CHAPTER 29 (ZYLER POV) ILANG MINUTO ang aming hinihintay bago dumating si Bernard. Si Alex tinatawagan ko pero ang sabi ni Tita Grace nag-out of town. Break muna ito sa pagtutugtog ng ilang buwan.. “Are you okay, wife? Nagugutom ka na ba? Kumain muna tayo diyan sa pinakamalapit na fast food chain." puno ng pag-aalalang tanong ko sa kanya. Mag-aalas -siyete na rin kasi ng gabi. Nandito kami ngayon sa lobby ng JBC building. Dito kami susunduin ni Bernard. Hindi rin naman ako makakuha ng taxi dahil wala na akong pera. Naubos ng mga pinamili ko sa convinient store. “Ayos lang ako, Hubby. Huwag kang mag-aalala sa akin. Ikaw nga ito hindi okay, eh.” Bigla siyang humarap sa akin. Inayos ang magulo kong buhok at pinisil ang tungki ng aking ilong. “Why so guwapo, hubby? Kahit na magulo a

