Halos di na ako nakakain ng maayos dahil sumabay na sa pagkain namin ang mommy ni Sir Lenon si Ma'am Margareth.
"May bago ka palang pet Lenon," wika niya habang tinitignan ako ng masama.
"Mom she's not a pet watch your mouth," pangaral ng mahal ko yiee di daw ako pet.
"Hmmp pinagtatanggol mo ba yan?" pabebeng tanong ng nanay niya.
"Di mo na ba ako love?" dagdag pa nito.
'arte tanda tanda na e' bulong ko habang nakayuko sa pagkaing di ko na nagalaw.
"Anong sabi mo?" pasigaw na tanong sa'kin ng matanda.
"Ang cute mo po" sagot ko sa kanya pero tinignan niya lang ako ng masama.
"Mom she's Hifone my girlfriend" pakilala sa'kin ni Sir Lenon.
Parehas nanlaki ang mata namin ng matanda sa sinabi nya. Girlfriend? Kailan pa sya nanligaw? Nagtukaan lang kami kahapon kami na agad, aba hindi to pwede dalagang pilipina ako! Pero sige na nga dahil mahal ko naman siya pakipot pa ba naman ako.
"Son are you out of your mind? Yan talaga? dami naman dyang iba anak wag naman yang kabayo na yan," reklamo niya.
"Mom I like her okay?"
"Anak naman like palang naman e di mo pa naman love."
"I'm sure I will love her soon mom." nakangiting sabi niya bago hinaplos ang kamay ko.
Kilig is real. Hanggang sa makalis ako sa opisina ay nagrereklamo parin ang nanay niya bakit daw kabayo pa akala ko ba hipon ako bakit kabayo ang tingin sa'kin ng matanda ng mangkukulam na yon.
Naging maayos naman kami ni Lenon habang lumilipas ang mga araw wag ko na daw siya tawaging sir kahit nasa kompanya dahil di siya komportable.
"May susuotin kana ba Hips sa Christmas party?" tanong sakin ni Athena.
"Meron na pupunta ka ba?" tanong ko sa kan'ya.
"Oo naman pati nga si Tita Margareth pupunta." nakangising sagot niya.
Simula ng magkita kami ng mommy ni Lenon hindi talaga kami nagkakasundo.
"Alam mo Hips ganoon naman talaga ang ugali ni Tita kaya wag kang mapipikon maarte at mapanglait lang talaga yon."
"Hindi naman ako na gagalit na sanay na din naman ako" sagot ko sa kanya bago kumagat sa cupcake na kinakain ko inaya niya kasi ako kaninang magmeryenda dahil wala naman daw akong gagawin dahil restday ko.
Habang nagkukwentuhan ay naramdaman kong may tumabi sakin at nanlaki ang mata ko ng makitang si Lenon yon.
"Mahal?" gulat na sambit ko
"Hmm surprise," nakangiting sambit niya sa'kin.
Niyakap niya ako at hinagkan sa ulo buti nalang naligo ako kanina.
"Ehem mahiya naman kayo may single dito."
Napatingin kami kay Athena na nakasimangot samin pero tinawanan lang namin siya.
Matapos kaming magmeryenda ay umuwi na si Athena habang kami naman ni Lenon myloves ay pumunta ng mall dahil magdedate daw kami yiee ansaya ko.
Habang namamasyal kami ay maraming babae ang tumititig sa kanya kaya naman napasimangot ako.
"Hey mahal what's the matter?" tanong niya sa'kin pero umiling lang ako at ngumiti sa kanya.
Di ko maiwasang di lingunin ang mga babae na nakatingin sa kanya at masasabi kong maganda sila at mukang mayayaman para nga silang mga artista sa sobrang ganda nila.
" Eww grabe sayang itsura ni pogi ang pangit naman ng kasama nya mukhng kabayo"
"Ano ka ba baka naman yaya nya lang yan ang pangit kaya sobra"
Naiinis akong lumingon sa kanila at sinamaan sila ng tingin na parang lalamunin ko sila ng buhay. Tinaas ko ang dalawang kay ko na parang pusa bago lumapit sa harapan nila.
"Rawwwr" sunggab ko sa kanila at nanlaki naman ang mata nila bago mabilis tumakbo pa layo.
"Oh my gosh she's scary" narinig ko pang sigaw nila.
Narinig ko namang tumatawa sa tabi ko si Lenon kaya agad ko s'yang tinignan ng masama.
"Anong nakakatawa?"
"Nothing you're just cute when you are jealous"
Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya at nauna ng maglakad sa kanya pero agad din naman s'yang nakahabol at humawak sa bewang ko nag-init ang pisngi ko sa ginawa nyang yon. Enebe kenekeleg eke!