Sweet's POV Tumigil ako sa pagwawalis nang may kumatok mula sa gate. I sighed and walked towards the gate saka binuksan 'yon. "Ano 'yo— Daniella, Daniel?" I asked. Tahimik lamang si Daniel samantalang si Daniella ay matagal na nakatitig sa 'kin. "Anong kailangan niyo?" I asked. Sumulyap sa may likod ko si Daniella. "Si Dark?" she asked. Tumaas ang kilay ko at hindi ko napigilan na titigan siyang mabuti. Himala, hindi siya nagsusungit at mataray ngayon, ah? "Bakit mo siya hinahanap?" I asked. Pinasadahan ko ang buhok at sinulyapan ang kambal niya. "Wala siya rito. He has an important thing to do." I added. She nodded and crossed her arms in front of her chest. She stared at me. "Okay, hindi naman siya ang kailangan ko. I want to say something to you." Napatindig ako nang maayos at

