Chapter5

759 Words
Chapter 5 Third Ymir's POV: Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa habang naglalakad papasok ng eskinita iniwan ko kasi ang kotse ko sa parking lot ng kompanya at pinilit na sumakay sa taxi para makapunta. Bahagya kong inayos ang suot kong hood ng mag mga nasasalubong akong tao. Nakahood ako na itim at jeans para di ako makilala kahit imposible na magkaroon ng reporters dito mas mabuti na yung handa. Nang makarating ako sa bahay ni Gwen tumalon ako sa bakod at dumeretso sa maliit na garden sa likod ng bahay dahil alam ko na pag gabi andito siya. "Babies okay lang naman siguro kung wala kayong daddy diba? Andito naman si Mommy eh." "Tanga kasi ng Mommy niyo, Di ko tiningnan ang mukha ng Daddy niyo kahit ako di ko alam ang tyura niya." napangiti ako ng bahagya ng marinig ko ang boses niya at pag kausap sa baby namin Sumandal lang ako sa pader na nasa likod ko na nasa likod ng puno hindi kalayuan sa pwestk ni Gwen. "Excited na si Mommy na lumabas kayo. Ano kayang itsura niyo? Kung lalaki kayo siguradong kamukha niyo ang daddy niyo. " "Gwen bat ba andito ka palagi? Gabi na oh." ani ng babaeng lumapit sakanya at inalalayan siyang tumayo. "Nagpapahangin lang kami ng mga babies ko, wag kang oa Eunice." natatawang sabi niya. Ang sarap sa tenga ng tawa niya nababaliw ka nanaman Ymir, kasalukuyan akong nakasilip dito sa madilim na parte na kinatayo ko ng tuwid ng tumingin siya sa kinaroroonan ko habang papasok siya. "Nakikita niya ba ako?  Pero imposible madilim dito. " Nakahinga ako ng maluwang ng mawala na siya sa paningin ko at maisara ang pintuan.  Gwen's POV: Mabilis na lumipas ang mga araw, medyo kinakabahan na ako dahil due date ko na ngayong buwan nalaman kong twins ang baby ko pareho pang boy. Di ko alam kung maeexcite ako dahil makikita ko na sila o matatakot dahil siguradong masakit yun. "Gwen nahihilo ako sayo bat di ka mapakali?" umupo ako at kinagat yung unan na nakuha ko. "Di ko alam!" sagot ko dahil hindi talaga ako mapakali.  Eunice's POV: Nagkatinginan kami ni Yuri habang kinakagat ni Gwen yung unan. Napangiti ako ng marealize na sign na yun na manganganak na siya. "Excuse me." tumayo ako at dinial ang number ni Ace. "Yo Eunice, Bakit? Naubusan na ba ng stock si Maam gwen papa----" "Pumunta na kayo dito. Sigurado maya maya lang manganganak na si Gwen puro babae kami dito." "Sige! On the way na kami! Arc kunin mo yung kotse." pinatay niya na yun, di ko pa siya nakikita sa personal pero may tiwala ako sakanya dahil alam niya yung mga nangyari sa kaibigan namin. Sila din yung nagpapadala ng mga pagkain at damit kay Eunice, ayaw nilang magpakita pero naiintindihan ko at mukha naman na wala silang intensyon na masama sa kaibigan namin. "Eunice!!!" napatakbo ako sa sala ng sumigaw si Hannah. "A-aray!" "Manganganak na si gwen!" natatarantang sabi ni Yuri habang inalalayan namin si Gwen patayo. "Tara Yuri pagtulungan nating dalhin sa ospital si Gwen." "AAAHHH!!!ANG SAKIT!!" naiyak na sabi ni Gwen. Anak ng! Hindi namin kaya si Gwen! Napatingin kami sa pinto ng may apat na lalaki ang pumasok, nanlaki ang mata ko ng familiar ang mukha nila  at sinong di magugulat kung makakita ka ng mga ganitong kagagwapong nilalang sa harap mo? Bumalik lang ako sa sarili ng may bumuhat na lalaki kay Gwen at mukhang yun ang nakabuntis kay Gwen dahil sa aura nito at sa identity na binigay ni Ace nung tinanong ko siya kung anong klaseng tao ang nakabuntis kay Gwen. Nung una akala ko demonyo kasi grabe pagkakadiscribe ni Ace pero mukhang nakajackpot si Gwen sissy dahil sobrang gwapo nito at mukhang ubod pa ng yaman. "Hi Eunice!" nawala ang tingin ko sakanila ng may lumapit sakin na lalaki at inabot ang kamay. "Ako si Ace." nagulat ako at literal na nanlaki ang mata. "It means yung lalaking bumuh---" "Yup." "Tara na." Hinila nya na ako palabas ng bahay at sinakay sa kotse niya na kinabigla ko nakita namin yung mga kapitbahay namin na nakapalibot sa bahay na mukhang heheadline nanaman ito sa buo naming barangay. "Asan na sina beshy?" tanong ko. "Baka dinala na ni Mr. Fuentes sa ospital" sagot ni Ace na kinatigil ko. "Mr. Fuentes?!" hindi makapaniwalang sambit ko dahil kaya pala pamilyar sila dahil nakikita ko sila madalas sa mga bulletin board. "Kung ano mang naiisip mo, yeah siya yun." Hindi ako makapaniwala,  bigtime ang nabingwit ni Gwenny hihi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD