Chapter 18

692 Words
Nang sumapit ang Christmas party namin ay hindi na ako nasundo ni Lenon sa apartment ko naiintindihan ko naman dahil abala siya para sa event. Pumunta sa bahay si Junior para ayusan ako para naman daw hindi ako mukhang kabayo sa party. "Hmm pak nagmukha ka ng tao girl," komento niya sa itsura ko. "Tao naman talaga ako gaga ka!" "Ay talaga ba hindi kasi halata," pang-aasar niya sa'kin kaya naman agad ko s'yang hinampas sa braso niya. "Alam mo di kita pag tetake out ng pagkain don." "Ayy girl wag namang ganyan dalhan mo naman ako kahit buto lang ng chicken" biro niya sa'kin. Sinundo na ako ni Athena dahil gusto niya daw sabay kaming pumunta. Sobrang ganda ni Athena sa suot nyang dress at sexy nya din muntik na akong makabog sa kasexyhan. "OMG ganda natin Hips!" masiglang bungad niya sa'kin bago ako niyakap at nagtatalon kami na parang mga baliw. "Tayo pa ba syempre mga dyosa!" Masayang sabi ko sa kanya. "Dyosa ng mga kabayo kamo," singit ni Junior kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Inggit kalang dyosang may lawit," pang-aasar ko sa kanya bago kami nagtawanan ni Athena. Nang makarating kami kung saan gaganapin ang Christmas party ay talaga namang namangha ako. Napakalawak na garden na ni lagyan nila ng mga palamuti madaming maliit na christmas tree at sa gitna naman ay may higanting Christmas tree may pathway patungo sa gitna na may mga Christmas light siguradong napakaganda nito mamaya ng gabi at ang buong paligid ay may nakakalat na pekeng snow. "Ah Hips close your mouth baka pasukan ng langaw." "Ang ganda Athena!" Masayang sabi ko sa kan'ya. "Tama nga si kuya Lenon magugustuhan mo nga." Pumunta na kami sa table kung nasaan si Jenna napansin kong nakadress din ito aba at maganda din ang lola niyo. Matapos ang ilang minuto ay nagsimula na ang party pinag salita nila ang mahal ko at halos tumili naman ako at ipagsigawang jowa ko yan! Matapos s'yang mag salita ay may mga nag perform may mga sumayaw at kumanta habang kami naman sa lamesa ay masaya lang nanunuod. Nagpalaro din sila pero di na ako nakisali dahil nakadress ako mahirap na baka masilip nila ang perlas ng silanganan. Matapos ang palaro ay pinakain muna kami mabuti nalang at di na kailangang pumila dahil siniserve nalang nila sa table. "Sarap ng foods," masiglang komento ni Jenna. Napangiti lang sa kanya si Athena at tuwang tuwa pang nilagyan siya ng pagkain sa pinggan. Matapos kumain ay nagsimula na ang raffle kaso malas yata kaming nasa table dahil wala manlang nabunot samin. Habang nakatingin sa stage ay na ngunit ang noo ko ng makita na nandoon si Rhea at nakakapit pa sa braso ni Lenon. Nakita kong napasulyap sa'kin ang mga kasama ko sa table pero nginitian ko lang sila para sabihing okay lang ako. Matapos ang party ay di ko na napansin pa kung saan nag punta si Lenon kaya naman nagpaalam ako kay Athena na magbabanyo muna bago kami umuwi. Nang makarating ako sa banyo ay agad akong napatigil ng makita si Lenon na nakatalikod sa banda ko at kaharap niya si Rhea. "Minahal mo naman ako diba Lenon?" madramang tanong niya. "Rhea stop it" akmang lalampasan na siya ni Lenon pero hinawakan niya ang kamay nito. "Lenon please tell me" umiyak na tanong nito. "Yes" walang emosyong sagot sa kanya ni Lenon. "Then do you still love me?" Hindi ko na nahintay ang sagot ni Lenon at agad na akong umalis bakit ko pa hihintayin sagot niya e ako mismo alam ko ang sagot. Tumutulo ang luha ko habang naglalakad kaya naman di ko napansin na may nabangga ako. "Sorry" mahinang sambit ko bago lalagpasan na sana sya pero hinawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya. "Ang pangit mo na nga umiiyak ka pa lalo ka lang pumapangit," wika niya habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya. "Salamat," napapaos na pagpapasalamat ko sa kanya kahit nilalait niya ako. "Sayo na itong panyo ko tsk may sipon mo na e." Sinamaan ko lang siya ng tingin yabang talaga kahit kelan! Sya yong na kasabay ko sa Mcdo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD