NOKOL - Chapter 2

2343 Words
"Coffee? Or Juice?" Nilingon ni Calista ang nagsalita sa likod niya at agad niya nakita si Dean na nakangiti. "Juice nalang thanks" Abot ni Calista orange juice mula sa kanan kamay niya. Si Dean ay Elementary Math Teacher. "Kamusta ang PTA today Teacher Calista?" Biro ni Dean "Well as usual quite exhausting. May mga parents na mabilis lang kausap, may ilan na pinipilit ang gusto nila at may ilan na sadly walang pakialam sa anak nila" Explain ni Calista sa kanya while slowly recalling some significant encounters. "Its normal. Buti nga sayo preschool lang. It's really different on my department." Pakisimpatya ni Dean "I have something to ask your opinion with" Lingon nito sa kanya "Shoot" Agad niya naman sagot "Last week nagpahomework ako sa mga bata. Just for fun. "What is love?" Panimulang pagkwekwento ni Calista. Di pa man niya natatapos ang tanong ko ay tinawanan na siya agad ni Dean. "Seriously Calista? Kinder-1 ang tinuturuan mo hindi first year highschool" Tawa niya pa rin na sagot "I was just curious of what they would answer." Tuloy niya sa pagkwekwento. "And a certain kid answered that "LOVE is all pain no gain" Tingin mo tama ba na yun ang ituro sa bata yun?" Paghingi ni Calista ng opinion sa kanya "Well minsan totoo naman yun, depende sigurado sa sitwasyon. Pero we both know that life is not all gain naman talaga. BUT it shouldn't be generalized." Sagot ni Dean "You didn't answer my question so tingin mo ba tama yun ituro sa bata o hindi?" Paguulit na tanong ni Calista sa kanya "Sino ba ang parent na nag turo sa bata ng ganyan sagot?" Tanong niya naman pabalik "Well it's not a parent, kuya niya ata yun eh, si Mr. Alexander Alcantara, or most commonly known as "THE Engineer ALEX"" Sagot nito sa kanya. Bakas sa boses ang iritasyon Bigla naman tumawa si Dean pagkarinig ng pangalan na iyon. "May nakakatawa ba?" Tanong ni Calista "Wala naman. What can you expect from him? Parang di mo yun kilala. Di na ako nagulat nun sinabi mo na sa akin na siya ang nagsabi sa kapatid niya ng sagot na yun" Explain niya naman agad pagkatapos niya tumawa. "Di ko naman talaga siya kilala eh. But anyway wag na natin pagusapan yan. Ikaw kamusta naman ang PTA mo today?" Pagiba ni Calista sa usapan. "No significant encounters like you, just some parents nagging me to pass their daughters and son. Others even bribing me, but hey di ata nila ako kilala I don't play that game" Proud na sabi ni Dean sa sarili "Oo na ikaw na mayaman" Biro ni Calista sa kanya "It's not about the money it's about the principle" Paalala ni Dean sa kanya "Binibiro lang kita ikaw naman." Nakangiti pa rin na sagot ni Calista sa kanya "Anyway, may gagawin ka ba tonight? Want to hang out? Friday naman?" Yaya ni Dean "Hmmm marami pa ako kailangan gawin eh. Sorry ah next time nalang?" Alanganin sagot ni Calista "It's okay, nagbabakasakali lang" He answered "But please relax weekend naman don't work too much" Pahabol niya pa "Magleleave kasi ako next week so marami rami ako hahabulin. And yes like you said weekend na, so that means house chores" Sagot sa kanya ni Calista "Want some help?" Alok pa nito sa kanya "Nah, senyorito. Dadagdag ka lang sa g**o" Belat ni Calista sa kanya at napakamot lang sa batok si Dean Di naman si Calista manhid para di maramdaman ang mga paramdam ng binata sa kanya but it's really not on her priority right now. So as much as possible she always try to dodge his advancements. She doesn't want to lose a friend. Lagpas 5 pm na nun nagdecide si Calista na umuwi at medyo malas ata siya ng araw na yun dahil kung kailan siya hindi nagdala ng payong yun ang araw na nagdecide ang kalangitan para umulan. She doesn't want to walk in the rain so she hailed a taxi. She lives in an apartment few kilometers away from her teaching place. It was an average size apartment just enough for her since magisa lang naman siya sa Manila. Pagdating niya sa bahay ay ininit niya ang natirang ulam kaninang umaga at kumain. Pagkatapos ay tsaka niya lang tinawagan ang nanay niya sa Legazpi. "Nay, kamusta kayo ngayon dyan?" Pangangamusta nito "Eto ganun pa rin, medyo mahina ang benta ng sari-sari store" Rinig niya ang buntong hininga ng Nanay Rowena niya "Eh si tatay po?" Pahabol pa niyang tanong Narining niya ulit na bumuntong hininga ang ina. Dating minero ang tatay niya, but when she was 15 he met an accident and that caused paralysis of his body from waist to below. Eversince he was bedridden. "Edi ganun pa rin ano pa ba ang pwede magbago?" Sagot naman ng Nanay niya "Pwede ko ba siya makausap?" Tanong ulit ni Calista "Kanina pa natutulog" Sagot ni Nanay Rowena "Ay ganun ba? Sayang naman." Nalungkot naman si Calista. "Nay uuwi po ako dyan sa susunod na biyernes. Bale luluwas ako sa huwebes." Saglit na natahimik ang kabilang linya. "Sige anak, kailangan ka rin namen dito." Saglit pa siya nakipagkwentuhan sa nanay bago napagdesisyunan na ibaba ang tawag. Kinuha niya ang laptop sa bag at sinimulan ang paggawa sa lesson plan niya. Pero hindi siya makapagconcentrate sa ginagawa. Lagi nalang ganun, tuwing dumarating ang katapusan ng August ay ganun ang nararamdaman niya. If only she can turn back time. Weekend past by her in a blur. Naglaba, namalantsa, a quick grocery shopping and naglinis ng bahay. Before she knew it was Monday again. "Good Morning Calista!" Bati ng mga co-teachers niya pagpasok niya ng faculty. "Good Morning!" Nakangiti niya rin bati sa kanila "Good Morning Sis!" Bati naman ni Tanya sa kanya pagkaupo niya sa pwesto niya "Himala di ka ata late ngayon" Loko ni Calista "Bihira lang naman ako late." Katwiran ni Tanya tinignan lang siya ni Calista na para bang sinasabi are-you-serious "Oo na bihira lang ako di late." Tawa-tawa namaan na sabi ni Tanya "Nakaleave ako sa Friday ah then sa Thursday half day lang ako. Ikaw na bahala sa mga bata." Bilin ni Calista kay Tanya. Half day lang naman ang tinuturan nila ni Tanya pero dalawang session isang umaga at isang hapon kaya buong araw pa rin sila nasa school. "At bakit ka magleleave?" Tanya gave her a questioning look, tinuro niya lang ang petsa sa calendar na nasa gitna nila. "Oh sorry nawala sa isip ko." Napatakip si Tanya ng bibig Nangiti naman si Calista "It's okay, kahit ako di ko inexpect ang bilis lang talaga ng araw" "Are you ok?" Pag-aalala tanong ni Tanya sa kanya "Yeah I'm okay. I will be ok" Assure ni Calista "Kailan balik mo?" Tuloy na pagtatanong ng kaibigan "Sa Sunday siguro, or Monday na ng umaga derecho nalang ako dito. Bahala na di pa ako sigurado" Sagot ni Calista "Sige sis, ingat ah! At wag kakaAlcantarautan ang pasalubong!" Malaking ngiti na bilin ni Tanya "Ano? Bicol Express na naman? Kung makapagcrave ka dun parang di ka dun lumaki ah" Natatawang hirit ni Calista "Eh iba pa rin kasi talaga pag dun galing genuine! At matagal tagal na ako di nakakauwi dun noh!" Depensa ni Tanya at nagring ang bell "Oo na oo na! That's our cue. Let's go" Kuha ni Calista sa mga gamit at derecho sa classroom nila Thursday lunchtime ng naghahanda na si Calista para umalis ay nakatanggap siya ng emergency mula sa playground. May isa daw bata ang nahulog mula sa mga monkey bars at wala daw malay ngayon. Since she was the adviser of the class siya ang cinontact agad agad siya pumunta dun. "Teacher Calista! I didn't push Althea! We were just racing then she fell" Natatakot na sabi ng batang lalaki na kalaro ni Althea "It's okay Edward, where is Teacher Tanya??" Pilit na pagkakalma ni Calista sa sarili "I don't know eh." Takot pa rin na sagot ng bata Di naman nagtagal ay dumating na ang medics ng school at agad nila dinala si Althea sa ospital. Nakaupo lang sa labas ng emergency room si Calista ng lumabas ang doctor na umasikaso sa kanya. "Kayo po ba ang Teacher ng bata?" Tanong ng doctor and Calista just nodded "The kid is fine. There's a mild c***k on her arm so we have to put support. She may have to be in a cast in 4-6 weeks depends on how fast she will heal. We are lucky she didn't broke her arm so mas maikli ang panahon na she has to be in a cast. She bumped her head but I don't think it was not that bad pero pinaCT scan ko na rin sila and will wait for the results." Paliwanag ng doctor sa kanya "But she is unconscious" Paalala ni Calista sa doctor "She's a 5 year old kid, and the fall shocked her kaya nawalan siya ng malay. The pain she felt might also have shut her body off. It's a mild concussion, she used her hand to protect her head kaya braso niya ang napuruhan" Tuloy na explain ng doctor "Thank you po!" Parang natanggalan naman ng tinik sa dibbdib si Calista "But she needs to stay on the hospital kahit overnight lang, have you informed her parents or any relatives perhaps?" Tanong ng doctor. Kinuha naman ni Calista ang isang maliit na papel mula sa bulsa niya. Ibinigay ito kanina ng school nurse sa kanya para tawagan pero dahil sa taranta ay nakaAlcantarautan niya ito. Agad niya dinial ang number and after almost 10 rings tsaka lang ito sumagot. "Engineer Alexander Xayden speaking" Pormal na bati ng kabilang linya "Sir Xayden, this is Teacher Calista of Althea. It's about Althea....." Dahan dahan naman na paliwanag ni Calista sa kanya. "Give the phone to the doctor" Seryoso pa rin nitong sabi pagkatapos making sa paliwanag ni Calista. Inabot ni Calista ang cellphone niya at puro "Yes Sir, Don't worry, and Yes we will" lang ang narinig ni Calista sa kanya. Binalik ng doctor sa kanya ang telepono at sinagot niya ito "I told the doctor that I'll give you the authority to sign whatever paper they have for Althea's admission. I will inform Yaya Charie para mapuntahan niya kayo dyan. I'm in a meeting now and I'll try my best to be back later" Explain ni Xayden "Sige po." Tanging nasagot ni Calista at pagkababa ng telepono ay sumama na agad siya sa doctor. Pagkalipas ng halos dalawang oras ay dumating na ang Yaya Charie na sinasabi ni Xayden. Medyo may edad na ito at dala dala ang isang maliit na bag na malamang ay mga gamit ni Althea. "Magandang hapon po Teacher Ganda" Bati ni Yaya Charie sa kanya. Kilala niya ito dahil ito ang madalas na nagsusundo sa bata "Hello po! Pasensya na kayo di ko nabantayan si Althea .. "Paghingi ng paumanhin ni Calista "Naku teacher, di niyo naman kasalanan yun. May pagkanatural lang talaga na malikot si Althea. Nagmana sa dalawang kuya niya. Normal lang sa bata na masaktan di lang nga sana masyado malala" Una ay masiglang kwento ni Yaya Charie pero di alintana ang pagaalala. Pilit na pinapauwi na ni Yaya Charie si Calista pero pinili niya magstay muna para hintayin magising ang bata. Gusto niya rin personal na makausap ang Kuya ni Althea. Kahit na uwian na nila hangga't di pa nasusundo ang bata ay responsibilidad nila ang bata. Kay Yaya Charie niya rin nalaman na nasa Davao pala si Xayden at may isa pa palang kuya si Althea kaso lang nasa Canada pa pala ito at sa makalawa pa ang uwi. Nagising si Althea saglit pero baka dahil sa gamot ay nakatulog din ito. Di namalayan ni Calista na nakatulog na pala siya nagising siya ng marinig niya may nagbukas ng pinto. "Sir Xayden, andito na pala kayo" Tumayo naman si Calista mula sa pagkakaupo. He just nodded. "Nakausap ko na rin doctor niya kanina bago ako nakapasok. Lumabas na results ng CT-scan niya and everything was normal. So bukas if no other complications arises she can go home" "Oh good. Thank God" Calista was relieved "Bakit andito ka pa pala?" Takang tanong ni Xayden "I wanted to personally apologized for our negligence hopefully you wont make the school accountable for this accident" Hingi agad ni Calista ng tawad There was a small smile on his lips. "Like what you said its an accident. And Althea can really be naughty at times so I understand." He explained. "Thank you po." Napatingin si Calista sa relo niya at nagulat siya ng makating mag10 pm na pala. "Ang late na pala" "I wasn't able to catch a commercial flight so I had to rent a private plane." Explain naman ni Xayden na para bang wala lang sa kanya ang gumastos ng napakalaki para makauwi "Its for Althea anyway, sige po mauna na ako. Hinihintay na ako sa amin" Excuse ni Calista sa sarili. "Its late, do you need a ride?" Alok ni Xayden "Hindi na po, di ko na kayo istorbohin" Pagtanggi ni Calista "Are you sure?" Tanong ulit nito sa kanya Napadalawangisip si Calista. Mas mabilis siya makakarating kung magpapahatid siya. She usually doesn't want to owe anything to someone but this time lulunukin niya muna yun pride na yun. "Okay lang po ba?" She hesitantly asked He just nodded at naunang lumabas .Pagsakay ni Calista ay itinuro niya ang direksyon at agad din naman sila nakarating. "So you live in a bus station?" Tila nagtatakang tanong ni Xayden sa kanya Gusto matawa ni Calista pero she thinks its impolite to do that "Hindi po, uuwi ako sa amin." "You're from Legazpi? Diba may airplane naman papunta dun?" Tanong ni Xayden sa kanya habang tinitignan ang mga karatula ng bus "Medyo tight lang po budget." Nahihiyang sabi ni Calista "Anyway alis na po ako baka maiwan ako ng bus. Thank you sa paghatid at pasesnsya na sa aksidente ni Althea" Mabilis niyang paalam. He just nodded as acknoweledgement and drove off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD