Pero kung matutunan mo akong intindihin… ibibigay ko rin ang susi.”
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no’n. Pero tinanggap ko ang kwintas. Siya mismo ang nagsabit sa leeg ko. Dahan-dahan. Parang mahalaga.
°°°°°°°
Naaya niya akong sumakay ng ferris wheel sa rooftop. May pa-event pala ang mall. May ilaw. May announcement ng fireworks mamaya.
Habang unti-unting umaakyat ang gondola, napatingin ako sa ibaba. Ang lahat ng tao, parang ang liliit. Tahimik. Mahangin. Malayo sa ingay.
“Natutuwa ako na lagi kang nagpapakatotoo,” sabi niya bigla.
“Bakit mo naman nasabi?”
“Ewan. Siguro kasi… ako, minsan hindi ko pa rin kayang sabihin ang buong totoo.”
Nanahimik ako.
Bakit parang bawat regalo niya, may kalakip na paalala—na hindi ko pa siya kilala nang buo?
°°°°°°°
Pag-uwi ko, tahimik ang bahay. Si Mama tapos na sa kusina. Si Kuya busy sa coding. Si Papa, monthly lang kung umuwi, dahil Family Driver siya sa malayo.
Ako naman, yakap ang panda plushie na bigay ni Kael. Hawak ang pendant. Lock.
May tinatago ba talaga si Kael? O ako lang ang natatakot sa mga kutob ko?
Binuksan ko ang chat namin ni Natty.
Saphira: “Tapos na exam. Sana makapasa tayo.”
Natty: “Oo. Pero ikaw, parang dumaan sa ibang exam din ah. Sa puso?”
Napatawa ako nang mahina.
Oo.
At parang hindi multiple choice ang mga tanong ni Kael…
Kundi palaisipan.