Binuksan ko ang pinto ng apartment ko at pinapasok si Sir Lenon. Dumeritso naman siya sa upuang kawayan at muling nagtanong habang seryoso ng nakatingin sa'kin.
"San ka galing Hifone?"
"Sa mall mahal may binili lang," sagot ko sa kanya dahil masyado s'yang seryoso.
Pumunta akong kusina at nagtimpla ng juice para sa mahal ko kahit parang ang sungit niya ngayon. May juice ako na ako sa kusina, lagi ba naman kasi akong may bisita kakahiya namang lagi nalang tubig pinapainom ko sa kanila.
"Inom ka muna."
"Thank you."
Tumingin ako sa kanya ng nagdududa bakit kaya siya nandito mukha namang di siya broken hearted ngayon.
"Umamin ka nga mahal mo na ba ako?"
Nasamid siya sa sinabi ko at agad naman akong lumapit sa kanya at hinaplos ang likod niya.
"Okay ka lang?"
"Yeah."
Umuubo pa siya ng konti habang nakatitig ako sa kanya at ng lumingon siya sa'kin doon ko lang napansin na sobrang lapit pala namin sa isa't isa. Tumitig din siya sa mga mata at parang nalulunod ako sa mga tingin niya. Eto na ba yon? Laplapan na ba this?. Dahan-dahang lumapit sa'kin ang mukha niya at naistatwa naman ako, hala di ako makakilos at ang puso ko ay nagwawala na parang gusto nitong lumabas sa dibdib ko!
Napatingin siya sa labi ko at napalunok. Nag toothbrush naman ako kaya kung hahalikan niya ako ay papatulan ko na siya. Go honey myloves ko push pa kiss me.
Napapikit ako ng lumapat na sa labi ko ang mga labi niya. Parang di ako makahinga ganito pala yon ang pakiramdam ng isang halik. Masuyong hinalikan niya ang labi ko hindi ako marunong humalik pero sinabayan ko ang ginagawa niya. Napahawak ako sa batok niya ng lumalim pa ang halik nya habang siya naman ay humawak sa bewang ko.
Nang lumayo ang mga labi nya ay halos habulin ko ito ang sarap!
"Will you help me?" wika niya.
"Huh?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Will you help me love you?"
"Yes na yes!" masiglang sagot ko sa kanya.
Ito na yon ang simula ng mga pangarap ko may pag-asa na ako sa kanya gusto na niya akong mahalin.
Nakaalis na si Sir Lenon pero hanggang ngayon ramdam na ramdam ko parin ang labi niya. Parang hindi yata ako makakatulog nito.
Kinabukasan ay para akong zombie na naglilinis ng hallway. Nakangiti akong nagmamop ng sahig pero ramdam na ramdam ko ang antok dahil di ako pinatulog ng halik ng mahal ko.
"Girl ano nababaliw kana ba?" pang aasar na tanong sakin ni Jenna.
"Mababaliw na nga yata ako," sagot ko sa kanya habang nakatulala.
Tinignan niya lang ako ng masama bago umalis para maglinis sa cr. Pinagpatuloy ko lang ang pag lilinis ko kahit parang wala akong magagawang matino ngayon.
Inayos ko na ang mga ginamit ko para tulungan si Jenna sa cr ng may tumigil sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Sir Lenon yon at ngumiti siya sakin. Naku naman ang gwapo!
"Good morning Hifone sabay tayong mag lunch mamaya ha," nakangiting sabi niya at napatango nalang ako.
Sino ba naman ako para tumanggi diba sabi nga nila palay na lumalapit sa manok kaya tuka na agad.
Matapos kong tulungan si Jenna maglinis ng cr ay pumunta na ako sa opisina ni Sir Lenon dahil lunchbreak na.
Kumatok ako bago pumasok sa loob at naabutan ko syang naghahanap na ng pagkain.
"Wow mukhang masarap yan," naglalaway na sabi ko sa kanya.
"Hmm I cooked all of this I hope magustuhan mo," nakangiting sagot niya sa'kin.
"Sus ikaw nga nagustuhan ko e luto mo pa kaya."
Tumawa lang siya sa sinabi ko at lumapit na ako sa kanya at umupo na para makakain na kami.
"Try this," sabi niya habang nilapit sa bibig ko ang kutsara.
OH MY GOSH! Sinusubuan niya ako. Bimuka ko ang bibig ko para tanggapin ako sinusubo niya ng may sumigaw sa pintuan.
"What the hell!" sigaw ng mangkukulam na kararating lang.
Dahil sa pagkabigla ay na kagat ko pati kutsara.
"Mom," gulat na tawag ni Sir Lenon sa mommy niya.