APPLE POV KANINA pa ako hindi mapakali. Nariyan ’yong lakad at upo ang aking ginawa. Natapos na rin ang maglinis ng buong unit para lamang malilibang ako. Nakaligo at nakapaglaba na rin ako. Sobrang boring dito sa loob. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ko kung may reply na ba si Zyler sa aking mga text. Hindi rin nito sinasagot ang aking mga tawag. Kanina pa ako nakatingin sa wall clock na nakasabit sa dingding. Mag-aalas sais na ng hapon pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita kung kumusta na ang kanyang lakad. Hindi mo man alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit nagkaroon ng alitan silang dalawa ni Don Romano pero isa lamang ang alam ko. Pinapahirapan ang aking mahal ng kanyang Lolo. Marahas ako napabuga ng hangin sa bumibigat ang aking dibdib na nakikita ko ang mga

