CHAPTER 4

1213 Words
Lingid sa kanyang kaalaman ay pinagmamasdan siya ni Lester, ng makalayo na si Cindy ay saka na siya huminto sa pagtakbo, sinadya niya iyon upang magpasuyo sa kaibigan. Susubukin niya ito kung ano rin ang pakiramdam ni Cindy para sakanya, halata naman niyang malungkot ang kaibigan. Nung alam niyang nakalayo na si Cindy ay saka na ito nagbalak na umuwi. Napapadaan siya sa bilihan ng mga paborito niyang pagkain ngunit hindi na niya ito pinapansin. Makalipas ang ilang buwan ay pasukan na nila. Nagpaalam na din si Cindy kay Lester na hindi na sila magkakasama pang muli, malungkot man silang pareho ay wala na silang magawa kundi magpaalam na isat-isa. "Sa weekend magkikita pa naman tayo diba kaya wag ka ng malungkot", ang wika ni Lester. "Oo sige saka magkapitbahay naman tayo kapag namimis kita pwede kitang puntahan diba", ang wika naman ni Cindy. "Oo naman, walang magbabago ha mag-ingat ka palagi doon kung may problema ka sabihin mo agad sakin hah", ang malambing na tugon ni Lester. "Oo walang magbabago sanay ikaw din kung may problema ka sabihin mo din sakin lalo na baka awayin ka nila Bryan", ang tugon ni Cindy. Tumango si Lester at saka yinakap ang kaibigan bilang tugon sa sinabi nito. At ganun nga ang nangyari, nagkikita sila tuwing sabado at linggo at kapag gabi naman ay pumupunta si Lester kina Cindy kapag wala itong gagawin. Pinagpatuloy naman ni Lester ang planong pagpapapayat alam niyang magugustuhan iyon ni Cindy kapag nakikitang pumapayat ba siya. Ngunit isang araw ay nagbago ang lahat, hindi na nagpapakita si Cindy kay Lester. Hindi na sumisipot sa usapan ang kanyang kaibigan, maging sa kanilang pagpapasyal ay hindi na ito nakakapunta. Kapag dinadalaw naman niya ito sa kanilang bahay ay laging nasa kwarto at ayaw lumabas. Nagalala siya sa kabigan nung bakit ganun na lamang ang pakikitungo nito. Kung magtatanong naman siya aa mga magulang niya at sa driver nila ay lagi nilang sinasagot na hindi nila alam kung bakit ayaw ni Cindy ang magpakita sakanya. Lumipas ang mga araw at linggo hanggang sa umabot na ng isang buwan ay hindi parin nagpapakita si Cindy kay Lester. Nahihiya siya sa kanyang itsura, hindi niya akalaing sa pagpasok niya sa pribadong paaralan ay makakaranas siya ng pang-aapi mula sa mga kaklase niya. May mga sugat at pasa siya sa mukha dahil sa mga kaklase niyang nang api sa kanya. Hindi na niya kayang naipagtanggol ang sarili dahil madami sila. Sa unang pasok niya sa paaralang iyon ay maganda pa naman ang pakikitungo nila sa kanya. Hanggang sa sumunod na araw habang naglalakad siya papunta sa kanilang silid-aralan ay naisipan niyang pumunta sa likod nito upang pagmasdan ang mga tanim na puno. Matataas ang mga iyon malalago ang mga dahon at malamig sa lilim nito. Sumandal siya sa isang puno at saka pinikit ang kanyang mga mata upang damhin ang kapayapaang dulot ng lilim nito. Nagulat siya ng may marinig na mga ingay sa di kalayuan sa kinaroroonan niya. Dahan dahan siyang lumapit sa mga nag-iingay at nakita niya ang mga grupo ng kababaihan na tila may pinagkukumpulan. Nakita niya ang dalawang babaeng umiiyak at tila may iniaabot na pera sa isang babaeng umaastang lider ng mga kasama. Nagalit siya sa nakikita at lalong sumidhi ang kanyang galit ng makitang sinasampal sampal ang dalawang babae na walang kalaban laban. "Hoy tigilan mo nga yan", ang sigaw ni Cindy sa nagsampal sa dalawang babae. Hinarap siya nito at sumunod din ang mga kasama niya. "At sino ka para sitahin kami anak ka ba ng principal, bagong salta ka palang dito pero ang yabang mo na", ang galit na sabi ng babae. "Masama yang ginagawa mo nagkikikil ka sa kapawa mo estudyante at saka mo pa sinasaktan anong klaseng tao ka", ang wika ni Cindy at saka lumapit sa dalawang babaeng nagpupunas na ng luha sa kanilang mukha. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at saka iniabot sa kanila upang may magamit. Hindi niya namalayang lumapit ang babaeng kausap sa kanya at saka sinabunutan ang kanyang buhok. Napaangat ang ulo niya dahil sa sakit ng sabunot ng babae, kinuha niya ang kamay ng babae at saka pinilipit upang mabitawan ang kanyang buhok. Ng nabitawan ng babae ang kanyang buhok ay saka niya itinulak ito upang lumayo sa kanya. Tinalikuran na niya ito at pumuntang muli sa dalawang babae at sinabihang umalis na lamang silang tatlo upang makaiwas sa mga babaeng nang gugulo sa kanila. Akma ng aalis sila Cindy ng bigla silang harangin ng mga kasama ng babaeng nakaaway niya kung kaya hindi na sila makadaan. "Dahil pakialamera ka nababagay lang sayo na bigyan ng leksyon", ang sabi ng isang babaeng nasa gilid nila. Agad siyang sinunggaban ng babaeng nagsalita ngunit naiwasan niya ito, dahil sa mga turo ng kanyang mga magulang. "Ganyan ba ang tinuturo sa inyo ng mga magulang niyo ha, wala ba kayong mga baon? Hindi pa ba sapat ang binibigay sa inyo kaya ganyan ang ginagawa niyo sa mga kapwa niyo estudyante? “ ang galit na wika ni Cindy. " Aba talagang matapang ka ha", sagot ng lider ng mga babae sabay sampal kay Cindy Lumaban naman si Cindy dahil hindi na siya nakapagtimpi at kawawa ang babae sa sunod-sunod na sampal na ginawa niya. Ngunit ang hindi niya namalayan ay ang palo ng isa pang babae sa kanyang binti dahilan upang manghina siya. Saka siya pinagtutulung tulungang sinampal at tinadyakan. Napasigaw ang mga babaeng tinulungan niya at nagmamakaawang itigil nila ang kanilang ginagawa. Napa ungol si Cindy sa sakit ng nararamdaman niya at saka tinignan ang mga kasamang babae at sininyasang umalis na lamang sila para hindi idamay. Agad namang kumaripas ng takbo ang dalawa at iniwan si Cindy na halos nanghihina na sa sakit na nararamdaman. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay dumating ang mga guwardiya ng kanilang paaralan at inawat ang mga babae. Nagsi datingan na din ang mga ibang guro at nasaksihan ang hirap na dinanas ni Cindy. Agad nilang tinulungan si Cindy upang tumayo ngunit hindi na nito kaya. Sa pagtayo niyang muli ay nawalan na siya ng malay kung kaya nagpanic ang mga guro ng tumulong sa kanya. Agad siyang tinakbo sa ospital at agad namang pinatawag ang mga magulang ni Cindy. Na hindi alam ng mga nanakit kay Cindy na pulis ang mga magulang niya kung kaya laking pagsisisi ng mga ito dahil sa ginawa nila. Agad na pinatanggal ang mga ito sa kanilang paaralan, matagal na palang ginagawa nila iyon sa mga kapwa mag-aaral ngunit hindi nabibigyan ng pansin ng mga guro dahil wala manlang nagsusumbong. At isa pa ay malalakas ang mga pamilya nila sa paaralan, ngunit ngayon ay wala na silang magawa dahil sa matinding dinanas ni Cindy ay malaki na itong ebedensya. Pagkagising ni Cindy ay naalala niya si Lester, dati din niyang tinulungan sa mga nangungutya sa kanya ngunit hindi siya napano. Ngunit ngayon ay inulit niyang tumulong pero siya na ngayon ang nalagak sa ospital. Sinabihan niya ang mga magulang niya at ang kanilang driver na wag ng ipaalam kay Lester ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang magalala ang kaibigan at ayaw niyang kaawaan siya nito. Itinuring pa naman siyang superhero ng buhay ni Lester ngunit ano na lamang ang sasabihin niya kapag nakita nito na ganun ang kalagayan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD