Chapter 20

790 Words
Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa'kin ang nakasimangot na mukha ni Mcdo guy. "What took you so long to open the damn door?" iritang tanong niya sa'kin. "Malay ko ba baka magnanakaw kaya sinilip ko muna bago buksan," sagot ko sa kanya. "Really? May magnanakaw bang kumakatok?" Oo nga no? Napahiya ako don bago pa muli ako makapagsalita ay pumasok na siya sa loob. Sinarado ko na lang ang pinto at baka may makakita pa saikin. Naupo siya at pinatong sa lamesa ang dala n'yang nasa plastic. "Wow feel at home," puna ko sa kanya. "Tss may dala akong pagkain, " sabay turo sa mga supot na pinatong niya sa lamesa. Lumapit ako doon at tinignan ang mga laman. Afritada, adobo, nilaga at may kanin pa. "Para san 'to?" tanong ko sa kanya. "Para kainin?" Kahit kelan talaga wala akong makuhang matinong sagot sa kanya. Inayos ko ang mga dala nyang pagkain at nilagay iyon sa mga plato. Tahimik namin iyong pinagsaluhan at ng matapos kaming kumain ay akala ko ay aalis na siya pero nahiga lang siya sa mahabang upuang kawayan. "Di ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya. "Matapos kitang pakainin paaalisin mo ako?" sagot niya sa'kin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, pinakain niya ako? medyo natawa ako dahil napakagreen minded ko naman. "What's so funny?" iritang tanong niya. "Wala salamat sa pakain" natatawang sagot ko sa kanya. Sumapit ang pasko pero hindi ko parin inamin kay Lenon na nandito lang ako sa apartment at hindi naman talaga umalis. Maging si Andrew o Mcdo guy ay hindi ako ginulo noong pasko marahil ay umuwi ito sa kanila. Nang sumapit ang bagong taon ay tutulog nalang sana ako ngunit napaka ingay ng paligid dahil sa mga paputok at mga nagsasayang tao. Sana all masaya. Pinikit ko ang mata ko upang matulog ngunit may kumatok sa pintuan ko. Nagmamadali ko itong buksan sa pag aakalang si Andrew iyon ngunit nanlaki ang mata ko ng makitang si Lenon iyon at sa likod niya ay sina Athena at Junior. "Anong..." "Happy new year mahal" Lumapit sakin si Lenon at niyakap ako ng mahigpit. "I miss you," malambing na wika nya bago humiwalay sa'kin at hinalikan ako sa noo. "I hope sapat na ang mga araw na di tayo nagkita please Hifone, wag mo na ako taguan" paki-usap ni Lenon sa'kin ng makaupo na kami. Nag-aayos naman ng lamesa sina Junior at Athena. May mga dala silang pagkain, hindi ko inaasahan na dadating sila at akala ko talaga naniwala sila na wala ako dito. "Paano niyo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kanila. "Gaga ka ba girl? Wala ka ng kamag anak no, at kung meron man ayaw nila sayo kaya don't us," pagtataray sa'kin ni Junior. Yumakap ako kay Lenon at sumiksik sa leeg niya. "Sorry!" Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa oily kong noo. "It's okay I know you heard Rhea and I talking kaya ka ganyan but I hope next time pakinggan mo ako hmm." "Alam ko naman kasing mahal mo pa siya" Humiwalay siya sa yakap ko at tinignan ako sa mata habang nakahawak siya sa balikat ko. "I don't love her anymore trust me okay?, let's make this relationship work" wika niya. Tumango ako at nahihiya ng hinalikan siya sa pisngi, nagulat siya doon pero agad ding ngumiti at pinatakan ako ako ng halik sa labi. "Ehemm!" Napalingon kami ni Lenon kina Athena at Junior na parehas nakapamewang na nakatingin sa amin. "Kakain pa ba tayo ng pagkain o magkakainan nalang kayo dyan?" masungit na tanong ni Athena. "Mga walang respeto sa single!" bulyaw samin ni Junior. Natawa lang kaming dalawa at lumapit na sa hapag. Sabay sabay kaming kumain ng dala nilang pagkain. Ito ang unang beses na naging masaya ang bagong taon ko. Matapos kaming kumain ay nagkwentuhan na lamang kami habang si Junior at Athena naman ay naglalaro ng baraha, tong it's. "Bakit dito kayo nag new year, hindi ba kayo hahanapin sa bahay niyo?" tanong ko kay Lenon. "Tumakas kami ni Athena sa bahay. Magkakasama kasi kaming mag new year, pero yon nga tumakas kami at si Junior naman nadaanan namin sa kalsada na nagpapaputok kaya sinama na namin" paliwanag niya sa'kin. Pinanuod lang namin ang dalawa na naglalaro habang na kaupo sa sahig ng may kumatok. Sabay-sabay kaming lumingon sa pintuan at lahat silang tatlo ay lumingon sakin. "Bakit?" takang tanong ko sa kanila. "May parating ka bang bisita?" tanong ni Athena pero umiling lang ako sa kanila. Tumayo si Junior at binuksan ang pintuan. "Ayy pogi!" tili nya ng makita kung sino ang nandoon. "Kuya? Anong ginagawa mo dito? " takang ni Athena. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, kuya? kilala niya si Andrew?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD