Namimiss na ni Cindy ang kanyang kaibigan, ang kanilang tawanan, asaran, at ang pagpisil niya sa matambok na pisngi nito hanggang aa mamula .Yun ang pinakagusto niyang ginagawa sa kaibigan dahil nakakagigil ito. Napag-isipan na niyang lumipat ng paaralan at gusto niya sa pinapasukan ni Lester para lagi na ulit silang magkasama. Kaya naki-usap siya sakanyang mommy at daddy.
"Mommy please ilipat mo na ako sa school nila Lester", ang iyak na sabi ni Cindy. Masakit ang buong katawan niya dahil sa nangyari.
"Ok anak basta magpagaling kana ako na bahala sa pagtransfer mo", ang sabi ng kanyang ina at saka yinakap ito.
"Kailangan mo munang magpalakas at pagalingin ang mga sugat mo at pasa mo, kahit ilang buwan pa yan bago ka makapasok ang importante you look good again", ang bilin ng kanyang ama. Tumango si Cindy bilang sagot sa sinabi ng ama at saka ngumiti ito.
Nakiusap siya sa mga magulang at maging sa kanilang driver na huwag na munang sasabihin kay Lester ang nangyari dahil ayaw niyang mag-alala ang kaibigan at baka hindi ito maka fucos sa pag-aaral. Sumang ayon naman sila kung kaya noong inuwi nila si Cindy sa kanilang bahay ay sinadya nilang tulog na ang lahat.
Napanghinaan na ng loob si Lester sa araw-araw na paghihintay niya kay Cindy, masakit sa kanya na iniiwasan na siya ng kanyang kaibigan. Kung kaya itinuon na lamang niya ang atensyon sa pagaaral, kapag wala na itong importanteng gagawin ay pumupunta siya sa gym upang mag ehersesyo. Nagbibinata na siya kung kaya kailangan din niyang alagaan ang hubog ng kanyang katawan.
Lagi siyang dumudungaw sa bintana nagbabakasakaling makita niya si Cindy, nakabukas ang kurtina ngunit wala naman siyang makita, minsan nakasarado din ito kahit mataas na ang sikat ng araw. Iniisip nalang niya na kinalimutan na siya ng kaibigan at hindi nito tinupad ang pangako nila sa isat-isa. Masama ang loob niya dahil wala manlang paliwanag kung bakit ganito ang nangyayari sa kanilang dalawa.
Sa nakalipas na ilang buwan ay nasanay na din si Lester na hindi nakikita si Cindy. Kapag naalala niya ito ay agad niyang iwinawaglit sa isip niya at nag-iisip nalang ng ibang bagay. Ganun din ang kanyang pagmamahal kay Cindy, isinantabi na niya iyon at mas binigyan ng oras ang sarili. Itinatak nalang niya sa isip niya na ganun talaga siguro madali lang magbago ang isang tao. Sa paghihirap at pagtitiyaga niyang magpapayat ay nakamtan na ni Lester ang magandang pangangatawan. Nawala na ang malaki niyang tiyan at napalitan iyon ng mga abs. Lumabas ang gwapo nitong mukha na, lahat ay nabigla sa anyo niya dahil marunong na rin itong mag ayos sa sarili.
Naglalagay ng gel sa buhok at nag susuot ng hapit na damit kung kaya bumabakat ang kanyang muscle na siyang hinahangaan ng mga ibang kababaihan sa kanilang paaralan. May nagpapa cute na sakanya at may mga nagtitilian kapag dumadaan siya. Madami na din siyang naging kaibigan at naging parte siya ng grupo ng mga gwapo sa kanilang campus. Isinali na din siya sa Search of Mr. Campus at nagwagi naman siya dahil bukod sa gwapo ito ay matalino din. Maging ang mga pamilya niya ay hangang-hanga sa nakikita niyang anyo ngayon ni Lester.
"May inspiration ka ata eh Lester kung kaya ganyan na ang itsura mo ngayon", ang sabi minsan ng kanyang kuya .
"Syempre kuya meron ako pa", ang sagot naman ni Lester at saka ngumisi ngisi ito.
"Naku kaya naman pala pero atupagin mo muna ang pag-aaral mo bago ang babae kung hindi isusumbong kita kay mommy at daddy", ang banta ni Jim sa kapatid. Tumawa lang si Lester sa sinabi ng kanyang kuya. Ng umalis na ang kanyang kuya ay natahimik si Lester at iniisip si Cindy.
"Kumusta na kaya siya?", ang tanong niya sa sarili.
Ang babaeng dahilan ng pagbabago ng kanyang katawan ay gusto na niyang makita, gusto na niyang makasama ito. Kahit anong gawin niyang paglimot sa babaeng ito ay siya parin ang laman ng isip at puso niya. Kahit madami ang magagandang babae sa campus nila ay hindi niya iyon pinapansin dahil si Cindy na ang gusto niya. Gusto na niyang sabihing mahal na niya ang kaibigan, na mahal na niya higit sa kaibigan si Cindy. Napayuko na lamang siya dahil sa naisip, hanggang kailan balak ni Cindy ang hindi magpakita sakanya. Kahit sana anino nito ay wala siyang makita, nahihiya na siyang laging nagtatanong sa mga magulang nito at sa driver nila.
Lunes noon abala ang mga kaklase ni Lester na nagkwekwentuhan tungkol sa kanilang ginawa sa nakalipas na sabado at linggo. Ang mga kaibigan niya ay nagaasaran at nagkakatuwaan. Samantalang siya ay nakatanaw lang sa bintana at pinagmamasdan ang mga kapwa niya mag-aaral na naglalakad sa bakuran ng kanilang paaralan. Wala siyang ganang makipag-usap kahit kanino at mas nanaisin nalamang niyang manahimik sa araw na iyon. Paano kasi ay bigo na naman siyang makita ito.
Dali daling nagsi-upo ang kaniyang mga kaklase at nagsitahimik ang lahat hudyat na papasok na ang kanilang guro. Hindi na niya ito pinansin dahil kung kaya hindi na niya liningon ang gurong pumasok.
"Ang ganda niya pare", ang bulong ng mga kaibigan niyang nasa likuran niya. Binalewala niya iyon at patuloy lang sa ginagawa.
"May bagong transfer tayo mula sa private school, maging mabait kayo sa kanya at kaibiganin okay", ang sabi ng kanilang guro.
Narinig iyon ni Lester at hindi maiwasang maalala si Cindy, ganun din kasing tagpo ang nagyari noong nasa elementarya palang sila. Ngunit hindi parin siya lumilingon sa harap at wala na siyang ganang mag-aral sa araw na iyon. Gusto na niyang magdahilan para makauwi at saka pupunta sa gym.
"Okay iha mag pakilala kana", ang sabi ng kanilang guro.
Umiling ang babae at saka sinabi sa guro na nahihiya siya. Ngunit ang katotohan ay ayaw na niyang magpakilala pa sa mga kamag-aral niya.
Itinuro nalang ng guro na umupo ito sa bakanteng upuan na kaharap ni Lester. Ng umupo na ang babae ay saka lamang iyon napansin ni Lester, parang pamilyar ang pabango na naaamoy niya. Tinitigan niya ang likuran ng babaeng nasa harap niya Ganun din ang buhok nito ay pamilyar sa kanya, hindi siya pwedeng magkamali, kilala niya ang kaibigan niya kaya kilala niya din kung sino ang babaeng nakaupo sa harapan niya.
"Cindy?", ang bulong ni Lester sa babae sabay kalabit sa balikat nito.
Unti-unting lumingon ang babae at noon ay nakaramdam siya ng tuwa ng masilayan ang magandang mukha na kaibigan. Ngumiti si Cindy kay Lester, dahilan upang lumapad ang ngiti ng lalaki.
"Best, ikaw nga!", ang bulong ni Lester kay Cindy dahil ayaw niyang marinig iyon ng kanilang guro. Nakita niyang nagsulat si Cindy sa isang papel at iniabot niya ito kay Lester.
"Huwag ka ng maingay mamaya na tayo magkwentuhan", ang sabi ng sulat mula kay Cindy.
Nanahimik na lamang si Lester ngunit hindi niya maitago sa kanyang mukha ang tuwang nararamdaman niya. Hindi niya akalaing bigla nalang lilitaw ang kaibigan niya. Ng matapos ang kanilang klase ay agad na linapitan ni Lester si Cindy na noon ay nag-aayos ng kaniyang gamit. Kinuha iyon ni Lester at siya na ang naglagay sa loob ng bag ng kaibigan at dinala iyon.
"Akin na yang bag ko", ang sabi ni Lester.
"Mula ngayon ako na ang magdadala, halika na kain tayo sa canteen, doon na tayo mag kwentuhan habang kumakain", ang sabi ni Lester at saka nauna ng lumabas dala-dala ang mga gamit nila.