Chapter 19

850 Words
Tahimik lang ako buong byahe pauwi, pansin ko rin ang maya't mayang pag sulyap sa'kin ni Athena at ng di na sya nakatiis ay nagtanong na sya. "Hips anong nangyari?" "Nakita ko sila magkasama sila sa cr," maluha luhang sabi ko sa kanya. "Bwesit talaga yang bruha na Rhea na yon nilalandi niya lang si kuya Lenon hayaan mo na yon." "Tinanong niya kung mahal parin siya ni Lenon." "Oh anong sabi ni kuya I'm sure hindi na no? Haha asa naman siya." Tumingin lang ako sa kanya ng malungkot at umiling. "Di ko na hinintay ang sagot niya kasi alam ko namang mahal niya parin." "Hips" malungkot na tawag niya sa'kin. Nang makarating kami sa tapat ng apartment ko ay niyakap niya ako bago ako bumaba sa kotse niya. Bumuhos ang luha ko ng makapasok ako sa loob ng apartment ko. Ang tanga tanga mo kasi Hifone kahit naman anong gawin mo hindi ka nun magagawa ng mahalin mahirap kalang pangit pa. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Lenon. Mahal calling.. Di ko alam kung paano sya kakausapin sa lagay kong ito kaya naman pinaty ko na lang ang cellphone ko at pumunta na sa kwarto ko at humiga hindi ko narin nagawang magbihis ng damit dahil sobrang nanlalambot ako. Kinabukasan ay nagising akong mukhng aswang kung may makakakita siguro sakin ay sigurado ng aatakihin sa puso. Binuhay ko ang cellphone ko at agad namang may pumasok na tawag wala na akong nagawa kundi ang sagutin,. "Hello" "Mahal asan ka ayos ka lang ba bakit di kita macontact kagabi pa." "Mahal ano kasi nasa probinsya ako mahina signal dito." "Saan mahal sayang probinsya pupuntahan kita?" "M-alayo mahal dito ako magpapasko magkita nalang tayo next year," pagsisinungaling ko sa kanya. "Sinong kasama mo?" "Ako lang mag babakasyon lang ako sa lola ko." Lord sorry kung napaka sinungaling ko hindi ko lang talaga siya kayang harapin pa. "Ganoon ba, sige mag ingat ka ha sure ka bang ayaw mo akong pumunta dyan?" "Huh? Mahal ano anong sabi mo di kita maintindihan walang signal mahal? Mahal?" pagkukunyari ko bago pinatay ang cellphone ko. Napabuntong hininga ako sa ginawa ko sa sobrang drama ko nagsinungaling pa ako minus points na tuloy ako sa langit. Mabuti nalang christmas break na namin at sa susunod na taon na ang balik namin hindi ko pa kayang harapin si Lenon masakit kasi sa'kin na makita siya mahal ko siya pero alam ko namang hindi niya pa ako mahal kahit sinabi nyang pinag-aaralan niya na akong mahalin. Napaka tanga ko lang para maniwala ng matututuhan niya akong mahalin kelan pa natutunan ang pagmamahal. Isang linggo na akong di lumalabas ng apartment at sa gabi lang ako bumibili ng pagkain para walang makakita sa'kin kahit si Junior. Lumingon lingon ako sa paligid bago tuluyang lumabas ng apartment para bumili ng pagkain. Nakahoodie ako at facemask para walang makakilala sakin. Nang makabili na ako ng pagkain ay nagmamadali akong maglakad pauwi. "Aswang ka ba?" napatigil ako ng may mag salita at ng lingunin ko iyon ay nakita ko si Mcdo boy na nakasandal sa isang poste at nagyoyosi. "Pangit lang ako pero di ako aswang" sagot ko sa kan'ya. "Eh bakit sa gabi kalang lumalabas?" tanong niya. Agad namang nanlaki ang mata ko at agad tinakpan ang bibig niya "Shhh wag kang maingay kuwari di mo ako nakita ha!" Inalis niya lang ang kamay ko sa bibig niya at tinignan ako na parang nandidiri sa kamay ko. "tss kadiri," reklamo niya "Arte mo maglinis kamay ko ha. At saka anong ginagawa mo dito stalker ka no kaya alam mong sa gabi lang ako nalabas?" "Stalker? kapal mo ha for your information ayan ang bahay ko," tinuro niya ang malaking bahay sa tapat ng apartment ko. "Ah basta wala kang nakita ha wala ako dito!" "As if naman may naghahanap sayo" sabi niya bago nilampasan ako at pumasok na sa bahay nila. Aba't grabe talaga ang lalaki ng yon. Pumasok na ako sa loob ng apartment at hinanda ang binili kong pagkain. Habang nakatitig ako sa pagkain ko ay nakaramdam ako ng lungkot, sa tagal ko ng mag-isa kumakain ngayon pa talaga ako nag drama. Siguro dahil nasanay na ako na may kasabay akong kumain. Si Lenon ang unang lalaki bukod kay Junior syempre bakla naman yon na nag tyaga na makasama ako. Masarap isipin na kami pero masakit dahil alam ko naman na hindi niya ako mahal. Kinabukasan ay ininit ko nalang ang natira kong pagkain kagabi para sa almusal ko kahit medyo madilim sa loob ay hindi ko binuksan ang ilaw at baka mamaya mapadaan si Junior. Nakatulala lang ako sa bubong at binibilang ang mga butiki na naglalambingan. Edi wow kayo na masaya ang lovelife, sana all!. Mababaliw na yata ako. Kinabahan ako ng makarinig ako ng kumakatok sa pinto ko. Dahan-dahan akong lumapit sa bintana na malapit sa pinto. Inangat ko ng konti ang kurtina at sinilip kung sino ang kumakatok. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ng si Mcdo guy yon. Anong ginagawa ng lalaking yan sa tapat ng pintuan ko?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD