Araya Napapailing na lang ako habang binabalikan ang nangyari kanina. Samantalang si Tina naman ay pasulyap-sulyap sa akin na tila hinuhulaan ang nangyayari sa akin o sa amin ng lalaking iyon. Lalo na't mahinhin kong hinihipo-hipo ang bouquet na roses na binigay niya sa akin. "Ate, mukhang happy ka ngayon ah?" Hindi nakatiis na nagtanong si Tina habang nakangiti. Inirapan ko siya. Tinakpan niya ang bibig at tumawa nang mahina. "Ano bang itsura ko?" I curiously ask. Lumapit pa talaga siya sa akin at sinipat ang mukha ko. Na para bang sinusuri kong may kakaiba. " Maganda, pero namumulaklak na ang mga mata ni'yo." Nakangisi na ito. Binatukan ko siya. Loko 'to ah, pinagta-trip-an yata ako? napahawak siya sa ulo niya sabay hipo doon. Nakangiti pa rin sa akin. " Baliw!" Matipid kong hir

