“She’s working sabi ni lola.” sambit ni Luca pagkatapos niyang humithit sa sigarilyong hawak niya.
“Where?” tanong ni Denarius sa kaibigan.
“Nakaka halata na ako sa'yo ah. Gusto mo ba siya Denarius?” tanong ni Luca sa kaibigan.
“No! Gawa gawa kana naman.” sambit ni Denarius at tumayo.
“Hindi ka papatulan non, masyadong naka focus sa kapatid niya. Aaminin ko maganda siya, childhood crush ko siya, matapang siya, alam niya kung saan siyang side tatayo, simula bata pa kami. Hindi siya katulad ng mga ka edaran naming mga iyakin. Siya, kapag pinatos mo kapatid niya, uuwi kang dudugo ang nguso.” natatawang sambit ni Luca.
“Naka away mo na ba?” tanong ni Giovanni.
“No, I was scared of her that time. Ngayon pa rin naman, pero mukhang hindi na niya ako kilala. Yung lalaking lumabas kasama ang maraming lalaki galing sa kung saan. Si Rizie ’yon, tropahan namin noong mga bata pa kami, may gusto rin kay Verena. Bata palang kami angat na lagi si Verena sa lahat ng bagay, hindi siya mahirap gustuhin. Blonde ang buhok niya dati.” sambit ni Luca at tinapon ang upos ng sigarilyo niya.
“Baka new branding? Kaya nag iba ng kulay ng buhok.” sambit ni Giovanni.
“I don't know. Gustong gusto siya ni lola eh. Napa mahal sakanya ang mga matatanda rito, sakit siya sa ulo noon ng baranggay. Laging nasa gulo kasi binabastos si Penelope. Hanggang sa maka buo siya ng pangalan sa buong lugar, yung lalaking sumigaw sa pangalan niya kanina. Anak mayaman ’yon, pero ewan ko bakit gustong gusto rito, pakiki basag ulo lang naman hanap.” sambit ni Luca at inaya nang bumalik ang dalawa pauwi sa bahay ng lola niya.
“Kilalang kilala ng lola mo si Verena, men?” tanong ni Denarius na nasa likod ng dalawa.
“Sobrang kilala, nang umalis kami papuntang states siya ang nag alaga kay lola. Verena is a sweet girl, natatakpan lang ng facade niyang mahilig makipag basag ulo.” naiiling na sambit ni Luca.
“She looks angelic ha. Akala ko kanina napadaan lang, siya pala namumuno sa kabilang kampo.” naiiling na sambit ni Giovanni.
“Tara, kay lola tayo magpa kwento, mukhang kuryosong kuryoso ang isa r’yan.” sambit ni Luca, tumingin ang dalawa kay Denarius na nag salubong ang kilay.
“What?” masungit na tanong ng binata.
Umiling lang si Luca at umakyat, sumunod ang dalawa sakanya.
“Lola?” tawag ni Luca sa kanyang lola na nasa teresa.
“Oh apo? Kumain na ba kayo?” tanong ng matanda, tumango ang tatlo at umupo sa sahig.
“La, kwentuhan niyo naman kami tungkol kay Verena.” nakangising sambit ni Luca.
“Ikaw ba hijo ay may gusto sa dalagang iyon?” nakangising tanong ng matanda sa lalaki.
“Si lola naman, hindi ho ako lola. Ito pong tropa ko. Diba diba, Denarius?" Nakangising tanong ni Luca, tinignan ni Denarius ng masama ang kaibigan na tumawa lang. Nginitian niya ang matanda.
“Bata pa si Verena noon nang mapansin ko siya. Lagi siyang naka bantay sa kapatid niya na nag lalaro, laging masama ang tingin sa mga batang kalaro ng kapatid dahil binabantayan niya na baka may manakit sa kapatid niya. Bata palang ’yon, wala na ang ama niya. Ofw ang ina, nabuntis ng amo sa ibang bansa. Akala ng lahat, nagpa sarap sa ibang bansa, ’yon pala. Minaltrato siya roon at ginahasa. Pinag buntis si Verena, hindi tanggap ng asawa ng ina ni Verena. Kinamuhian niya ang bata lalo pa nang isilang ito, sobrang puti ng balat, hanggang sa lumaki kitang kita ang dugong banyaga sakanya.” sambit ng matanda habang nakatingin sa may kalayuan.
“Hanggang sa ipag buntis ang pangalawang anak, doon lang amor ng ama. Walang pakielam si Verena palibhasa bata. Hanggang sa ipanganak si Penelope. Doon nalulong sa bisyo ang ama, hanggang sa ilang taon ang lumipas sumunod ang ina. May sakit na pala ito sa pag iisip, may sakit din sa puso, na nakuha ni Penelope. Isang gabi, lasing ang ama. Pinasok ang kwarto ni Verena at pinag sasakal ang kawawang bata, nagising ang ina, at pumasok sa kwarto na may dalang kutsilyo. Doon pinag sasaksak ng ina ang asawa dahil sinasaktan ng ama ang bata. Doon ko napag tantong kahit anong sakit pa ang dumapo sa ina, mananatili itong isang ina oras na saktan ang mga batang niluwal niya.” sambit ng lola habang nakangiti.
“Ano pong nangyari pagkatapos lola?” tanong ni Luca, dahil hindi niya alam ang parte ng buhay ni Viserra.
“Naatake sa puso ang ina. Kinupkop namin ang dalawang bata pagkatapos ng libing ng mga magulang nila, isang linggo palang sila nag pumilit na si Verena umuwi sa bahay nila dahil nahihiya raw siya, may bahay naman daw sila.” natatawang sambit ng matanda, natawa rin ang tatlo.
“Pero nag bigay kami ng tulong, sabi ko pag aaralin ko silang dalawa, tumanggi siya. Si Penelope nalang daw, at siya ay mag hahanap ng trabaho. Binigyan ko siya ng trabaho rito sa bahay, basically. She grew up on me, ako ang nagpa laki sakanya, malambing na bata si Verena.
“Hanggang sa lumaki siya, umuwi ng pilipinas ang mga anak ko, umalis siya sa puder ko at siya na rin ang nag paaral sa kapatid niya. Lumaking mabuting bata at matapang, minsan dumadalaw siya rito para dalhan ako ng mga pastries na bine bake niya.” sambit ni Lola.
“How about her childhood days lola? Do you have anything kwento po?” nakangising sambit ni Denarius.
“Lagi siyang naka bantay sa kapatid niya, may isang beses sinabunutan ang kapatid niya, sinaktuhan na hindi niya binabantayan, nag sumbong ang kawawang bata sa ate, nanggagalaiting sumugod si Verena sa mga batang nanabunot sa kapatid niya. Isa isa niyang pinag hihila ang mga buhok ng mga sumabunot sa kapatid niya at pinag hahampas niya ang ulo ng mga ito sa sementadong kalye, walang magawa ang mga bata kung hindi magsi iyak nalang. Hindi tinigilan ni Verena hanggang sa hindi niya nakikitang dumudugo ulo ng mga batang iyon, walang maka awat dahil sa talim palang tumingin ng batang iyon, mapapa atras na sila.” naiiling na sambit ng matanda.
“Pina baranggay siya ng mga magulang ng mga batang sinaktan niya, sa baranggay hall sila nag harap harap, walang kasamang magulang ang dalawang bata pero pinag tanggol ni Verena ang side niya, dahil alam niyang siya ang nasa tama. Nilabas lahat ni Verena ang baho ng mga magulang ng mga bata, hanggang sa sila sila ang mag away away. Matalino si Verena, sadyang hindi lang nabigyan ng pagkakataon mag aral.” naiiling na sambit ng matanda habang may malungkot na ngiti sa labi.
“Dito ba kayo mag hahapunan mamaya? Si Verena ang nag luluto ng mga pagkain ko mga hijo, baka gusto niyo siyang makilala, pupunta iyon mamaya rito.” sambit ng matanda.
“Dito kami mag didinner lola, hintayin namin maganda mong apo.” nakangiting sambit ni Luca.
“Osiya, magpahinga na muna kayo. Baka napagod kayo kaka gala sa lugar." Sambit ng lola, tumango ang tatlo at nag paalam na.
Dumiretso sila sa kwarto ni Luca at doon tinuloy ang kwentuhan.
“I didn't expect that a child lik her to experience that kind of crime.” naiiling na sambit Denarius.
“And I heard na akala ng lahat siya ang sumaksak sa dad niya kasi galit sakanya ang dad niya.” sambit ni Luca.
“People are easy to judge talaga, how can a child kill her own parent?” tanong ni Giovanni at nahiga sa kama ni Luca.
“Akala kasi nila, dahil galit nga sakanya dad niya. Hindi kasalanan ng bata na nabuhay siya dahil sa kasalanan ng kanyang ama.” sambit ni Luca.
“I agree, it will never be their fault.” bulong ni Denarius.