Saphira’s POV Hindi ako bumangon buong araw. Minsan idinidilat ko ang mata, minsan naman pinipikit ko lang ulit. Paulit-ulit. Ilang beses. Wala akong lakas. Wala akong gana. Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang lumapit sa pinto. Naririnig ko ang mga hakbang niya, ang paghinga niyang mabigat, pero hindi siya kumatok ngayong gabi. Siguro napagod na rin. O baka… sumuko na. Hindi ko rin ginagalaw ang pagkain. Hindi ko rin naman kayang kumain. Hindi sa wala akong gana—kundi dahil sa lalamunan ko pa lang, parang may bara na. Alas nuebe na nang tumunog ang phone ko. Notification ulit mula sa Bank. ₱11,000 received from Kael Dominic Alveron. Napasulyap ako. Napangiti ng mapait. Ganito ba talaga ang mga lalaking hindi marunong magsabi ng totoo? Babawi sa pera. Sa pagkain. Sa panlab

