CHAPTER 7

1222 Words
Sa rooftop ng kanilang paaralan sila nagtungo, maganda doon dahil tanaw ang iba pang gusali ng paaralan.Matatanaw ang mga estudyante at guro na naglalakad.Ang garden, playground, basketball court, at ang malawak nitong bakuran na pinag sasanayan ng ibat ibang laro. Nakaramdam si Cindy ng kunting kapayapaan dahil sa malamig na haplos ng hangin sa kanyang katawan. Pinikit niya ang kanyang mata at saka bumuntong hininga. "Maganda ba?", ang tanong ni Lester. Nagulat si Cindy dahil hindi nito namalayan ang paglapit ni Lester. Inabot ni Lester ang pagkain kay Cindy at saka umupo sa gilid, sumunod naman si Cindy at naupo sa tabi ng kaibigan, habang kumakaen sila ay walang imikan at walang nagkikibuan, patuloy lang sila sa pagkain. Ng matapos na sila ay nagkwento si Lester, dati na siyang pumupunta sa rooftop mula nung bata pa siya.Kung dinadala siya ng kanyang mommy sa paaralan ay lagi niyang pinuntahan ang rooftop dahil maganda doon. Dito na rin siya minsan gumagawa ng takdang aralin at nagpapahinga. "May mga kaibigan kana din ba dito?", ang tanong ni Cindy. "Oo meron na madami, ipapakilala kita sa kanila sa susunod, si Bryan iwasan mo yun hindi siya mabuting kaibigan", ang sabi ni Lester. "Eh kaibigang babae?", ang tanong muli ni Cindy upang iwasan ang huling sinabi ng kaibigan. "Meron na din, may umamin na ngang crush ako eih", ang nakangiting sabi ni Lester. Napasimangot si Cindy sa sinabi ng kaibigan niya, dahil dun ay tumayo na siya at saka na bumaba. Nagtaka naman si Lester kaya sinundan ang kaibiga, hindi na ito umimik at natatawa sa itsura ni Cindy ng sabihing may nagkaka crush na sa kanya. Sinadya niyang sabihin iyon upang malaman ang reaksyon ng kaibigan.At ngayon ay napapansin niyang naiinis ito, may nabuo sa isip niyang baka gusto din siya ng kaibigan. Kung kaya lalo pa niyang aasarin ito hanggang lumabas ang tinatago ng kaibigan na may nararamdaman din ito para sa kanya. Ngayong andito nakasama na niya si Cindy ay ipapakita na niya na nagugustuhan na niya ito at kahit sa murang edad ay mamahalin niya ito. Alam niyang hindi pa tamang panahon ngunit susundin niya ang tinitibok ng kanyang puso. Gagawin niyang inspirasyon si Cindy upang mapagbuti ang kanyang pag aaral. Hindi niya hahayaang mawala pa sakanya ang babaeng mahal niya, kahit sino pa humadlang ay haharapin niya. Si Cindy ang gagawin niyang rason sa lahat ng pangarap niya sa buhay. Sinundan niya agad si Cindy at naabutan niya ito, hinila niya ang kamay nito at pinahinto. "Ayusin mo nga yang mukha mo nakakunot yang noo mo humahaba na din yang nguso mo ohhh", ang natatawang sabi ni Lester habang hawak hawak ang mukha ng kaibigan. "Tumigil ka nga!" ang naiinis na saad ni Cindy sabay tanggal sa kamay ni Lester. "Galit ka ba dahil sa sinabi ko?" seryusong tanong ni Lester. "Ano naman kung....", naudlot ang isasagot sana ni Cindy ng biglang may mga lumapit na lalaki sa kanila at tinawag si Lester. "Uyy pre ipakilala mo naman kami sa kasama mo", wika ng isang lalaki. "Mga pre siya si Cindy, best friend ko, bago nating classmate, Cindy mga kaibihan ko sina Kevin, Jules, Carl, Nelson at Ryan", ang wika ni Lester sabay turo sa bawat isa. Ngumiti sila kay Cindy at nakipag kamayan, ganun din ang ginawa ng dalaga at napalitan ng ngiti ang makasimangot niyang mukha. Sabay-sabay na silang pumasok sa kanilang classroom dahil oras na ng kanilang klase Lumipas ang araw, buwan at taon nasa ikatlong taon na sila Cindy at Lester, sa paglipas ng taon ay sila parin ang magkasama sa kanilang pag-aaral. Ngunit hindi parin maintindihan ni Lester kung bakit minsan ay mas gugustuhin ni Cindy ang mapag isa. Naging tahimik na ito at ayaw ng makisalamuha sa iba kundi siya lang ang gusto niyang kasama. Kung liliban si Lester ay liliban din si Cindy, mananatili nalang ito sa bahay nila o di kaya ay sa bahay nila Lester. Kung may importanteng ipapagawa ang kanilang guro ay hindi na pumapasok si Cindy sa kanilang klase at doon namamalagi sa rooftop ng kanilang paaralan, kung hahanapin siya ni Lester ay doon niya ito makikita. Isang araw habang nasa rooftop sila ay hindi na mapigilan ni Lester na usisahin ang kaniyang kaibigan. Habang nagmemeryenda ay nagtanong si Lester. "Best nagbago kana, madami na akong napapansin sayo na kakaiba may problema ka ba?", ang tanong ni Lester. Umiling lamang si Cindy at saka uminom ng tubig, inakbayan ni Lester si Cindy upang kumbinsihin na magsabi ng totoo ngunit nasagi niya ang kamay ni Cindy na may hawak na tubig. Natapon iyon at bumuhos sa palda ng dalaga kung kayat nagmamadali niya itong pinunasan. Kinuha niya ang kanyang panyo upang punasan ang paa ng kaibigan habang pinapagpag ni Cindy ang tinanggal niyang basang palda. Mabuti na lang at nakashort ang dalaga, nagulat si Lester sa nakita sa may likod na binti ni Cindy. Natigilan ito dahil malaki ang piglat na dulot ng isang malaking sugat. "Anong nangyari diyan Cindy?", ang takang tanong ni Lester. Agad na hinarap ni Cindy ang kaibigan upang itago ang kanyang binti ngunit huli na ang lahat at nakita na iyon ni Lester. Dahil sa pagkabigla ay nawala sa isip niya na makikita ito ng kaibigan kapag tinaggal niya ang palda niya. "Pakiusap sabihin mo ang nangyari", ang wika muli ni Lester. Umupo si Cindy hindi na niya mapigilan ang umiyak dahil naalala niya ang sinapit niya sa dati niyang pinasukan,lahat ay sinabi na ni Cindy at humingi na din siya ng patawad dahil sa pag iwas niya sakanya noon. Awang-awa naman si Lester sa kaibigan kung kaya yinakap niya ito at isinandal sa kanyang dibdib, hinaplos niya ang buhok ng kaibigan ng tila ba sinusuyo ito. Habang si Cindy ay patuloy sa pagiyak at dinadama ang bawat haplos ng kanyang kaibigan. "Hindi mo dapat itinago sa akin yan, best friend mo ako kaya sana kung anong nangyari sayo kailangan ko din malaman", nagtatampong wika ni Lester. "Im sorry, ayuko kasi na mag-alala ka at baka maapektuhan ang pag-aaral mo", ang sagot ni Cindy. "Okay lang, sana sa susunod huwag ka ng maglihim sakin", ang wika ni Lester. Naramdaman ni Cindy ang bilis ng t***k ng puso ni Lester, pakiramdam niya ay ganun din siya. Kaya tumayo na ito at sinabing bumaba nalang sila at sa silid aralan na lamang sila maghintay ng oras. Sumang ayon naman si Lester ngunit hindi naman siya sumunod agad dahil sa awang naramdaman niya ay halos maiyak na din ito. Inilabas niya ang sakit na nararamdaman niya sa nangyari sa kanyang kaibigan, iniisip niya kung paano nito nakaya, kung anong sakit ang naramdaman nito. Napasuntok siya sa pader kung kaya nasugat ang kanyang kamay. Naupo siya na nanghihina at umaagos ang luha sa kanyang pisngi, kahit matapang ang kaibigan niya ay hindi nito makakaya kapag pinagtulungan na siya. Pinangako niya sa kanyang sarili na mula sa araw na iyon ay siya na ang magproprotekta sa pinakamamahal niyang kaibigan. Bumaba na siya at habang naglalakad sa hallway patungo sa kanilang silid ay sinalubong siya ni Trisha Rocaforte, bagong lipat din ito maganda at pareho sila ni Cindy na galing Manila. Napapansin na niya ito nung mga nakaraang araw at napapahanga siya sa taglay nitong ganda. Ngunit nakikita niyang tahimik ito at laging mag-isa kaya nagtataka siya dahil bigla itong lumapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD