CHAPTER 26 APPLE POV TUMIGIL ang sinasakyan namin sa harap ng isang malaki at modernong building. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa labis n pagkamahangha. Mula sa bintana ng kotse na aming sinasakyan nakangangang tinitingala ko ang malaking gusali. JBC; ang basa ko sa pangalan. Oh, my God! Sa telebisyon ko lamang ito nakikita ang ganito kagandang mga gusali. Nakakalula ang sobrang taas. Ilang palapag kaya 'yan? Twenty? twenty one? Pero mukhang hindi, eh. Mukhang umabot pa ’yan ng thirty floor. Teka! Bakit kami nandito? Papasok ba kami diyan sa loob? Kaagad gumapang ang excitement sa aking dibdib. “Thank you for picking me and my wife, Dude,” narinig kong saad ni Zyler. Napaayos ako ng upo nang mapansin kong nakatingin pala sa aking ang kaibigan ni Zyler. Baka mapahiya ko lamang ang

