Chapter 3

1586 Words
Napahinto ako sa pag-scroll ng phone. Parang biglang nag-slow motion ang paligid. Naririnig ko pa rin ang banayad na ugong ng electric fan sa kwarto, pero ang puso ko—parang may sariling beat na hindi ko maikakaila. “Little Star.” Paulit-ulit kong binasa ’yon. Ganoon na ba niya ako kabihasa? Alam na niya ang tawag na kayang tunawin ang buong pagkatao ko. Hindi na ako nagre-review. Wala nang reviewer sa harap ko. Tapos na ang entrance exam. Tapos na ang mga gabing nilalamon ako ng kaba at pressure. Pero ngayon—ibang klase ang kaba. Mas malapit. Mas personal. Kael: “Reunion ng college barkada ko. Gusto kitang isama. Gusto kong ipakilala ka… as my ‘friend’ muna, Alam mo na baka magulat sila, My girlfriend is a baby” May smiley sa dulo ng mensahe niya, pero hindi ko iyon binasa bilang biro. Hindi basta emoji lang ’yon. Para sa akin, may ibig sabihin ’yon “Gusto ko, pero hindi pa pwede.” Nag-reply ako ng, “Sure. Pero baka mapagkamalan akong pamangkin mo.” Agad siyang nag-reply. Halos hindi pa nga ako nakakapikit. Kael: “Mas gugustuhin kong mapagkamalang pamangkin, kaysa iwan kang hindi kasama. Susunduin kita. Casual lang, 4 p.m.” Tumitig ako sa screen kahit tapos na ang usapan. Parang may hinihintay pa akong kasunod... kahit wala na. Sabay dakot sa coin purse—nandoon pa rin ang singsing na ibinigay niya noong araw na umiyak ako sa ulan. At ang necklace na may maliit na lock. Dalawang bagay na simpleng tignan, pero mabigat sa puso. Parang dalawang pangakong hindi pa niya mabitawan. °°°°°°° Sabado, 4:03 p.m. Nahihintay ako sa tapat ng waiting shed sa kanto. Ang langit, parang sinadyang umaliwalas ngayong araw. May ginintuang sikat ang araw na sumasalubong sa bawat t***k ng dibdib ko. Suot ko ang pinateryang jeans ni Mama—ipinagtabi niya talaga para sa “espesyal na lakad.” Blusa kong white, puff-sleeve, pinausukan ko pa kanina para mukhang bago. At kahit walang nagsabi, nagsabon ako ng dalawang beses sa leeg—ewan ko ba, baka kasi gusto ko... maamoy niya ako. Bumusina ang silver sedan. Bumukas ang pinto, at si Kael, lumabas. Naka-dark blue polo siya na may rolled sleeves, at dark slacks. Malinis. Makisig. At sobrang... lalaking-lalaki ang dating. “Hi,” bati niya, kasabay ng kindat. Tiningnan niya ang ayos ko mula ulo hanggang paa. “Kulang na lang wings, eh. Para ka talagang angel.” Napatawa ako, pero ramdam ko ang init na umaakyat sa pisngi ko. Paglapit niya, pinisil niya ang kamay ko—hindi mahigpit, pero sapat para maramdaman kong... ako lang ang nakikita niya. Venue: Roof deck bar sa Makati Pagdating namin, sinalubong kami ng tunog ng halakhakan, masiglang kwentuhan, at jazz music sa background. Sa paligid, city lights na parang bituin sa lupa. Eleganteng ambience. Malalalim na tawa. Matatamis na alaala. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, naramdaman kong foreigner ako sa mundo niya. “Brooo! Tagal mong nawala!” sigaw ng isa, sabay tapik sa likod ni Kael. May halong excitement at alak sa boses. Agad siyang sinalubong ng iba—Trish, Lance, Jana—lahat halos professional-looking. Mamahalin ang mga relo, designer ang mga sapatos. “Guys, this is Saphira.” Mahina pero buo ang boses ni Kael. Hindi niya sinabing girlfriend. Hindi rin niya ako ipinakilalang “study buddy.” Pero ramdam kong may tinatanggol siya. Parang sinasabing, “Huwag niyo siyang balewalain. Importante siya.” “Uy, hi!” bati ni Trish. “Ang cute mo naman!” “Hi Saphira!” si Jana, sabay ngiti at kindat. “Ang ganda mo! Kael, napaka-lowkey mo ah!” Ngumiti ako, mahinhin. Pero biglang bumigat ang paligid nang tumayo si Adrian mula sa sulok. “Adrian.” Abot ng kamay niya. “Kael’s told us... barely anything. So I’m curious.” Ngumiti ako pabalik. Pero hindi ko alam kung friendly ba talaga o may ibang intensyon ang lalaki. Lalo na’t ramdam ko ang biglang paghigpit ng pagkakayakap ni Kael sa baywang ko. °°°°°°° Habang patuloy ang inuman at kwentuhan, mas napapansin kong madalas na ang interaction namin ni Adrian. Magaan siyang kausap—nakakatawa, mabilis makasakay sa jokes, at surprisingly... interesado talaga sa mga sagot ko. “So IT ka pala sa college?” tanong ni Adrian habang inaayos ang yelo sa baso niya. “Oo. One month na lang, pasukan na.” Sagot ko, sabay tawa. “Kaya sinasamantala ko pa ’tong free time. Baka wala na akong tulog soon.” “Nice. Alam mo, sobrang demand sa tech ngayon. Marunong ka na ba mag-code?” “Basic lang, HTML, CSS. Pero gusto kong matuto pa. Baka mag-focus ako sa backend o cybersecurity.” “Wow,” sagot niya, genuinely impressed. “’Di mo nga halata, pero nerd ka pala.” Napatawa ako, bahagyang tinapik ang braso niya. “Uy ha, compliment ba ’yon o insulto?” “Compliment, promise.” Kumindat siya. “May charm kasi ’yung mga babaeng techie. Rare ’yan.” Hindi ko agad napansin na naka-lean forward na ako, habang si Adrian naman, relaxed na relaxed. Parang matagal na kaming magkaibigan. Pero sa gilid ng paningin ko—si Kael. Tahimik. Pero hawak niya nang mahigpit ang baso, at hindi siya tumitingin kahit kanino kundi sa amin ni Adrian. “Excuse me lang, CR lang ako,” sabi ni Trish, sabay aya kay Jana. Naiwan kaming tatlo—ako, si Kael, at si Adrian. “Saphira,” ani Adrian, “may playlist ako ng chill lofi at jazz-electro. Perfect habang nagco-code. Want me to send it?” “Sure, sounds cool.” Sagot ko agad, sabay kuha ng phone. “Search mo na lang ako sa Spotify—” “She doesn’t give out her accounts to just anyone,” putol ni Kael, malamig at madiin. Napalingon kami pareho kay Kael. Blanko ang mukha niya pero naniningkit ang mga mata. “Bro,” sabi ni Adrian, medyo natawa. “Playlist lang ’to. Hindi ako humihingi ng password.” “Still,” Kael replied, “I can just share mine with her. Alam ko naman ’yung trip niya.” Tahimik akong napapikit ng bahagya. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matouch. Pero mas ramdam ko ngayon ang tensyon sa mesa. “Seloso mo pala, Kael,” biro ni Adrian, sabay inom sa cocktail niya. “Hindi ako seloso,” sagot ni Kael, pero masyado nang mahigpit ang hawak niya sa baso para paniwalaan ko. Tumayo ako para kumuha ng hangin. Ilang minuto pa lang, naramdaman kong sumunod si Kael. Tahimik lang siya noong una, pero mabigat ang hanging dala niya. “Okay ka lang?” tanong ko. Hindi siya sumagot agad. “Comfortable ka na agad kay Adrian,” bulong niya. “Napansin mo ba?” “Ha?” natawa ako. “Wala naman ’yon. Kausap lang.” “Saph, hindi ako tanga.” Malumanay pa rin ang tono niya pero puno ng bigat. “Kitang-kita ko kung paano ka tumawa, kung paano ka tumagilid sa kanya. Paano ka tumapik sa braso niya.” “Kael, friendly lang ’yon.” “Alam ko. Pero hindi ibig sabihin... hindi masakit.” Tahimik. Ang lamig ng hangin pero ang katawan ko, mainit sa bigat ng sinabi niya. “Akala ko ba ikaw ’yung laging kalmado?” tanong ko, pilit binabalik ang usapan sa gaan. Ngunit umiling siya. “Hindi ako kalmado kapag may ibang nagpapatawa sa’yo sa paraang gusto kong ako lang dapat ang gumagawa.” Tiningnan niya ako, diretsong tingin. “At hindi ako kalmado kapag nakikita kong komportable kang ibukas ang sarili mo sa iba... habang ako, kailangan pa ring maghintay.” “Kael...” “Hindi mo ba naramdaman ’yon?” tanong niya, halos pabulong. “’Yung pakiramdam na para kang nanonood ng isang eksena kung saan ’yung taong mahal mo, nakangiti... pero hindi dahil sa’yo?” Parang sumikip ang dibdib ko. “Kael, wala akong balak palitan ka.” “Alam ko. Pero hindi ko mapigilang matakot. Dahil minsan, hindi naman sinasadya ang pagpapalit. Nangyayari lang. Dahil may ibang mas madali kausap. Mas ka-vibes. Mas... hindi komplikado.” “Pero hindi ikaw ang gusto kong madali. Gusto kita kasi ikaw ’yung totoo.” Tahimik. Dahan-dahang nilapit ni Kael ang mukha niya. Hinawakan ang kamay ko. Malamig pero nanginginig. “I trust you, Saph... pero ang hirap palang labanan ang takot. Lalo na kung alam mong hindi ikaw ang pinakamadaling piliin.” At doon, sabay na sumabog ang fireworks sa langit. 11:42 p.m. – Sa kotse pauwi Tahimik kami. Hawak niya ang kamay ko. Pareho kaming pagod, pero hindi pa handang magpaalam. Pagbaba ko, bigla siyang nagsalita. “Kung may ibang lalapit sa’yo… hindi kita pipigilan. Pero sana… ako pa rin ang pipiliin mo.” Wala akong nasabi. Hinawakan ko lang ang kamay niya at hinalikan iyon. Pikit ang mga mata. Parang panata. Pagdating sa hotel Tahimik. Elegante. Malinis. Parang ibang mundo. Parang pansamantalang tahanan ng dalawang pusong nangangapa. Umupo siya sa kama. Tinapik ang tabi niya. “Halika.” Umupo ako. Tahimik. “Na-offend ka ba kanina?” tanong niya. “’Yung selos ko?” “Hindi,” sagot ko. “Pero natakot ako. Kasi... kapag nasasaktan ka, gusto ko ako na lang. Huwag lang ikaw.” Nagkatinginan kami. “Saph... mahal kita. Hindi ko alam kung tama, pero totoo.” At doon, hinayaan kong mahulog. Hindi sa kama, kundi sa piling niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD