Natigilan si Cindy at pinagmamasdan niya si Lester na naglalakad halos hindi niya ito makilala kanina, kung hindi pa siya kinalabit at nagsalita mula sa likuran niya ay hindi niya alam na si Lester iyon.
"Nagiba na ang kanyang itsura wala na ang kanyang matabang katawan, naging makisig na ito at lumitaw ang kanyang kagwapuhan",ang bulong ni Cindy sa sarili. Ngunit bakit ganun ang pakiramdam niya,bumibilis ang t***k ng puso niya habang pinagmamasdan ang kaibigan.
"Cindy ano ka ba hindi ka ba aalis jan sa kinatatayuan mo, gusto mo buhatin pa kita? ", ang naiinis ng sabi ni Lester.
Nasa labas na siya ng kanilang classroom at bumalik ito dahil napansing hindi sumunod ang kanyang kaibigan, nag alala ito dahil hindi pa alam ni Cindy ang pasikot-sikot sa kanilang paaralan.
"Oo na pupunta na baka mamaya ibagsak mo pa ako kapag binuhat mo ako", ang wika ni Cindy at saka lumapit na kay Lester.
"Ayan maglalakad ka din naman pala, tara na maglunch na tayo libre ko", ang nakangiting sabi ni Lester at saka hinawakan ang kamay ni Cindy at inayang maglakad.
Lalong bumilis ang pintig ng puso ni Cindy dahil sa ngiti ni Lester at paghawak nito sa kanyang kamay, ramdam niya ang init ng palad nito samantalang nanlalamig ang palad niya dahil sa bilis ng t***k ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya, sa tagal ng kanilang pagsasama noon ay ngayon lamang niya iyon naramdaman.
Pagkarating nila sa canteen ay nag oorder na si Lester ng kanilang pagkain habang si Cindy ay nakaupo na sa mesa na nasa gilid. Nakamasid lamang ito sa paligid at minamasdan ang mga kapwa niya estudyante na nasa loob. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari sa kanya sa dati niyang pinasukan, pinagtitinginan siya ng ilang mga estudyante dahil unang kita palang nila sakanya yumuko nalang siya at hindi nalang ito pinapansin at nagkukunwari na nahihiya.
Hanggang sa may lumapit sa kanyang lalaki, liningon niya iyon at nakitang si Bryan nakangiti ito sakanya. Napaatras siya dahil baka kung ano ang gawin nito dahil baka maghiganti ito sa kanya dahil sa ginawa niya noong nasa elementarya palang sila.
"Hey Cindy sa wakas lumipat kana dito mas madali lang kitang makita", ang sabi ni Bryan na nakangiti at naupo sa tabi niya.
"Bakit ka nga pala lumipat dito eih maganda na sa pinapasukan mo, may aircon maganda ang silid, kumpleto sa gamit at magaganda pa ang mga babae doon, at isa pa matatapang sila", ang muling wika ni Bryan.
Dahil sa narinig na salitang matatapang ang mga babaeng nasa pinasukan niya ay nandilim ang paningin ni Cindy. Naalala niya ang ginawa ng mga babaeng nakabangga niya dahil sa pagligtas sa dalawang babaeng inaapi.
Ang dating pinasukan niya kasi ay pribadong paaralan ng mga kababaihan kung saan ay tinuturuan sila kung paano maging malakas at kung paano protektahan ang sarili kung kaya ganun na lamang kalakas ang mga babaeng nanakit sa kanya. Kahit tinuruan siya ng kanyang magulang kung paano makipaglaban ay hindi niya nakaya ang mga babae dahil sa dami nila at mag-isa lang siya.
Tumayo siya at tumakbo palabas ng canteen. Nagtaka si Bryan at mga kaibigan niya dahil wala namang silang ginawang masama. Maayos naman ang pakikipag-usap nila kaya hindi nila akalaing ganun ang reaksyon ni Cindy. Tumayo si Bryan at saka sinundan si Cindy, nag-alala ang binata na baka mawala siya dahil sa bago palang ang dalaga sa paaralan at baka kung mapano ito. Nang makalabas siya ay nakita niyang naglalakad nalang si Cindy a papunta sa kabilang building kaya sinundan nalang niya.
Ng matapos ng naka order si Lester ay tumungo na siya sa mesang pinang-iwanan niya kay Cindy. Ngunit wala doon ang kaibigan kung kaya nagpalingalinga siya, ngunit wala talaga siya, lumapit siya sa mesa at linapag ang dalang pagkain. Napansin niyang naroon ang mga gamit ng kaibigan kung kaya kampante siyang baka nasa cr lang. Naupo na siya at hihintayin na lamang si Cindy upang sabay nalang silang kumaen.
Samantala hindi na alam ni Cindy kung saan siya patungo kaya dahan-dahan nalang siya sa paglalakad at nagmamasid sa paligid baka mawala siya. Narinig niyang may tumawag sa pangalan niya kaya napahinto siya.
"Cindy saan ka ba pupunta?", ang wika ni Bryan.
Lumingon siya at nakitang patungo si Bryan sakanya, nanghihingal ito dahil sa pagod sa pagtakbo. Hinintay nalang niyang makalapit ito sa kanya, pinagmamasdan niya ito at hindi mapigilang ngumiti.
"Bumalik na tayo sa canteen baka hinahanap kana ni Lester, anong oras na din oh kailangan na nating kumaen", ang sabi ni Bryan.
Hindi umimik si Cindy at patuloy siya sa pagmamasid sa binata, ngayon lang kasi niya napansin ang angking kagwapuhan ni Bryan mas lamang ito kesa kay Lester dahil maputi at talagang halatang galing sa mayamang angkan. Dati hindi niya ito napapansin dahil kay Lester nakatuon ang atensyon niya pero itong pagkakataong ito ay nagkaroon siya ng oras upang pagmasdan ang binata.
"Hoy Cindy naririnig mo ba ako bakit nakatingin ka nalang sakin?", nagtatakang tanong ni Bryan.
"Pasensya kana may iniisip lang", tugon ni Cindy.
"May nasabi ba akong mali kanina bakit ka biglang umalis?", tanong muli ni Bryan.
"Ah wala naman pasensya kana nabigla lang ako sayo akala ko kasi kung ano na ang gagawin mo sakin", ang nahihiyang sabi ni Cindy.
"Sus kung anu-ano ang iniisip mo halika na nga", wika ni Bryan sabay hila sa kamay ni Cindy.
Wala ng nagawa si Cindy kundi sumunod nalang kay Bryan pabalik sa canteen, nararamdaman na din niya ang gutom niya at naisip si Lester na baka hinahanap na siya.
Lumipas ang ilang minuto ay nag-aalala na si Lester dahil hindi pa bumabalik si Cindy. Tumayo na siya at akmang lalabas na ay nakita si Bryan na hawak ang kamay ni Cindy papasok sa kantina. Biglang nakaramdam si Lester ng galit dahil sa nakita, agad niyang sinalubong ang dalawa at hinila si Cindy papunta sa kanya.
"Bakit mo siya kasama?", ang tanong ni Lester kay Bryan.
"Sinundan ko lumabas kasi eih baka
mapano siya", ang sagot naman ni Bryan.
"Pwede ba wag kang lumapit kay Cindy", ang galit na sabi ni Lester.
"Bakit bawal ba huh?", ang wika ni Bryan at saka ito lumapit kay Lester. Magkalapit na ang kanilang mukha at nagtitinginan ng masama.
"Tama na nga yan", ang wika ni Cindy at saka hinila si Lester upang makalayo kay Bryan. Masama parin ang tingin ni Lester kay Bryan kung kaya hinawakan na ni Cindy ang mukha nito.
"Best tama na", ang wika ni Cindy at saka tinitigan siya sa mata.
Sa pag tama ng kanilang paningin ay tila nanlambot si Lester, biglang nawala ang kanyang galit at napalitan iyon ng biglang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Heto siya at tinititigan ang nangungusap na mata ng kanyang kaibigan, heto siya at nararamdaman niya ang palad ng kanyang kaibigan sa kanyang pisngi. Malambot iyon at tila nagbibigay sakanya ng kakaibang saya. Naramdaman niyang nag-iinit ang kanyang pisngi, namumula ito dahil sa ginawa ni Cindy at agad na ilinayo ang mukha niya sa kaibigan upang hindi mapansin ang pamumula niya, muling tinignan si Bryan saka hinila ang kamay ni Cindy upang bumalik na sa kanilang mesa.
"Dalhin mo na yang gamit mo ako na magdadala sa pagkain", ang wika ni Lester na hindi makatingin sa kaibigan.
"Bakit saan tayo kakain", ang takang tanong ni Cindy.
"Basta ako na bahala sumunod ka nalang", ang wika ni Lester.
Wala ng magawa si Cindy kung kaya sumunod na lamang ito.