Ngayong araw, sinulat ko sa maliit na notebook ang mga kailangan ni Khaira: diaper, wipes, gatas, lotion, at cotton balls. Ubos na halos lahat. Bitbit ko ang sling bag ko at ang credit card na iniabot ni Kael—walang note, walang paliwanag. Basta iniwan niya lang sa lamesa. Parang sinasabing: “Gamitin mo kung gusto mo.” Handa na sana akong umalis mag-isa, pero bigla siyang sumulpot mula sa hallway, naka-polong puti, itim na slacks, bagong ligo, amoy perfume. Papasok siya sa opisina. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Bibili lang ng gamit ni Khaira,” sagot ko, hindi ko siya tinitingnan. “Ihahatid na kita,” malamig niyang alok. “Hindi na. Kaya ko naman—” “Sumakay ka na, Saphira,” putol niya. Hindi siya galit, pero may diin sa tono niya na parang hindi na puwedeng pagtalunan. Napilitan a

