Kabanata V

1415 Words
“Ver let's go” sambit ni Lucky, tumango si Verena at hindi na tinignan ang kaibigan na mga dayo. “Familiar yung lalaking nag sisigarilyo.” sambit ni Verena habang naka kunot ang noo. “Saan?” tanong ni Nat at tinitigan ang lalaking tinitignan ni Verena kanina. “Yung naninigarilyo, Nat.” sambit ni Verena, tinignan ni Nat ng mabuti ang lalaki. “Si Luca ’yan ropa, yung may crush sa'yo noon.” sambit ni Nat, natawa naman si Verena. ”Hindi naman siguro, ikaw gawa gawa ka ng kwento ha.” naiiling na sambit ni Verena. “Ay hindi ako gumagawa ng kwento ropa, crush ka non noon.” sambit ni Nat, umiling naman si Verena. “Hayaan mo na, noon nalang naman.” sambit ni Verena at tinuloy ang pag lalakad niya. “Good morning pretty Verena.” nakangiting sambit ni Sam, owner ng cafe na pinag ta-trabauhan niya. “Good morning Sam, pasensya na medyo na late, may gulo lang kanina, nag responde lang." Sambit ni Verena. “May sugat gilid ng labi mo, nasampal ka ba?” nag aalalang tanong ni Sam. “Wala 'to, kasama kasi sa gulo. Ayaw tumigil.” nakangiting sambit ni Verena. “Gamutin mo mamaya ha? Pag bilhan mo dalawang bodyguard mo, bawal kamo tambay dito.” nakangising sambit ni Sam. “Copy, may lakad ka pa diba? Larga na, baka mahuli ka.” sambit ni Verena, tumango si Sam at nag paalam nang aalis na. “Bawal tambay, umorder kayo.” sambit ni Verena at inabutan ng menu si Lucky. “Upo ka muna Ver, kain tayo. Wala pa namang costumer.” sambit ni Lucky, tumango si Verena dahil pinapayagan naman siya ni Sam basta walang costumer na kailangang asikasuhin. Umupo si Verena sa kaharapang upuan ni Nat at hinintay maka pili ng order ang mga kaibigan niya. “Tatlong cheesecake Ver, isang chocolate cake, isang strawberry cake at isang mocha cake. Tatlong frappe.” sambit ni Lucky at inabot ang card nito sa dalaga. Kinuha ni Verena ang mga cake na order ni Lucky sa estante pagkatapos sabihin sa barista ang order. Kumuha rin ng tatlong tinidor si Verena at nilagay sa tray. “Dapat yata kape ang inorder ko sa'yo dahil mukha kang tamad na tamad.” sambit ni Lucky, ngumisi si Verena at umupo agad sa upuan at dumukdok sa lamesa. “Verena, kumain ka muna aport. Mamaya dadagsa na costumers niyo, hindi kana maka kain.” sambit ni Lucky, umalis sa pagkaka dukdok si Verena at umayos ng upo. Inabot ni Lucky ang mocha cake at cheesecake kay Verena, at ganon din kay Nat. Sinimulang kainin ni Verena ang cake na binili ni Lucky para sakanya. Pagkatapos maubos ni Verena ang isang cake tapos na ang tatlong frappe nila kaya kinuha niya ito at dinala sa lamesa nila. Tamad na tamad ang dalaga dahil sobrang pagod niya, hindi pa ata siya nakatikim ng tunay na pahinga. “Pagod na pagod ropa” sambit ni Lucky, hindi naman siya pinansin Verena, patuloy lang ito sa pag tulala. “Baka nag mumuni muni si tropa.” sambit ni Nat. “Muni muni saan?” tanong ni Lucky. “Ewan ko rin, tanungin natin siya.” kibit balikat na sambit ni Nat, binatukan siya ni Lucky pero tumatawa pa rin ito. “Loko” sambit ni Lucky, tumawa naman si Nat at umiling. “Kailangan mo ba ng pera Ver? Tahimik mo.” sambit ni Lucky habang kinakain ang cake niya. “Hindi, pagod lang.” sambit ni Verena. “Kailangan niya ng ilang linggong pahinga.” lokong sambit ni Nat, kaya siniko siya ni Verena. “Ilang linggo ka r’yan” sambit ni Verena, habang nag kwentuhan silang mga kakaibigan, nag simula nang mag datingan ang mga costumer, buti nalang marami pang inorder si Lucky dahil siguradong talsik sila sa table nila. “Good morning po, welcome to Sammy’s sweet pastries, may I take your order please?” nakangiting tanong ng dalaga. “I’ll have italian pasta, two ice cream croffle, and two matcha frappe please.” sambit nito, tumango si Verena at nilagay sa screen ang order niya. “Please wait muna po, we'll prepare your order this instant.” sambit ni Verena, tumango ang lalaki at umalis na sa counter. “What’s your order ma'am, sir?” tanong ni Verena. “We’ll have two blueberry cheesecake and two fruit tea, strawberry and kiwi flavor.” sambit nito, tumango si Verena. “Please wait a couple of minutes while I prepare your order.” nakangiting sambit ni Verena. Pagkatapos ng mga nasa counter, inasikaso ni Verena ang mga order at pinag bibigay na niya ito sa mga may order. “Miss?” may tumawag kay Verena kaya agad itong hinarap ng dalaga. “Yes po? May problema po ba?” tanong ni Verena sa lalaki. “No, actually your pastries are good, ikaw sana gusto kong maka usap kaya ako sumadya rito.” sambit ng lalaki, kumunot naman ang noo ng dalaga. “Bakit, anong meron?” nagtatakhang tanong ni Verena. “Please have a seat first, wala pa naman costumer sa counter. You'll love my offer.” sambit nito, tumango si Verena at umupo sa kaharapang upuan. “Ano po ’yon?” nagtatakhang tanong ni Verena sa lalaki. “I own the prestigious club here in cavite, you caught my attention. We will have a big event on the said evening, and we're looking for beautiful ladies na kasama sa bidding. We offer half a million pesos.” sagot ng lalaki, natigilan si Verena sa sinabi ng lalaki at nag isip. “Ano pong gagawin?” nag dadalawang isip na sambit ng dalaga. “Kasama ka sa bidding. Kung sinong mananalo sa'yo, iuuwi ka niya ng isang gabi and you'll satisfy him in bed.” dere deretsong sambit ng lalaki. “Sorry po pero ayoko po.” magalang na sambit ni Verena. Ngumisi ang lalaki at tumango. “I heard you need money for your sister’s medication? Think about my offer, call me once you've made your mind, hanggang bukas lang dear. I am Julian.” nakangiting sambit nito at nag iwan ito ng calling card, pinanood ni Verena palabas ang lalaki at kinuha ang calling card. Niligpit niya ang naiwang pagkain at nilagay sa kusina. Lumabas si Verena at pumunta sa mga kaibigan niya. “Saan kayo mag hahapunan, dito ba?” tanong ni Verena at kumagat sa croffle na nasa harapan niya, wala itong bawas kaya siguradong sakanya ito. “Sa bahay na, kaunti nalang costumers. Baka maya maya mag alisan na rin sila, pupunta ka pa kay lola Luna diba?” tanong ni Lucky sa babae. “Oo, ipag luluto ko siya. Wala siyang kasama sa bahay, hindi man lang magawang dalawin ng mga anak.” naiiling na sambit ni Verena. “Ganyan talaga ang buhay Ver.” sambit ni Lucky, inubos ni Verena ang croffle at sakto namang nag labasan na ang mga huling costumers para sa araw na ito. “Kuya Jig! Mauna na po ako, may trabaho pa po ako eh.” paalam ni Verena sa barista nila, pagkatapos mag linis sa buong coffee shop umaalis na si Verena dahil hindi naman siya ang nag sasara ng cafe. “Osiya mag iingat sa daan Verena.” sambit ni Jig, tumango si Verena at inaya na ang mga kaibigan lumabas. “Dito nalang, uwi na kayo, huwag saan saan mag punta ha.” banta ni Verena, tumango lang ang dalawa at nag paalam na. “Lola Luna?” sambit ni Verena pagkapasok sa bahay ng matanda. “Verena apo” magiliw na sambit ng matanda, ngumiti si Verena at yumakap sa matanda. “Kamusta lola?” nakangiting sambit ni Verena at kumalas sa pagkaka yakap sa matanda. “Ito miss ko na ang mga luto mo.” nakangising sambit ng matanda.. “Nako si lola talaga." Nakangising sambit ni Verena. “Aba’y totoo nga, siya nga pala hija. Nandito ang apo ko at ang mga kaibigan ko, kung pwede sana paki dagdagan ang lulutuin ngayong gabi.” nakangiting sambit ni lola Luna. “Walang problema lola, tara po sa kusina. Pinag bake ko po kayo ng cookies, hindi po to matamis.” nakangiting sambit ni Verena. “Salamat hija." Nakangiting sambit ni lola Luna. Sabay na nag punta sa kusina ang dalawa at nag simula ng mag luto si Verena para sa lahat. Iilang putahe rin ang niluto ng dalaga para mapagbigyan ang matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD