Sweet's POV Sobrang tahimik ng paligid habang kumakain kami. Sa bawat subo na ginagawa ko ay sumusulyap ako kay Lennox. He's just serious and cold while eating silently. Suminghap ako at binaba ang mga hawak na kubyertos. "Lennox..." Nakatitig lamang ako sa kaniya. Sandali siyang tumigil ngunit nagpatuloy sa pagkain. Pinigil ko na mapaiyak. Since yesterday, simula no'ng makita niya ang kambal at pati na rin ang kung ano sa batok ko, he became distant and cold. Kahit hindi niya ipahalata, nararamdaman ko. Iyong hindi pa lang niya pagyakap sa akin mula sa likod habang naghuhugas ako na lagi naman niyang ginagawa. Iyong pag-iwas niya ng tingin at hindi ako tinitignan, na dati ay halos matunaw na ako sa titig niya. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil ba 'yon sa nakita niya na tinatawag ni

