Chapter 1(Book1) James Kurt Feorenza
Araya's POV
California
"Whoah! freedom's end." Itinaas ko ang wine glass. We're at the bar with my bestfriend Jane.
Pareho kaming nagtapos ng Fashion Designer dito sa America. Napagpasiyahan naming uminom ngayon gabi dahil babalik na ako sa Pilipinas dalawang araw simula ngayon.
"Uuwi kana ba talaga?" matamlay na tanong ni Jane sa akin.
"I have too. No choice. But anyway I will call you everyday," nakangisi kong sagot sabay akbay sa kan'ya. Pinapauwi na kasi ako ng mga magulang ko.
Lasing na yata ako. Nahihilo na ako sa tapang ng alak. Nagkatinginan kami ni Jane nang may isang kanong lumapit sa akin.
He's drunk.
"H-hey...l-ladies, can I join?" tanong niya sa amin habang pasuray-suray na sa kalasingan. Hindi namin siya pinansin. Nakangisi itong nag-join sa table namin. Jane excused, she's going to the lady's room.
I am drunk--so drunk that I can't even speak properly. Kinakausap ako ng kanong ka-table namin pero hindi ko siya naiintindihan.
Not until I felt his filthy hand travelled in my legs.
"Hey! What are you doing?" Bigla akong nagising sa kalasingan nang maramdaman ko ang kamay niya sa binti ko.
"C-come on l-lady!" he evily smirked. Hindi ako sumagot. Instead, sinampal ko siya ng napakalakas na kumuntik na siyang mapasubsob sa sahig.
"s**t!" mahina kong mura.
Tumayo ang lasing na kano at dinuro ako habang hawak ang pisnging nasaktan.
"f**k you!" sigaw niya sa akin. Akma niyang hahablutin ang buhok ko ngunit may malaking bulto ang humarang sa akin at sinuntok ang manyakis na kano.
"Ouch!" sigaw ng kano habang sapo-sapo ang mukha.
Hindi ko na alam ang nangyayari. Hilong-hilo na ako sa kalasingan. Napaingtad lang ako nang biglang hawakan no'ng lalaking nagtanggol sa akin ang kamay ko at hinila ako palabas ng bar.
Para akong nahimasmasan nang tuluyan na kaming makalabas. Wala na ang maingay na musika kasabay ng ingay ng bawat tao sa loob. Nakalanghap na rin ako ng hangin mula sa labas.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. I was wearing a tube-dress, napakaiksi. Sa mga hindi nakakakilala sa akin ay baka pinagkamalan na akong isang bayarang babae.
At malamang gano'n ang tingin sa akin ng guwapong lalaking 'to.
"Who are you?" mataray kong tanong sabay hila sa kamay kong hawak niya.
He smirked. Kinagat pa ang ibabang labi. "Miss. Mag-thank you ka kaya sa akin."
"Gago!" bulyaw ko sa kan'ya. Dala na yata ng kalasingan ko ay minura ko siya. He stared at me like he was going to eat me alive. Kinabahan ako do'n at napatayo ng tuwid. lumunok ako. Ang kaniyang mga mata ay nanatili sa akin.
"Miss. Alam mo napakaganda mo sana kaso hindi ko gusto ang tabas ng dila mo. Sa susunod kung ayaw mong mabastos sa loob ng bar takpan mo ng maayos ang katawan mo. Be responsible! " angil niya. He stared at me again. Umiiling siya bago ako tinalikuran.
Nakahinga ako ng maluwang nang maglaho na siya sa paningin ko. Pumara ako ng taxi para makauwi na sa condo ko.
Natutop ng palad ko ang noo nang ma-realized kong naiwan ko si Jane. I left her alone in the bar.
Inabot ko ang phone kong nakapatong sa night stand. I started to type a text messages for my friend.
"I'm so sorry, Jane. I'm so drunk kanina kaya hindi na kita naisip na nasa ladies room kapa pala. I'm sorry, I left you alone."
Magkatabi lang ang condo unit namin. Hindi siya nagreply kaya pinahinga ko na lang ang katawan sa kama.
2:30AM na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pikit ang mga mata ko pero ang diwa ko ay gising na gising pa. Biglang sumanggi sa isip ko ang guwapong lalaki na tumulong sa akin kanina.
"Guwapo sana, kaso ang lupit." Hinilot ko ang sintido. Hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. I regret that happened. Napangisi na lang ako sa sarili ko habang naiisip ang nangyari sa akin. Ito ang unang beses na nabastos ako sa bar dahil ito ang unang beses na naglasing ako ng sobra.
(Two days later)
Nagmamadali akong inayos ang mga gamit ko nang makarinig ng katok mula sa may pinto. Tumayo ako at malalaking hakbang ang ginawa patungo sa pintuan.
Nabungaran ko si Jane na taas-kilay na nakasimangot sa akin.
"Goodmorning, Bestie." Sabay yakap ko sa kan'ya.
She glared at me. Alam kong nagtatampo pa siya sa akin. I don't meant to leave her alone at the bar. Nagkataon lang 'yon.
"Don't be mad, bestie. I'm leaving today." Ngumuso ako sa kan'ya.
Apat na taon na kaming magkakilala. Simula nang mag-aral ako dito sa America.
"I'm not mad. Mamimiss kita, baka sumunod na rin ako ng uwi nito." Ngumiti siya sa akin kung kaya'y napanatag ang loob ko.
Tinulungan ako ni Jane sa pag-iimpake ng mga gamit ko at siya na rin ang naghatid sa akin sa Airport.
"I will miss you, Araya Belle." She smiled at me. Papasok na ako sa loob para mag-check in.
"Me too, tatawag ako palagi. I promise," sabi ko sa kan'ya. Niyakap ko siya ng mahigpit bago tuluyan ng pumasok sa loob.
***
Philippines
Nakangiti akong sinalubong ng mahigpit na yakap ng Mommy Cora ko na siyang sumundo sa akin sa airport kasama ang aming driver.
"My princess." Sabay halik sa pisngi ko at noo. Yakap-yakap pa niya ako. Halos tatlong taon ko na silang hindi nakita dahil nagpasya muna akong tapusin ang degree ko sa America bago umuwi sa pilipinas.
"I miss you too Mommy. Where is Daddy?" Nilinga ko ang paligid at nag-abang na makita ko ang daddy ko.
"He is not feeling well Iha. Kaya ako lang ang sumundo sa'yo." Malumanay ang boses ni Mommy. Kumunot ang noo kong napatingin sa kan'ya.
"Is he okay, Mommy?" nag-aalala kong tanong sa Mommy ko. Ngumiti siya sa akin bago tumango.
"Yes, he is okay. Don't worry Iha. Let's go home," nakangiti niyang sagot.
I smiled at her. Habang nasa biyahe kami ay panay ang kuwento ko. Pati mga kalukuhang ginawa ko sa America ay nai-kuwento ko na rin.
Mom spoiled me a lot. She give whatever I wants even my dad against. I was so thankful to have a parents like them. Kahit na maldita ako at pasaway na anak ay mahal pa rin nila ako. They never felt ashamed of me, instead, mas pinagmamalaki pa nila ako.
Ofcourse I am smart, and I never failed them too. I was a valedictorian since grade one to highschool. I never failed my parents dream for me. I study hard not only for myself, but for them too.
Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay natanaw ko na sa labas ng pinto ang daddy Albert ko. Nasa likod naman niya si yaya Olly, ang nagpalaki sa akin.
Patakbo akong lumapit sa Daddy ko at niyakap siya nang mahigpit.
"Daddy, I miss you so much." Mahigpit ko siyang niyakap. Sobrang sabik ako na nakita ang mga magulang ko.
"I miss you too, princess. I'm glad and happy to see you back." Sabay halik sa buhok ko, he still hugging me tightly.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa Daddy ko at nilapitan si yaya Olly na kanina pa nakatitig sa akin. Maybe she did not recognize me. I almost giggled.
Niyakap ko siya. Napapangiti pa ako sa reaksyon niya ngayon dahil para bang hindi makapaniwala na umuwi na ako.
"Yaya Olly, what's wrong?" tanong ko habang nakangiti sa kan'ya.
"Ikaw naba talaga 'yan, Iha? Ang Araya ko?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Ofcourse, Yaya. ako ito! Mas gumanda pa ba ako?" biro kong tanong sa kan'ya. Niyakap ko pa siya ulit. Natatawa na lang ang mommy at daddy ko sa reaksyon ni Yaya Olly.
"Let's go inside. So, we can continue talking while we're eating," Daddy said to us.
Ito na ang pinakamasyang araw ko. Kahit na alam kong wala na akong kalayaan dito sa bahay dahil may pagka-istrikto ang daddy ko sa akin ay masaya pa rin akong makapiling silang muli.
Habang nasa kusina kami ay panay ang kuwentuhan. Nakisabay na din sa amin si yaya Olly.
They miss me a lot in three years that I was away from them. Hindi raw sapat ang tawag o video call para sa Daddy ko. Mas panatag na raw ang loob niya ngayong andito na ako.
"So, how's the America my girl?" tanong ng daddy ko sa akin.
"Not bad, Daddy, " sagot ko sa kan'ya. Alam na niya ang ibig kong sabihin.
Tumikhim si Mommy. Napatingin kami sa kan'ya. "Anyway. By next day we're having party here at home. So get ready everyone," nakangiti niyang sabi.
"Party?"
Namimilog pa ang mga mata kong napatingin ng deretso kay Mommy.
Well, they all knew that I hate going party. Nagulat lang ako sa sarili ko kung bakit pumupunta ako sa bar no'ng nasa America pa ako. Siguro ay dala na 'yon ng pangungulila.
What I hate going in the party?
I hate people looking at me? Asked me to dance? Asked me so many questions? I hate that the most.
"We will celebrate. We're glad that our daughter is back," masayang sabi ng Daddy ko.
"Okay," matamlay kong sagot.
~~~~~
"What? You want me to marry your son bestfriend, Daddy!?" hindi ako makapaniwala sa sinabi ng Daddy at Mommy ko sa akin.
Kaya pala pinatawag nila ako papasok sa office room ng Daddy dahil may private conversation kaming magpamilya.
"No, daddy! I won't marry a stranger?" padabog kong sagot sa daddy ko. Halos maiyak na ako sa sinabi nila sa akin.
"Calm down, Iha. We can talk this properly," malambing na sabi ng Mommy ko sabay hawak sa kamay ko. Bahagya pa niya 'yong hinaplos.
I close my eyes once and breathe heavily. Hindi ko kayang tanggapin ang kagustuhan nila.
"How can you both force me to marry a stranger!" umiling ako ng maraming beses.
Tumayo ang daddy ko. Kunot ang noo niyang tiningnan ako pailalim.
"Don't let me down, Araya Belle!" unang beses kong narinig ang daddy ko na binanggit ang buong pangalan ko.
He was determined and same time mad. And I don't care. Puwede kong gawin ang mga ibang hiling nila huwag lang ang ipakasal ako.
I'm only 22. How can I marry at the young age? My parents was insane! This is not gonna be happen. I won't marry! No! Never!
"Don't push me to the edge, Daddy? You know me very well. You're forcing me to marry someone that I don't want to accept in my life." Unang pagkakataon na tumaas ang boses ko sa Daddy ko.
Alam ng mga magulang ko na kailanman ay walang tumapat sa standard ko pagdating sa lalaki.
I never been dated. Dahil wala akong matipuhan at hindi ako interesado. Inaakala ng lahat ay mataas na mataas na ang standard ko pagdating sa lalaki. But no! Hindi lang ako nagkakagusto.
Maybe I'm not ready or I just don't like because I was focusing on my career not in my love life.
"Accept it." Mahina ang boses ni Daddy ngunit makahulugan. Nag-walk out na siya sa opisina niya.
Nilingon ko ang mommy kong nag-aalala. Nabuhayan ako ng kaunting pag-asa. I knew my Mom, she never let Dad to do what I don't like. She's always in my side.
"Mommy!"
Naluluha kong sabi sa kan'ya. Bumuntong hininga siya at hinaplos ang buhok ko.
"I can't protect you this time, princess. Desidido na ang daddy mo na ipakasal ka sa anak ng kumpare niya. Nasa America kapa lang ay naplano na ng Daddy mo ang tungkol sa nalalapit mong kasal," walang buhay na sabi ng mommy ko. Lumabas na rin siya mula sa opisina.
Naiwan akong tulala. Hindi ko malaman ang susunod na gagawin.
Nangilid ang mga luha ko. I can't accept what they told me. I was so furious. I drop all of the papers in my dad's working table
Lahat 'yon, wala akong tinira. Binalingan ko ang lampshade na malapit sa lamesa at binalibag ko rin 'yon. Galit ako. Galit na galit. Nagwala ako sa loob ng opisina ni Daddy. Parang dinaanan ng bagyo ang loob ng opisina niya.
Umakyat ako sa taas at nagkulong sa kuwarto ko. Pinagpatuloy ko ang pagbabasag ng mga gamit. Hinihintay ko na lang na akyatin ako ng mga magulang ko at sabihing nagbago na ang isip nila. But I was wrong. Determinado na sila sa disisyon nila para sa akin.
Walang kumakausap sa akin. bubuksan ko lang ang pinto kapag narinig ko si yaya Olly na hahatiran ako ng pagkain.
Sana pala 'di na muna ako umuwi? Sana nag-stay pa ako sa America ng isang taon pa.
Nagising ang diwa ko nang tumunog ang phone ko.
Jane: How's my bestie? Nakauwi kaba ng maayos?
Me: Bad news.
Jane: What's wrong baby?
Nag-aalala niyang tanong sa text message.
Magre-reply na sana ako, but I saw her name on the screen. She's calling. Hindi ako nagdalawang isip at sinagot ko ang tawag niya.
"Hello, what happened, bestie? " nasa tuno niya ang pag-aalala.
"Jane. I think I need to dig my own grave now," matamlay kong sagot.
"Araya, what happened? Can you tell me? Please, I'm so worried?"
Bumuntong hininga ako bago kinuwento sa kan'ya ang sinabi ng mga magulang ko kagabi sa akin.
"What. They want you to marry?" hindi makapaniwalang sambit niya sa kabilang linya.
"Hmp," walang buhay kong sagot.
"Omg! I can't believe them. Kaga-graduate mo pa lang," mainahon niyang wika.
Napabuntong hininga ako.
"Okay, let's do this. Kilalanin mo muna ang groom to be mo. Kapag hindi pumasa sa standard mo, then, run away," natatawa niyang sabi.
Well, Jane is right. Bakit ko nga ba hindi muna kilalanin para atleast maging pormal naman 'di ba?
"I have to go baby, I'll call you next time. Ingat ..love you." Sabay baba ng phone call.
I can't lock myself in my bedroom. Kailangan kong umisip ng paraan.