ALANIS' POV
Nabalitaan ko na hindi pumasok si Marinel ngayon sa klase nila pagkatapos ng pagpapahiya na ginawa sa kanya ni Elka sa Gymnasium ng YGA. Naaawa ako kay Marinel, alam kong matagal na niyang gusto si Neil at umaasa siya dito pero hindi naman yata tama na gawin lang siyang rebound ni Neil. Masakit sa parte naming mga babae iyon.
Naiintindihan ko ang damdamin ni Marinel, hindi ko lang maintindihan si Neil kung bakit kailangan niya pang gumamit ng isang tao para lang makalimot at ang ginamit pa niya ay si Marinel na matagal na siyang gusto. Gusto kong damayan at tulungan si Marinel sa problema niya kaya kapag pumasok na siya ay kakausapin ko siya.
Kakatapos lang ng klase namin sa all girls section na pinaglipatan sa akin ni Russel. Mababait naman ang mga naging kaklase ko at ang rason pala kung bakit sila napunta sa all girls section ay baka raw magka boyfriend sila kaagad dahil sa mga kaklase nilang lalake na ayaw ng mga magulang nila.
Mabuti pa nga sila at magulang nila ang nagbabawal na makisalamuha sa mga lalake sa kanila, samantalang ako? Hays.
"Alanis!"
Pagkalabas ko ng classroom namin ay nakita ko si Julian sa 'di kalayuan na kumakaway sa akin.
Napatingin ako sa paligid at wala pa naman si Russel kaya ngumiti ako at lumapit sa kanya.
Simula nung nagkausap kami sa parke ay mas naging close na kaming dalawa. Mabait naman pala si Julian at makulit rin. Nakita ko ang mga pagbabago niya hindi tulad noon.
"Ikaw pala, Julian. Bakit ka napadpad dito sa building namin?" Tanong ko. Napakamot naman siya sa batok niya at umiwas ng tingin sa akin.
"H-hinanap ko kasi talaga ang bagong klase mo. Nilipat ka na raw sa all girls section sabi ng mga kaklase natin kaya nandito ako. Bakit ka nga pala lumipat sa all girls section?" Tanong niya.
"Ah kasi.. 'yon ang gusto ng family ko e," sagot ko nang hindi makatingin. Tinignan naman niya ako nang may pagdududa.
"Gusto ng family mo? O, gusto lang ng boyfriend mo?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya. May alam kaya siya?
Umiling ako na kinakabahan. "Hindi. Family ko lang talaga ang may gusto na ipalipat ako dito."
Mukha namang hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero hindi na siya muling nagtanong pa.
"Sige, Julian. Baka hinahanap na ako ni R-Russel. Mauuna na ako." Paalam ko. Nagbow ako sa kanya at akmang aalis na sana nang bigla siyang magsalita.
"Kapag hindi mo na kaya 'yung mga ginagawa niya sa'yo, nandito lang ako, Alanis at tutulungan kita sa lahat." Napahinto ako at napaluha.
Tama si Julian, obsessed na sa akin si Russel. Habang tumatagal ang relasyon namin ni Russel ay mas lalo niya akong pinaghihigpitan pero hindi ko siya magawang iwan dahil alam ko ang hirap na pinagdaanan niya at ang masamang nakaraan niya.
Tuluyan na akong umalis at nagpunta sa Editorial Room kung saan nandoon si Russel.
Pagkapasok ko sa loob ng Editorial Room ay naabutan ko silang nag-uusap ni Mark na Student School Vice President. Nang mapansin nila ako ay napatingin sila sa akin.
Lumapit ako kay Russel habang ramdam ko na nakatingin pa rin sa akin si Mark. Hinapit ako ni Russel sa baywang ko at hinalikan ng mabilis na ikinailang ko naman.
"Pwede ka nang lumabas, Mark tutal ay tapos na tayong mag-usap." Malamig na sabi ni Russel kay Mark.
Tumango lang si Mark at bumaling sa akin. "Lalabas na ako, paalam sa inyo." Tumango at ngumiti ako sa kanya at pagkatapos nun ay umalis na siya.
Bigla naman akong tinulak ni Russel palayo na ikinagulat ko.
"Ano bang problema mo, Russel?" Sabi ko na halatang nagulat sa ginawa niya.
Nagulat pa akong lalo nang hinampas niya ng malakas ang desk niya.
"Anong problema ko? Bakit mo nginingitan si Mark at mukhang nagpapacute ka pa? Bakit? May gusto ka ba sa kanya?!" Sigaw niya at hinampas ulit ng malakas 'yung desk.
Madilim ang mukha niya at mukhang parang papatay na siya ng tao pero hindi ito ang tamang panahon para matakot ako kay Russel dahil wala naman akong ginagawang masama.
"Ano bang sinasabi mo? Wala akong gusto kay Mark! Nginitian ko lang siya bilang sign of respect dahil Student School Vice President siya ng YGA!"
Napaigting naman ang kanyang panga at hinawakan ang braso ko nang mahigpit. "A-aray Russel.. nasasaktan ako!" Daing ko.
Napaiyak na ako. Sobra na ang ginagawa niya sa akin.
"Ayokong may iba kang nginingitian bukod sa akin. Gusto ko na ako lang ang ngingitian mo ng ganon. Wala akong pakialam kung Student School Vice President man siya ng YGA dahil ako pa rin ang mas angat sa kanya. Naiintindihan mo ba, Alanis?"
Tumango na lang ako habang umiiyak. Padabog naman niyang binitiwan ang braso ko saka nito inayos ang mga gamit niya at inilagay sa bag niya.
"Sabi nga pala ng kuya mo na doon na raw ako magdinner sa inyo kasama ang mga magulang mo. Mamemeet ko na rin sa wakas ang papa mo." Ngumiti siya at inakbayan ako.
Hindi ako makapagsalita. Ano bang nangyayari? Tama pa ba 'to? Wala akong nagawa kundi sumunod na lang kasama si Russel pauwi ng bahay.
Naabutan namin sila kuya Travis, mama at papa na nakaupo sa dining table na may nakahanda nang mga pagkain. Si kuya ay tahimik lang habang si papa naman ay matiim na nakatingin kay Russel. Ni walang ekspresyon ang mukha niya.
"Nandito na pala kayo. Russel, hijo maupo ka. Ikaw rin, Alanis at tabihan mo na 'tong gwapo mong boyfriend." Magiliw na bati sa amin ni mama at inaya kaming maupo.
"Salamat po, tita." Magalang na bati naman ni Russel. Ngumiti lang si mama sa kanya at inasikaso na kami.
"So, ikaw pala ang boyfriend ng anak ko. Alam mo naman na minor pa lang si Alanis at ikaw naman ay nasa tamang edad na. Bakit sa dinami-rami ng babae diyan ay ang anak ko pa ang pinuntirya mo?" Natahimik kaming lahat sa sinabi ni papa.
Ni wala man lang bakas ng pagkatakot si Russel sa papa ko at ngumiti lang ito. "Alam ko po na mas bata sa akin si Alanis ng dalawang taon at marami nga pong mga babae diyan pero sa kanya po ako natamaan, e. There's something in your daughter, Mr. Vien na nagustuhan ko. At alam niyo po ba kung ano 'yon?"
Napakunot naman ang noo ni papa. "Ano?"
"Her acceptance. Ulila na po ako at wala nang pamilya. Lumaki po akong tumatayo sa sarili kong mga paa. Marami na po akong napagdaanan na hirap at sakit na nangyari sa buhay ko pero sa lahat nang 'yon ay tinanggap pa rin ako ni Alanis at pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa, na may karamay at magmamahal pa pala sa isang katulad ko. Bakit sa dinami-rami ng babae ay siya pa ang pinuntirya ko? Because she's an extraordinary and she's a gift for a man sent from the above, Mr. Vien at maswerte kayo na anak niyo ni Mrs. Vien si Alanis."
Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Russel at napaawang ang bibig.
Hindi ko maintindihan pero biglang bumilis na lang ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Dad nodded. "You're really a tough and smart man, Russel."
"Thanks, Mr. Vien,"
"Call me Tito Derick na lang." Nagulat naman si Russel sa sinabi ni papa at napatingin sa akin.
I smiled.
"May pasuspense at paenglish-english ka pang nalalaman diyan Derikto eh tatanggipin mo rin pala si Russel para sa anak mo!" Kunwaring naiinis na sabi ni mama.
Tumawa lang si papa at inakbayan si mama. "Sorry na, ma. Pinabilib ako ng boyfriend nitong anak mo, e."
When I look again at Russel ay nakatingin lang siya kina mama at papa at napayuko ito.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong. Tumango naman siya habang nakayuko pa rin.
"Naiinggit lang ako sa inyo. Masaya ang pamilya niyo, nagmamahalan kayo samantalang ako, ni hindi ko man lang 'yon naranasan sa pamilya ko."
Nakapagdesisyon na ako. Titiisin ko ang lahat ng sakit at paghihigpit sa akin ni Russel para lang sa kanya. Lahat ng hindi niya naranasan ay ipaparanas ko sa kanya. I will stay by his side no matter what dahil sa tingin ko ay.. mahal ko na siya.
"Pwede mo naman maging pamilya ang pamilya ko. Tignan mo nga oh? Gusto ka nila para sa akin." Nakangiti kong sabi.
He look at me at nakita ko na naluluha na siya then he hugged me.
"Thank you for coming into my life, baby. I love you so much..."
I love you too, Russel but it's not the right time to say that dahil gusto ko na masabi ko na iyon sa oras na marealize mo na hindi paghihigpit ang kailangan mo para manatili ako sa tabi mo kundi ang pagtitiwala lang at ang pagmamahal mo.
THIRD PERSON'S POV
Nakatingin lang si Travis sa magkasintahan at napaisip.
"I need to protect Alanis from this guy even if it kills me. This guy is an obsessed guy pretender."