CHAPTER 31 ZYLER POV KINABUKASAN maaga akong nagising. Kailangan kong maghanap ng trabaho ngayon para may magagamit kami sa araw-araw. At para makapag-ipon na rin ako. Kailangan kong dalhin si Apple sa ibang bansa dahil alam kong hindi pa rin kami titigilan ni Lolo Romano. Kapag nandito kami sa Maynila maabot pa rin sa kanyang koneksyon. Humihingi ako ng tawad sa mga magulang ni Apple dahil sa ginawa kong paglayo ng kanilang anak. I understand why her parents hated me so much. Ramdam na ramdam ko ang galit ng kanyang papa Rolando at Mama Mercy nang tumawag kami kagabi. Pero medyo nakahinga ako ng maluwag nang masabi ko kay Apple kagabi ang tunay kong pakay bakit kami nandito. And I’m happy because she still choose me over her parents. Ngunit may bumabagabag pa rin sa aking isipan da

