Chapter 15

1106 Words
Kinaumagahan ay maaga akong gumising para makapagluto ng pagkain namin ng asawa ko charr assuming lang. Bumili ako ng tuyo at kamatis para sa almusal namin ni Lenon. Niluto ko ang tuyo at kamatis bago nagsangag ng kanin at nagtimpla ng kape bago ko pinuntahan sa kwarto si Lenon at ginising. "Mahal gising na." Marahan ko s'yang tinulak sa balikat at ng hindi siya magising ay medyo nilaksan ko ang tulak pero nanlaki ang mata ko ng malaglag siya sa higaan. "Aww! Ang sakit," daing niya habang nakahawak sa bewang niya. "Galit ka ba sakin Hifone?" Natawa naman ako sa itsura niya napaka-cute parin kahit bagong gising sana all. "Tumayo kana dyan at kakain na tayo," utos ko sa kanya. Naglakad na ako papuntang kusina at naramdaman ko namang kasunod ko na siya. Ipinagsandok ko siya ng pagkain niya at nilagay sa tapat niya ng makaupo siya. "Ano to Hifone?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa pagkaig hinain ko sa kanya. "Tuyo at kamatis masarap yan kainin mo na lang," sagot ko sa kanya at nagsimula na ring kumain. Nakita ko syang tinikman ang kamatis kasama ang sinangag at napangiti siya ng tipid malamang nagustuhan niya yon ako pa ba magaling ako magluto isa pa may gayuma yon bwahahaha charr. Kung gagayumahin ko sya matagal ko ng nagawa. Matapos naming kumain ay nagbanyo muna siya bago nagpa alam na uuwi na muna sa bahay nila bago pumasok sa trabaho. Paalis na sya ng maalala ko na may sasabihin nga pala ako. "Oo nga pala Lenon gusto ka daw makausap ng mommy mo" " What?" gulat na tanong niya sa'kin. Tinanguan ko lang sya at pumasok na sa banyo para makapaligo dahil papasok din ako sa trabaho. Pagkarating ko sa company ay mukha agad ni Jenna ang bumungad sakin. "Good morning napaka sexy kong friend" "Sexy lang?" "Bakit maganda ka ba?" tanong niya. Napakalapastangan talaga ng babae na to kung di lang din kaibigan turing ko dito malamang sinampal ko na siya. Habang naglalakad kami papunta sa storage room ng mga cleaning materials ay may nakasalubong kaming magandang babae na medyo may edad na pero makikita mo sa kanya na mataray ito at syempre mayaman. Nang mapatapat ito samin ay saglit itong tumigil at lumingon sa'kin. "Bakit may kabayo dito?" Aba! At talagang nilait pa ako ha! "Bakit may mangkukulam dito?" ganti ko naman pero agad akong siniko ni Jenna tapos ay bumulong sakin, "Gaga ka girl, nanay yan ni Sir Lenon." Nanay as in mommy? Halos himatayin naman ako sa ginawa at lalo na ng tinignan ako ng masama ng nanay ni Sir Lenon. "YOU!!" sigaw niya sa'kin. PATAY! Halos magtago na lang ako sa cr para wag akong Makita ng mangkukulam na nanay ni sir Lenon dahil sa kahihiyan ko. Nakakainis naman kasi malay ko ba naman na nanay niya yon. "Ano girl dito kana lang ba titira?" pang aasar sakin ni Jenna ng pumasok sa banyo. "Nakakahiya sa future mommy ko," malungkot na sabi ko. "Future mommy? Haha naalog na yata ang ulo mo dito," natatawang sagot sa'kin ni Jenna. "Lumabas kana dito sobrang linis na dito no tulungan mo ako maglinis ng opisina ni sir Lenon at wag kang mag alala nakaalis na ang mommy niya." Pumayag na ako kay Jenna dahil baka mamaya maflush na ako sa banyo kakalinis ko dun wala ng bacteria ako nalang. Pumasok kami sa opisina ng mahal ko dala dala ang mga mop at walis namin. Nilibot ko ang paningin ko at napansin kong walang tao. "Jenna asan ang asawa ko?" "Girl wala umalis kasama ng mommy niya, tingin mo ba aayain kita papunta dito kung nandito si sir?" "Ayy ganoong wala ka manlang support sa pag ibig ko!" Nang sumapit ang hapon at nakauwi na ako ay agad akong nagchat kay Sir Lenon. 'Mahal ayaw na sakin ng mommy mo' Ilang Segundo lang ay nareply agad siya sa'kin. 'Huh? Nameet mo na ba si mommy?' 'Oo kanina kabayo daw ako mahal' Naglalambing na sumbong ko sa kanya. Di na sya nareply siguro totoo ngang kabayo ako. Ayy wait ano bang arte ko to ay mukha naman talaga akong kabayo. Tanghali na ako gumising kinabukasan dahil wala akong pasok. Papunta akong mall ngayon para bumili ng damit dahil malapit na ang Christmas party namin. Shopping lang ang lola nyo Hifone. Gusto ko sana isama si Junior pero may pasok siya sa parlor. Naligo na ako para mabango naman ako baka sakali ng may magka gusto sa'kin sa mall para maka move on na ako kay Sir Lenon wala naman na yata ako pag-asa lalo na ngayon dahil mukhang galit sa'kin ang mommy niya. Nang makarating ako sa mall ay agad akong namili ng damit. Hmm dapat ba mag dress ako o pants nalang casual lang naman kasi hindi naman daw kailangang bongga sabi ni Sir Lenon wala naman daw sa damit ang diwa ng pasko. Matapos ang isang oras ay nakapila na ako ng dress na fit kulay red. Ito nalang siguro para kita ang kasexyhan ko di bali ng pangit mahalaga sexy ako. Matapos kong bumili ay pumunta ako sa mcdo para kumain. Dahil mag isa lang ako kaya nagmcdo ako kung kasama ko si Junior sa karinderya lang kami kasi baka kulangin ako sa budget. Habang kumakain ako ay may lumapit na matangkad na lalaki may dala rin s'yang pagkain niya. "Miss pwede makiupo wala na kasing bakante." Tumingin ako sa paligid at napansing puno na nga lahat ng table kaya naman ngumiti ako sa kanya at tumango. "Salamat," nakangiting sabi niya at lumabas ang dimple niya. "Ayy pak ang pogi," wala sa sariling sambit ko,. "Huh?" gulat na tanong niya. "Wala." Habang kumakain kami ay pasimple akong tumitingin sa kanya. Ang pogi ito na kaya ang papalit sa honey myloves ko?. Bigla syang lumingon sa'kin kaya naman nasamid ako dali-dali niya akong binigyan ng inumin at tinanggap ko naman agad arte pa ba galing na sa gwapo. "Okay ka lang?" "Oo." "Alam kong gwapo ako pero wag naman titig ng titig." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hoy hindi ha ang yabang mo naman!" "Talaga ba huli na kaya kita." "Baka duling ka lang no." Sa sobrang hiya ay umalis na ako para umuwi di ko na tuloy naubos chicken ko sayang may buto pa e charrr. Gwapo sana kaso mayabang pala. Nang makauwi ako ay nakita ko si Sir Lenon sa labas ng bahay ko. Bakit ba laging ganto ang eksena namin bakit lagi ko syang inaabutan sa labas ng bahay ko. "Where have you been?" bungad niya sa'kin. Makatanong naman to akala mo jowa e di nga niya ako magawang mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD