“Bitawan mo yan Brando.” sambit ni Verena, napangiwi naman ang lalaki at tinulak papunta kay Verena si Denarius.
Nilapitan ni Verena ang lalaki at tinulungan tumayo.
“Lumayo muna kayo para hindi madamay sa gulo.” sambit ni Verena at tinignan ang lalaking tinulungan niya.
Hindi alam ni Denarius pero parang tumigil ang mundo niya nang lapitan at tulungan siya ng dalaga tumayo. Natulala ang lalaki habang nakatingin sa dalaga. Parang na hipnotismo siya ng dalaga gamit ang mga mata nito, ang kulay asul na mga mata nito na talaga namang mapapansin mo.
“Pidoy, paki alalayan naman ito, itabi niyo muna sa kalayuan para hindi madamay.” sambit ni Verena, tumango si Pidoy at inalalayan ang lalaki, dumating din ang dalawang kaibigan nito at tinulungan ito dahil hinampas ito ni Brando sa paa kanina.
“Pj, kamusta?” tanong ni Verena nang humahangos na dumating si Pj sa tabi niya.
“Nandyan na sila James chairwoman, yung iba pinatago ko para akalain nilang iilan lang tayo.” bulong ni Pj, tumango si Verena sa sinabi ni Pj.
“Huminga ka muna, pupuntahan ko lang sina James.” sambit ni Verena at pumunta sa mga lalaking bagong dating.
“Ver, kailangan mo raw ang mga tropa, kamusta?” bungad ni James sa dalaga.
“Oo tropa, hindi kinaya ni Kap, sinubukan pakiusapan pero wala eh, matigas.” sambit ni Verena.
“Palalambutin natin ang mga animal na ’yan, mga bata. Tara na!” sambit ni James at lumapit sila sa gitna ng daan.
Lumapit sina Verena sa gitna at ngumisi ang dalaga sa lalaking nasa gitna, puno ng benda ang mukha nito ay hirap sa pag tayo.
“Sinong gusto mauna? O toss coin natin?” nakangising tanong ni Verena sa lalaking nasa gitna.
“Toss coin, ikaw o ako ang tatamaan.” sambit nito at lumapit, kumuha ng piso si Verena at initsa ito pataas, ulo si Verena buntot ang lalaki.
“Paano ba yan berto, ulo ang nanalo.” sambit ni Verena.
“Hindi ako ang hahampasin mo gago.” sambit nito, nakangising umiling si Verena.
“Ang usapan ikaw ang hahampasin o ako, walang isang salita? Kingina mo!” sigaw ni Verena at hinataw ng hawak na metal na tubo ang nasa harapan niya.
Nakangising pinag hahampas ni Verena ang lalaking bumastos sa kapatid niya, nilabas niya ang galit niya hanggang sa mag dugo na ang ulo at mukha ng lalaki.
“Ver! Sa likod!” sigaw ni Lucky, gumawa ng kilos si Verena para hindi siya matamaan ng lalaking titira sakanya dapat, nasalo niya ang bote na initsa ni Lucky at rekta niyang hinampas ang bote sa ulo ng lalaki.
“James, tawagin mo ang mga bata, masyado silang marami.” nahihirapang sambit ni Verena at hinampas ang likod ng lalaking lumapit sakanya.
“Verena!” sigaw ni Lucky at Nat nang sampalin si Verena ng lalaking nangutya sakanya kanina.
“Brando” ngisi ni Viserra at mahigpit na hinawakan ang metal na tubo at hinampas ni Verena ang mukha ni Brando, palibhasa maliit maliksi kumilos si Verena.
“Punyeta kang babae ka!” nanggigigil na sambit ni Brando at tinangkang hampasin ng bote ang dalaga nang madaling naka kilos si Verena at nag tago ito sa likod ni James at si James ang humataw sa ulo nito ng dos por dos.
Biglang nag labasan ang mga naka tagong resbak nila Verena.
“Atras par, si Rizie yan. Notorious yan, atras.” sigaw ng isang lalaki, nag tanguan ang mga ito at inakay ang mga kasama nilang mga tulog na.
“Salamat Rizie." Sambit ni Verena pagka lapit sa lalaki.
“Masyado mong hinahayaan magalusan ang mukha mo, Verena.” naiiling na sambit ni Rizie at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ni Verena.
“Galos lang, malayo sa bituka, ano ka ba.” nakangising sambit ni Verena.
“Kahit na, tsk tsk. Sinong sumampal sa'yo?” tanong ni Rizie.
“Si Brando, yung malaking lalaki na puro tattoo, mahaba rin buhok.” sambit ni Verena at pinuntahan si Lucky.
“Animal na Jiko.” bulong ni Rizie, ngumisi su Verena at pinuntahan si Kap.
“Kap, nasaktan ba kayo?” tanong ni Verena sa kapitan.
“Hindi naman hija, ikaw? Nasampal ka kanina." Sambit ni Kap, ngumisi si Verena.
“Naka bawi naman kap, tulog ang gago. Reresbakan ni Rizie, see you sakanya sa hospital." Naiiling na sambit ni Verena.
“Ikaw talaga na bata ka. Osiya, may trabaho ka pa diba? Hindi ka man lang mahuhuli nito?” tanong ni Kapitan habang tinitignan ang orasan.
“Hindi naman kap, mauna na po ako. Tawagin niyo po ako kapag kailangan niyo ako, maiintindihan ng boss ko bakit.” paalam ni Verena at pumunta sa mga kaibigan niya.
“Loko, napuruhan ka Lucky.” sambit ni Verena at tinignan ang mukha ng kaibigan.
“Tangina kasi, hinila si Pidoy tropa, pinag susuntok ko yung humila, may rumespo agad. Basag maganda kong mukha." Naiiling na sambit ni Lucky, natatawa namang binitawan ni Verena ang mukha ng kaibigan at hinarap si Nat.
“Ikaw bata, kamusta?” nakangising sambit ni Verena.
“Masarap sa pakiramdam par.” sambit ni Nat, naiiling na ngumisi si Verena sa sinabi ng kaibigan, dahil balita ni Verena nag away si Nat at ang kanyang ina.
“Hayaan mo ang mama mo, bitter lang ’yon.” nakangising sambit ni Verena, ngumisi pabalik si Nat.
“Tama ka pards, hays. Guwapo ba naman ang anak diba?" Tanong ni Nat.
“Tama ka r’yan. Saan kayo ngayon? May trabaho ako.” sambit ni Verena.
“Sama kami, tropa naman namin boss.” nakangising sambit ni Lucky, naiiling nalang si Verena at tinignan ang ayos niya ngayon.
Akmang aalis na sina Verena nang tawagin sila ng mga lalaking tinulungan nila kanina.
“Bakit?” nakakunot ang noong tanong ni Verena sa lalaki.
“I just want to say thank you for helping us earlier, saan kayo pupunta? Gusto niyo ba kumain? It's our treat.” sambit ng lalaki.
“Goods na ’yon par, hayaan mo na. Dalhin niyo nalang tropa niyo sa hospital mukhang pinuruhan ng gago na ’yon, sa susunod nalang kung magkikita kita ulit tayong lahat.” sambit ni Verena at tinapik ang balikat ng lalaki. Nag lakad na paalis sina Verena, habang ang lalaki at pabalik kung nasaan sina Denarius.
“Anong sabi Vanni?” tanong ni Denarius sa kaibigan.
“Ayaw men, dalhin nalang daw kita sa hospital mukhang malala tama mo, ano masakit ba?" Tanong ni Giovanni sa kaibigan.
“Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh, buti mabait yung si Verena.” naiiling na sambit ni Luca.
“Shut up Luca.” irap ni Denarius at tumayo.
“Why? Kung ako yon men, hinayaan na kita dahil mukhang may gulo talagang magaganap, grabe talaga sa lugar nila lola.” sambit ni Luca habang umiiling.
“Dito ka ba lumaki, Luca?” tanong ni Giovanni.
“Hindi men, ilang taon lang kami rito tapos nag states na.” sagot ni Luca at nag labas ng sigarilyo.
“Bakit mo kilala yung babae?" Nagtatakhang tanong ni Giovanni sa kaibigan.
“Kalaro ko ng bata pa ako, bata pa kami balasubas na ang ugali non, pero huwag na huwag mong aawayin kapatid niya, para mo nang nakita ang mini me ni satanas sa gagawin niya sa'yo.” naiiling na sambit ni Luca.
“Huh, why?” nagtatakhang tanong ni Denarius.
“Mahal na mahal non kapatid niya men, may sakit alam ko. Kaya ingat na ingat siya sa kapatid niya. Yung nangyari noon, hindi ako yung inano niya, pero kitang kita ko ang ginawa niya sa bata.” sambit ni Luca, bakas pa rin ang takot sa mga mata at boses niya.
“Anong ginawa niya?” kuryosong tanong ni Denarius sa kaibigan.
“Inasar ang kapatid niya, umiyak yung kapatid at nag sumbong sa ate. Galit na galit si Verena. Kahit mga magulang non hindi siya maawat, kahit magulang nung batang may kasalanan. Sinampal sampal niya yung bata at pinag tutulak, hindi niya tinigilan hanggat hindi tumitigil sa pag iyak ang kapatid, sutil din ang kapatid, hindi tumitigil sa kakaiyak kaya tumatagal ang pang aaway ni Verena.” sambit ni Luca, umaawang ang labi ni Denarius sa narinig.
“And I heard yung mga lalaking kasama nung kumanti kay Denarius, binastos daw kapatid ni Verena. Kalat sa buong baranggay na huwag na huwag gagalawin si Penelope dahil maghahalo ang balat sa tinalupan." Naiiling na sambit ni Luca.