“Pen, kuha ka ng baon mo sa bag ko ha? Huwag kang papa gutom sa school.” sambit ni Verena habang nag lalakad papunta sa cr para maligo na.
“Opo ate, pasok na po ako sa school.” sambit ni Penelope at dumiretso sa kwarto ni Verena at kumuha ng baon.
“Mag jeep ha, huwag mag papagod.” paalala ni Verena.
“Opo ate, iwasan po ang pakikipag basag ulo.” huling sambit ni Penelope bago naglakad palayo.
Natatawa namang tinuloy ni Verena ang pag ligo at doon na rin sa cr nag bihis. Simpleng t shirt at isang itim na maliit na short.
Pagka labas ni Verena ng cr, sakto namang may kumakatok kaya binuksan niya ang pintuan, bumungad sakanya ang dalawa niyang kaibigan.
“Aga, anong sadya mga ropa?” tanong ni Verena at pinapasok sa loob ang dalawang bagong dating.
“May dala kaming almusal, pumasok na si Pen?” tanong ni Lucky, tinignan naman siya ng masama ni Verena.
“Ikaw, nakaka halata na ako sa'yo ha. Tigilan mo kapatid ko, sinasabi ko sa'yo Lucky, babaligtad yang pangalan mo pag nagkataon.” sambit ni Verena at sinuklayan na ang buhok niyang halos matuyo na.
“Ikaw naman Ver, concern lang ako.” umiiling na sambit ni Lucky, natatawa namang umupo sa sala si Nat.
“Ah basta” sambit ni Verena at pumasok sa kwarto niya.
“Tirintas ko buhok mo, Ver.” sambit ni Lucky.
“Sige, tara rito.” sambit ni Verena, pero hindi gumagalaw sa kinatatayuan ni Lucky.
“Dito nalang tayo Ver, sa sala niyo.” kabadong sambit ni Lucky. Dumungaw ang ulo ni Verena sa pintuan.
“Bakit? Hindi marumi kwarto ko.” sambit ni Verena at bumalik sa ginagawa.
“Eh kasi” sambit ni Lucky, kumunot ang noo ni Verena at muling tinignan ang kaibigan.
“Kaibigan, huwag kang mailang. Alam kong may respeto ka sa'kin, tara na.” sambit ni Verena at pumasok na ulit sa kwarto niya at nag hanap ng pwedeng panali sa buhok niya, dahan dahan namang naglakad si Lucky papasok sa kwarto ni Verena.
ito ang unang beses na papasok sa isang kwarto ng babae si Lucky, kaya medyo naiilang siya pumasok lalo na silang dalawa lang sa kwarto.
“May pang ipit ka ba tropa?” tanong ni Lucky ng sa wakas ay maka pasok na ito sa kwarto ni Verena.
“Oo pards, ito” sambit ni Verena at pinakita ang maliliit na gomang nakita niya sa bag niya, siguradong iniwan ito ni Penelope sa bag niya para may pang ipit siya.
“Gan’to na talaga buhok mo noon pa, Ver?” tanong ni Lucky nang mahawakan ang buhok ni Verena.
“What do you mean?” tanong ni Verena sa kaibigan habang kinakalkal ang drawer niya.
“I mean, pink ba talaga kulay ng buhok mo?” tanong ni Lucky at sinimulang suklayin ang buhok ni Verena.
“No, blonde ako pagka panganak pa lang, pero gustong mag practice ni Penelope mag kulay ng buhok kaya ko pinakulayan buhok ko, hindi ba bagay?” tanong ni Verena at tinignan ang sarili sa kupas kupas nilang salamin.
“Bagay, mas lalong tumingkad ang balat mo, na dedefine rin ng kulay ng buhok mo ang mga mata mo, branding mo ang buhok mo.” sambit ni Lucky at sinimulang hatiin ang buhok ni Verena sa dalawang parte.
“Huh? Anong branding sinasabi mo r’yan ropa.” naiiling na sambit ni Verena.
“Lagi kong naririnig pangalan mo sa labas, o di kaya ay ang kulay ng buhok mo.” naiiling na sambit ni Lucky.
“Loko kayo, pinag ttripan niyo naman ata buhok ko.” sambit ni Verena.
“No ah, maganda nga ang kulit ni tropa.” sambit ni Lucky. Natawa naman si Verena at tinignan ang pag tirintas ni Lucky sa buhok niya.
“Pwede kang mag tayo rito ng braiding hair station, may skills ka.” sambit ni Verena.
“Baliw ka” sambit ni Lucky at sinimulang itirintas din ang kabilang parte ng buhok ni Verena.
“Haba na ng buhok mo, ayaw mo pa putulan?” tanong ni Lucky.
“Ayaw ni Pen, lagi niyang sinusuklay ang buhok ko, kaya hindi ko magawang paputulan.” sagot ni Verena, tumango si Lucky.
“Makapal din, kikita ka rito pero ayaw nga ni Pen, huwag na.” sambit ni Lucky.
Nang matapos si Lucky sa pag tirintas sa buhok ni Verena, sinuklay nito ang side bangs na iniwan para hindi plain tignan ang ayos ni Verena.
“Uy maganda” sambit ni Nat nang pumasok ito sa kwarto ni Verena.
“Binobola mo ako Nat, ha.” sambit ni Verena at tumayo na.
“Salamat tropa" sambit ni Verena. Ngumiti si Lucky at nauna nang lumabas.
“Para hindi laging buhaghag buhok mo, para kang tambay lang sa kanto.” sambit ni Lucky, natawa naman si Nat sa sinabi ng kaibigan.
“Loko ka ah” sambit ni Verena at akma pang susuntukin si Lucky nang tumakbo na ito papuntang kusina.
“Tara na, lalamig ang pandesal.” sambit ni Lucky at umupo na sa lamesa.
Nag upuan silang tatlo, may palaman ng corn beef ang mga pandesal, nilagyan ni Lucky ng mainit na tubig ang tasa nilang tatlo.
“Saang panaderya mo binili pandesal, Lucky?” tanong ni Verena sa kaibigan pagkatapos kumagat sa pandesal na hawak niya.
“Hindi ako bumili niyan tropa, si Nat. Ako lang nag bigay ng pambili, bakit?” tanong ni Lucky at kumagat din sa pandesal.
“Hindi kay mang mando ang pandesal.” sambit ni Verena at Lucky na magka sabay.
“Wait mga par okay? Wala nang pandesal kina mang mando, maintindihan mo sana okay?” paliwanag ni Nat, tumango si Verena sa sinabi ni Nat at humigop ng kape.
Habang tahimik silang hinihintay matapos si Lucky sa pag huhugas ng plato, biglang may kumalampag sa pintuan.
“Asar! Kapag nasira pinto namin, ikaw gagawin kong pinto, pidoy! Ano ba yan?! Pwede namang kumatok nalang.” reklamo ni Verena pagka bukas niya ng pintuan.
“Ate Ver, eh kasi nagkaka gulo sa bungad, nahihirapan sila Kap.” sambit ni Pidoy, tarantang taranta ito kaya mabilis na kumilos si Verena.
“Nat, kunin mo batuta ko, Lucky kumuha ka ng mga bote, ilagay mo sa isang lalagyan, stand by ka sa gilid. Hindi hihingi si Kap ng tulong kung kaya pa niya. Reresbak tayo.” sambit ni Verena, tumango si Nat at inabot kay Verena ang batuta nito.
“Sunod ako Ver, kunin ko lang sa likod mga bote.” sambit ni Lucky.
“Sige, bilisan mo.” sambit ni Verena at tumakbo na papuntang bungad, nadaanan niya mga sk kagawad niya.
“Ver” sumaludo sila sa dalaga, tumango si Verena at tumigil sa pag takbo.
“Anong nangyayari?” tanong ni Verena kay Pj.
“Bumalik mga binugbog mo Ver, may kasamang ibang tao. Mga may dalang dos por dos.” sagot ni Pj.
“Nag hahanap talaga ng sakit sa katawan, tawagin mo ang mga bata Pj, Fixie ilayo mo sila kap, huwag mo silang hahayaan madamay, paalisin mo rin ang mga tao sa lugar.” utos ni Verena sa mga kagawad niya.
Nakita niya si Lucky malapit sakanila, tinanguan niya ito.
“Kap” bati ni Verena sa kapitan.
“Pasensya na Verena, gulo talaga hanap eh, ikaw lang maaasahan ko rito.” sambit ng kapitan, ngumiti si Verena.
“Huwag kang mag alala kap, ilalagay namin sila sa dapat nilang kalagyan.” sambit ni Verena, tumango ang kapitan at sumama kay Fixie.
Kumunot ang noo ni Verena nang may nakita siyang iilang lalaki na palapit sa mga lalaking nag hahamon, nabangga ng lalaking naka itim ang pinuruhan ni Verena.
“Tarantado ka ah!” sigaw nito at kinwelyuhan ang lalaki.
“Denarius!” sigaw ng kaibigan niya at balak sana tumulong pero hindi niya nagawa dahil hinarangan siya.
“Baldo!” sigaw ni Verena.
“Tangina sinong Verena ang sinasabi mo r’yan?” sambit ng lalaki at binitawan ang tinawag na Denarius.
“Hindi ko alam ang pangalan mo eh. Bitawan mo ang mga ’yan o lalagay ka sa tahimik?” banta ni Verena.
“Tingin mo natatakot ako sa'yo?! Babae ka lang!” sigaw nito at nag tawanan ang mga lalaking kasama niya.
“Eh tarantado pala ’to eh, eh ikaw lalaki ka diba? Akala ko ba malakas kayong mga lalaki, bakit may hawak kang hostage r’yan? Akala mo ba hindi namin kayo gagalawin porke may hawak kayo? Kahit iuwi niyo pa mga ’yan.” nakangising sambit ni Verena.