CHAPTER 26 APPLE POV HALOS hindi ko magawang humiwalay sa pagkakahawak kay Zyler nang naglalakad na kami papasok sa eroplano. Kinakabahan ako. Natatakot akong sumakay lalo na at may fear of height. Negative ang pumasok sa aking isipan baka biglang magkaroon ng engine failure at bigla na lamang mag-crushed ang eroplano. Naipilig ko ang aking ulo sa aking naiisip. “Lord, huwag naman sana. Gusto ko pang mabuhay ng matagal kasama sina mama at papa. Lalo na si Zyler." pipi ko pang dasal. Nang nakaupo na kami sa aming designated na upuan. Hindi pa man, pakiramdam ko sobrang lamig na ng aking katawan. Pinagpawisan ako ng malapot. “Hey, wifey. Are you okay? Namumutla ka yata?" Napanguso ako sa aking narinig. Sana sinabihan ko na lamang siya sa barko na lamang kami sasakay. “N-natatakot kas

