CHAPTR 27 ZLYER POV KANINA pa nakatulog ang aking mahal marahil napagod ito ng sobra. But here I am my eyes still awake. Nakatitig sa kisame. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Apple na hindi na kami babalik pa ng Sta. Felimina na hindi siya magagalit sa akin. Natatakot ako na aminin sa kanya ang lahat. Lalo na ang binabalak ni Lolo Romano na pagpapakasal sa akin ni Cicilia. Paniguradong masasaktan siya ng husto. Buong ingat kong tinanggal ang kanyang ulo na nakaunan sa aking braso nang marinig ko ang pagba-vibrate ng aking cellphone sa ibabaw ng center table dito sa gilid ng aking kama. May tumatawag sa akin. I have deep sighed when I saw the caller ID. It's Lolo Romano, at hindi ko pa naman ito nasagot alam kong umuusok na ang ilong nito sa sobrang galit sa aking pagmamatigas

