NOKOL - Chapter 3

2047 Words
Hindi na nakapasok sa trabaho si Calista ng Monday dahil halos tanghali na siya nakarating sa Manila. Naputol ang pagpapahinga niya ng nagring ang cellphone sa tabi niya. "Hello?" Inaantok pa na sagot ni Calista sa tawag "Sis! Medyo kanina pa ako nagdodoorbell dito sa labas baka gusto mo ako pagbuksan ng pinto?" Pamungad agad ni Tanya Antok-antok pa na binuksan ni Calista ang pinto at agad agad naman na pumasok si Tanya sa loob. "Hiberanate mode ka pala kaya pala hindi mo narinig ang doorbell. Teka asan na ang bilin ko?" Hyper naman na sabi ni Tanya at agad na kumalkal sa refriegerator niya. "Sorry naman hindi naman ako nakatulog sa byahe magdamag. Tamang tama initin mo na rin yan at ng makakain na tayo ng dinner" Salampak naman ni Calista sarili sa upuan Nangiti naman si Tanya at hinain ang pagkain. "How did it go?" Kamusta nito sa kanya "Ok lang naman, just like how it goes for the past 7 years." Sagot naman ni Calista sa kanya. "At mukhang may improvement na rin naman." "Then that's good to hear. It will get even more better. Believe me" Encourage naman ng kaibigan kay Calista "Oo naman. Thanks for that" Sagot ni Calista sa kanya.."By the way naalala ko lang bigla, ano ba talaga nangyari nun Thursday? Diba dapat ikaw ang nasa playground nun time na may nangyaring aksidente?" Pagbabago ni Calista sa usapan "Hay naku girl nabanggit mo na rin yan, bukas bibigyan na ako ng hatol dyan tsk!" Nakasimangot naman na sagot ni Tanya pero tuloy pa rin naman sa pagsubo "Ano ba kasi talaga nangyari?"Tanong ni Calista "May tumawag kasi sa cellphone ko eh medyo importante lang kaya sinagot ko. Nalingat lang ako ng 5 minutes, Limang minuto lang then boom nagkagulo na" Paliwanag ni Tanya "Now you know what may happen minsan sa carelessness natin, oo tao lang din tayo at teacher lang din tayo. Hindi din naman sinasabi na kailangan ay talagang lahat ng oras natin nakabantay tayo. Tanya, uwian yun, at alam natin pareho na yan ang mga oras na talagang malilikot ang mga bata. Kung sana aalis ka naghanap ka muna ng kapalit na kahit sinong matanda, an adult supervision lang ba hindi yun iiwan mo ang playground na totally walang nakabantay" Sermon naman ni Calista sa kaibigan. "At isa pa girl, alam natin ang no cellphone policy pag oras pa ng trabaho natin.." "Oo na aminado naman ako mali talaga eh. Nakausap na rin ako ng supervisor natin, kaya ayunkung anoman prausa ibigay nila maluwag kong tatanggapin, bigyan lang nila ako ulit ng chance" Sagot ni Tanya "Mabait naman sila at malakas kutob ko na bibigyan sila ng isa pang chance.." Nakangiting sabi ni Calista sa kanya "Sana nga, tsk sana nga di ko nalang sinagot yun teleponong yun wala naman magandang idinulot." Tila naiinis na side comment ni Tanya "Sino ba ang tumawag?" Paguusisa ni Calista "Someone not important" Mataray na sagot ni Tanya "Eh akala ko ba importante yun tawag?" Tanong niya ulit "Akala ko lang din eh." Sagot ni Tanya "Tanya...you're not telling me something..." Panghuhuli niya sa kaibigan "A basta next time ko na lang ikwekwento, promise!" Sagot ng kaibigan. "Sige promise ah.." Pagpayag naman ni Calista "Uyyy may bago kang kapitbahay oh!" Turo ni Tanya sa bahay sa tawid ng apartment ni Calista "Oo nga eh napansin ko kaninang umaga may tao na dyan, ang tagal na rin natapos ng bahay na yan pero mukhang ngayon lang nilipatan" Sang-ayon niya sa kaibigan "Nameet mo na ang may-ari?" Excited na tanong ni Tanya "Hindi, at bakit ko naman siya imemeet?" Nagtatakang tanong ni Calista "Syempre! Kapitbahay mo yan! New friend. At isa pa, mukhang mayaman ang nakatira dyan. Sa totoo lang medyo out of place nga yan bahay na yan. Hindi naman sa ano pero parang hindi niya kalevel ang mga ibang kabahayan dito masyado siyang high-end" Pagaanalyze ni Tanya "Kanya-kanyang trip lang yan" Tuloy lang ni Calista sa pagkain niya "Malay mo papable ang may-ari dyan! Tara makipagmeet tayo!" Pabirong yaya ni Tanya sa kanya "Sira ka talaga, sumbong kita sa boyfriend mo eh"  Pananakot ni Calista "Ok lang, sino takot sa kanya?" Matapang na sagot ni Tanya Tumawa naman si Calista "Joke lang eto naman, ikaw kasi puro ka kalokohan" Saway ni Calista "Di naman kalokohan yun, fine sige just answer my question. Ilan taon ka na?" Tanong ni Tanya "24" Mabilis na sagot ni Calista "Eh ako?" Tanong ni Tanya "23" Sagot ulit ni Calista "Correction 22 palang ako, may 4 months pa bago ako mag 23. Anyway, 24 ka na at never ka pa nagkakaboyfriend, don't you think na it's time?" Tanong ni Tanya "And here you are again with your boyfriend talk. Kuntento na ako sa kung anong meron ngayon. Sadyang di dumarating at di rin naman ako nagamadali." Explain naman ni Calista "Anong hindi dumarating, kamo di mo lang pinapansin. Ilan na bang lalaki ang napaiyak mo, at ano ang tawag mo aber kay Sir Dean kahit ba siya wala pa rin hope?" Banat ni Tanya "Grabe naman to anong pinaiyak, wala naman ako pinaiyak sa kanila. Dahil unang una palang ay hindi naman ako nagpapaasa. At si Dean naman he's just our colleague" Depensa naman ni Calista "Colleague mo mukha mo, hindi ko alam kung manhid ka lang or bulag. Pero sa akin lang naman girl I think oras na para pagbigyan mo ang sarili mo." Tuloy na hirit ni Tanya sa kanya "At hep oo alam kong masaya ka naman sa akin lang if it happens let it happen" "Tulad ng sabi if it happen I will let it happen, so for now since wala pang happening na nangyayari hayaan na muna okay? Tumayo ka na dyan at tulungan ako magligpit ng pinagkainan natin" Ligpit naman ni Calista sa lamesa "Teka lang hindi pa ako tapos wag mo ako pagligpitan ng lamesa di ako makakapagasawa!" Tawa-tawa saway ni Tanya kay Calista at nailing na lang si Calista. Kinabukasan ay si Calista ang nagbabantay sa mga bata nun dismissal time dahil nasa meeting si Tanya. "Teacher Sueee!" Tawag ng isang pamilyar na boses sa kanya "Althea! Pumasok ka na pala, kamusta na braso mo?" She scooped down to her level and talked to her "Kahapon pa ako pumasok you don't know kasi you were absent yesterday, its not painful na naman though di lang na ako makapagplay na" Kwento naman ni Althea "Ok lang yan pag gumaling na arms mo makakapaglaro ka na ulit. Pero don't play around the monkey bars again okay? You're too young for that okay?" Remind ni Calista sa bata "Yes teacher promise" Ngiting sagot ni Althea sa kanya. "Althea!" Tawag ng isang lalaki kay Althea at agad naman siya lumingon "Kuya pangit! Why are you here?!!" Pataray na tanong ni Althea pagkalingon niya "Maka-kuya pangit naman tong batang to. May ginagawa si Yaya Charie so I'm here to fetch you." Sagot naman ng bagong dating. "Ayaw ko sayo kuya pangit" Sagot ni Althea sa kanya "Althea bad yan ganyan, sabi naman ng kuya mo busy si Yaya Charie so if ayaw mo sumama kay kuya mo paano ka uuwi?" Calista getting Althea's attention "Ehhh...bad siya eh. Away niya ako agad pagkauwi niya." Tampo ni Althea "Kahit na he's older than you so you cannot call him names okay? Sige na ikaw na lang ang walang sundo oh wala ka na friends dito." Convince ni Calista sa bata "Fine, I'll get my bag" Nakasimangot pero sumunod naman si Althea. "Iba pa rin talaga ang powers ng teacher. Salutes to you Teacher Calista." Bati ni Xavier sa kanya "You know me?" Parang nagulat na tanong ni Calista "Yup! Ikaw ang adviser ni Althea diba? And bestfriend ka ni Teacher Tanya" He answered confidently "Kilala mo rin si Tanya?" Tanong ulit ni Calista "Sort of" He smiled and answered. "I'm ready na Kuya Aldric" Abot ni Althea ng bag sa kuya niya at kinuha niya naman ito. "It was nice meeting you Teacher Calista, and pwede favor? Please tell Teacher Tanya that I'm looking for her , I'll be waiting for her call." Pakiusap ni Xavier kay Calista. Sasagot palang sana si Calista but he cut her off "Bye and thank you!" He waved and walked away. Xayden heard three knocks on the door. Hindi pa siya nakakasagot ay pumasok na ang tao. He rolled his eyes on his brother. "Xavier where are your manners?" Tanong nito sa kanya "I did knock but you didn't answer. Wala ka rin naman kausap so I guess na ok lang na pumasok ako" Katwiran niya naman "How did your meeting with Architect Marvin went?" Pangangamusta nito "Hmmm..he said I could officially start tomorrow. He will be assigning me a team to work on a minor project. You know me that wouldn't be a problem" Mayabang na sagot nito "Siguraduhin mo lang yan, this is no playground anymore Xiaver." Bilin ni Xayden "Of course Kuya I know, don't worry I won't let you down" He even gave his brother a salute. "Kuya hindi pa ba tayo uuwi? Uwian na" Yaya ni Xavier sa kapatid "1 more hour. I have a video conference in a few. Pwede ka na mauna kung gutso mo" Tanong ni Xayden sa kanya "Better than taking a cab with the crazy manila traffic I'll wait for you instead. Pagamit na lang ng kwarto mo muna" Tumayo naman si Xavier at pumasok sa maliit na kwarto sa office ng kuya. True to his words after 1 hour ay natapos na ang meeting ni Xayden. They bought some take-outs for Althea dahil nagrequest na naman ito. Isang kanto nalang ang layo nila sa bahay ng magpababa si Xavier. "Dito na lang ako Kuya may imeeet pa kasi ako" Paalam ni Xavier sa kanya. Itinabi ni Xayden ang sasakyan at bumaba. "Teacher Calista!" Tamang tama ay kakalabas lang ni Calista sa isang apartment. "Is Tanya home?" Pasimpleng tanong nito sa kanya Calista just nodded. "But I don't think it's the right time to talk to her" She suggested. "Don't worry ako na ang bahala. Thanks for the info though babawi na lang ako" Hirit ni Xavier sa kanya "Kuya! Kilala mo si Teacher Calista diba? She lives just across our house, be a gentleman and give her a ride" Utos ni Xavier sa kapatid bago umalis. Nagulat naman si Calista dahil pati ba naman address niya ay alam niya. Nagulat siya ng mahinang bumisina si Xayden. "Sige na po Sir, ok lang ako. Mauna na po kayo" Agad din naman niyang excuse sa sarili. "Are you sure? Mukhang madami yan bitbit mo." Pansin ni Xayden sa dalawan plastic bag na bitbit ni Calista sa magkabilang kamay "Hindi naman po, baka makaabala lang ako eh" Sagot naman ni Calista "What's your address?" Tanong ni Xayden sa kanya, she hesitated for a while if she would answer or not but in the end she still gave it. "I have no idea how Xavier you knew your address but he is right I live across your house. So hop in. Althea's already waiting for me." Seryosong sabi naman ni Xayden "You mean kayo ang bagong lipat?" Tanong ni Calista "We moved in last Saturday" Sagot ni Xayden "Ok lang po ba talaga?" She asked again "Hop-in" Simple niyang sagot at agad na naman siya sumunod. "Thanks for the ride po" Pormal na paalam naman ni Calista bago bumaba ng sasakyan "It's on the way anyway." He just simply answered and nodded as an acknowledgement. Sinundan lang ng tingin ni Calista ang mabilis na patakbo ni Xayden ng sasakyan at bumwelta paikot pabalik sa bahay naman nila. Di pa ito tuluyan nakapasok sa gate ay nakita niyang hinarang na siya ni Althea . Lumapit ito sa sasakyan at binuksan ang pinto. Nangiti naman si Calista ng mapansin na nagsasagutan ang magkapatid malamang ay pinagalitan na naman ito ng kuya pero maya't maya pa ay humalik na ang kapatid sa pisngi ng kuya, inabot ang isang plastic at isinakay sa loob ng sasakyan bago sila tuluyan pumasok sa bahay. "Well seems like the media has misjudged him. Mukhang he is better than how he is pictured in the tabloids." Isip isip ni Calista bago binuhat ang mga pinamili niya papasok sa apartment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD