Araw pagkatapos ng hotel
Gising pa ang katawan ko pero hindi ko maintindihan kung anong klaseng pagod ito. Hindi lang ito pisikal. Parang may binuksan sa puso ko—isang silid na dati'y sarado pa.
Nakatulala ako sa kisame ng kwarto habang binibilang ang pumasok na mga message.
Kael: “Text me agad pag nakauwi ka.”
Kael: “Don’t go out without telling me.”
Kael: “Do you still talk to Adrian?”
Tatlong sunod-sunod na messages.
Parang nag-iba ang tono. Hindi na siya ’yung Kael na kalmado. Hindi na lambing ang mga tanong, kundi… utos?
Naalala ko pa kahapon—ang dahan-dahan niyang halik sa balikat ko habang nakayakap sa kama.
Naalala ko pa ’yung mahigpit niyang hawak sa kamay ko nang sinabi kong mahal ko rin siya, kahit tahimik lang.
Pero ngayon, parang may bago.
°°°°°°°
3 days later
“Hindi ka na tumatambay sa labas?” tanong ni Natty habang sabay kaming naglalakad galing bakery.
“Pagod lang,” palusot ko.
Pero ang totoo, hindi na ako makagalaw ng basta-basta. Sa bawat text ni Kael, may tanong:
Saan ka?
Sino kasama mo?
Bakit hindi ka nag-reply agad?
Hindi ko alam kung dapat bang kiligin o kabahan. Hindi ko rin alam kung pagmamahal pa ba ’to o pag-aari.
“Alam mo Saph,” seryoso si Natty, “minsan kapag sobra ang mahal ng tao… nakakalimutan na nilang huminga.”
Hindi ako sumagot. Pero nagmarka sa isip ko ang sinabi niya.
°°°°°°°
Gabi, sa bahay
Naglalaba si Mama. Si Kuya Hero nasa mesa, nakatutok sa laptop. Tahimik lang ako sa gilid, pero biglang—
“Kanino ‘tong picture na ‘to, Saphira?” tanong ni Mama, hawak ang cellphone niya.
Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.
Hindi ko alam kung paano niya nakuha. Pero kita sa screen: picture namin ni Kael. Sa lobby ng hotel. Hawak niya ang kamay ko. Pamilyar na damit. Parehong gabi iyon.
“MA?!”
“Anong ibig sabihin nito?!” mataas na boses ni Mama, nanginginig. “Totoo ba ’to?! ‘Yung lalaking ’to—mas matanda pa sa Kuya mo! ’Yan ba ‘yung sinasabi mong ‘friend’?!”
Tumayo si Kuya Hero, naglakad papalapit.
“Saph… ilang taon na ba ‘yan? Bakit mo ’to tinatago?”
“Hindi siya masama! Hindi ganun si Kael!” lumuluha na ako. “Mahal niya ako. At... mahal ko rin siya.”
Napaurong si Mama. Halatang nasaktan. “Pinalaki kita nang marangal. Sa edad mong ’yan—’yan ba ang kapalit?”
“Legal na ako! Wala akong ginagawang masama!” palusot ko, kahit alam kong sa puso ko, may parte akong naguguluhan rin.
“Kung totoo ngang mahal ka niya…” seryosong sabi ni Kuya, “bakit niya nililihim ang lahat?”
Hindi ako makasagot.
°°°°°°°
Ilang oras matapos ang gulo
Tumunog ang phone ko. Si Kael.
Kael: “I heard.”
Kael: “Kailangan natin mag-usap. Ngayon.”
Hindi ko alam kung lalabas pa ako. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin. Pero gusto kong maintindihan—bakit, nang naramdaman kong buo na ako, saka naman ako unti-unting nauupos?
°°°°°°°
Nagkasundo kaming mag kita sa Parke
(Sa park)
Gabi na. May iilang streetlights lang. Tahimik. Doon kami nagkita—parehong may lungkot sa mata.
“Ano bang nangyari?” tanong ko, deretsahan. “Bakit parang bigla kang nagbago?”
Hindi siya sumagot agad. Humugot muna siya ng malalim na hinga.
“Dahil natatakot ako. Natatakot akong mawala ka.”
“Natatakot din ako, Kael. Pero hindi mo ako pwedeng itali.”
“I’m sorry,” bulong niya. “Pero ngayon na alam na ng pamilya mo... baka lalo ka nilang ilayo sa’kin.”
“E ‘di ipakita natin na totoo ’to. Harapin natin.”
Tumingin siya sa akin—halatang may kinikimkim. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan pa rin.
“Saphira… may kailangan kang malaman.”
Napasinghap ako. “Tungkol saan?”
Bago siya makasagot, may tumunog sa phone niya. Tumitig siya sa screen—at bigla na lang siyang napaatras.
“Kael?”
“Pasensya na... kailangan ko muna umalis.”
“Kael, ano ba ’to?”
Pero hindi siya tumingin muli. Bumalik siya sa kotse’t umalis.
Iniwan akong nakatayo sa gitna ng madilim na park.
At sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya, naramdaman ko ang lamig—yung uri ng lamig na hindi kayang painitin ng kahit anong yakap.
°°°°°°°
Nasa Kwarto na ako
Binuksan ko ang chat namin. Wala nang bagong message.
Hanggang sa may biglang pumasok.
Hindi mula kay Kael.
Unknown Number:
“Sinabi ko sa’yo. Hindi mo pa siya kilala. At baka huli na ang lahat kapag nalaman mo ang totoo.”
Napapikit ako! At halos hindi makapaniwala sa mga sunod sunod na tila hindi maiwasang mangyari.
°°°°°°°
Kael's POV
10:12 p.m.
Ilang araw na akong hindi maayos makatulog. Laging may bigat sa dibdib ko na hindi ko mabigyang pangalan.
Simula nang gabing iyon sa hotel, hindi na ako mapalagay. Hindi dahil sa ginawa namin ni Saphira—dahil doon, ramdam ko ang koneksyon. Pero dahil sa sarili kong damdamin na ayokong iparamdam sa kanya:
Takot. Guilt. At... pagkadurog sa isang tawag na hindi ko inasahan.
Kaninang hapon, habang pauwi galing sa work meeting, tumawag ang unknown number. International.
“Kael…”
Isang pangalan lang ang tumama sa utak ko: Diana.
Tatlong taon. Tatlong taon simula nang iwan niya akong parang alikabok lang ang pagmamahalan namin. No closure. No warning. Biglang flight. Biglang “I need space.”
At ngayong hawak ko na ang bagong simula, ang batang si Saphira na unti-unti kong minahal sa pinakapurong anyo—ngayon pa siya bumalik?
°°°°°°°
Nakatayo si Saphira sa ilalim ng streetlamp. Magkakasalubong ang kilay, hawak-hawak ang phone. Pagkakita niya sa akin, kita ko agad ang tanong sa mga mata niya.
Hindi na niya kailangang magsalita.
“Kael… bakit parang nag-iba ka?” tanong niya.
Hindi ko siya matingnan nang diretso. Hindi pa rin humuhupa ang echo ng boses ni Diana sa utak ko.
“Bumalik na ako. Gusto kitang makita…”
“Dahil natatakot akong mawala ka,” sagot ko, halos pabulong.
“Pero Kael, bakit parang gusto mo na akong ikulong?”
Sumakit ang dibdib ko. Mahal ko siya, pero alam kong hindi pa ako buo. Hindi pa ako tapos sa kwento kong hindi ko isinara.
Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero bago ko pa mabigkas ang alinman sa mga salitang dapat sabihin...
Nag-vibrate ang phone ko.
Unknown Number calling...
Napatingin ako sa screen. Parang tumigil ang mundo.
Diana. Tumatawag. Ngayon.
“Kael?” tanong ni Saphira, halatang napansin ang pagbago ng anyo ko.
“Pasensya na… kailangan ko munang umalis.”
“Anong ibig mong sabihin? Kael!”
Pero hindi ako tumingin pabalik. Hindi ko kinaya. Hindi ko maharap ang gulo sa puso ko—lalo na’t may isa pa akong kwentong kailangang harapin... isang kwento na ayokong dalhin kay Saphira, pero dala ko pa rin.
°°°°°°°
10:59 p.m. – Inside the car
Isinara ko ang pinto. Kinagat ko ang labi ko habang sinusulyapan ang screen ng cellphone.
Call connected.
“Hello?” tanong ko, kahit alam ko na kung sino.
“Kael…” tinig ni Diana, kalmado pero puno ng alaala.
“Pasensya na kung ngayon lang ako tumawag. Alam kong hindi ito ang tamang oras.”
Hindi talaga.
“Pero wala nang ibang dahilan kung bakit ako bumalik kundi ikaw.”
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko rin pinatay ang tawag. Napatitig ako sa side mirror, at sa likod ng repleksyon ko, nakita ko si Saphira—hindi literal, pero sa isipan ko. Nakatayo pa rin, naghihintay, nagtataka kung bakit ako umalis nang walang paliwanag.
At sa mismong sandaling iyon, ramdam kong dalawang mundo ang kinakalaban ko.
Isa ang nakaraan.
Isa ang kasalukuyan.
At kung hindi ako pipili… baka mawalan ako ng pareho.