LARA'S POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang itigil ang relasyon namin ni Uste dahil kung ipagpapatuloy ko pa ito ay mas masasaktan ko lang siya pero, nung sinabi niya sa akin na magpapakamatay siya kung iiwanan ko siya ay nagdalawang-isip na ako.
Alam ko kung gaano ako kamahal ni Uste at pinaglaban niya ako sa lahat kahit pa sa pamilya niya. Dalawang taon na ang relasyon namin pero hanggang ngayon ay si Travis pa rin ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit e, parang wala na rin namang pakialam sa akin si Travis.
Kung natuturuan lang sana ang puso na mahalin ko 'yung isa ay matagal ko nang ginawa.
"Lara, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan girl," Tanong sa akin ni Inah.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Gio at gumagawa ng Group Project namin. Kasama rin namin ang isang kagrupo namin na si Kiyo.
Napatango lang ako habang tinignan naman ako ni Gio nang may pagdududa na busy sa pagsusulat sa isang Manila paper.
"Okay lang ako, Inah. Napagod lang ako sa dami ng mga projects natin." Sumang-ayon naman si Kiyo sa sinabi ko at inunat nito ang mga braso niya.
"Sinabi mo pa, Lara. 'Yung matandang hukluban kasi na 'yon, pinapahirapan pa talaga tayo!" Natawa naman kami sa sinabi ni Kiyo.
Strict at masungit kasi ang teacher namin sa Science at matandang dalaga pa kaya palagi na lang ito inaasar ng kung anu-ano ng mga kaklase namin.
"Oo nga, parang hindi niya naranasan maging high school student!" Reklamo pa ni Inah.
Napatawa na lang kami ni Gio. Pagkatapos ng mahabang oras sa wakas at natapos na rin ang Group Project namin. Nauna nang umuwi sila Kiyo at Inah dahil may importante pa raw silang pupuntahan habang ako naman ay nandito pa rin sa bahay nila Gio at siya na lang daw ang maghahatid sa akin pauwi.
Medyo malayo na rin kasi ang bahay nila sa amin nila Inah dahil lumipat na sila dito sa isang Exclusive Subdivision. May kaya ang pamilya nila Gio. Noon kasi ay magkakapit-bahay lang kaming apat nila Alanis at Inah.
"Kumain ka muna, Lara." Alok ni Gio at may nilapag na pagkain ito sa study table na ginagamit namin kanina sa paggawa ng project.
"Salamat, Gio. Sina Tito at Tita pala?" Tanong ko at sumubo ng spaghetti.
Tumabi naman siya sa akin at uminom ng drinks na kanina pa namin binili bago gumawa ng project. "As usual, nasa trabaho." Tumango na lang ako at hindi na siya muling nagsalita pa.
Giovanni is a quiet-type of guy. Gwapo at matangkad rin ito kaya marami siyang mga fangirls sa school namin. Bibihira lang magsalita at medyo malihim rin. Mabait, matalino, gentleman at mapagkakatiwalaan siyang kaibigan. He's also a good observant at alam niya kung nagsisinungaling ba kaming mga kaibigan niya o hindi. Alam niya noon pa man na si Travis na ang mahal ko at hindi si Uste.
Travis is my first boyfriend at lihim lang dati ang relasyon namin dahil ayokong masaktan ang damdamin ni Uste. Mga bata pa lang kami ay alam kong mahal na ako ni Uste, pero si Travis lang talaga ang mahal ko. Travis and I broke up dahil ayaw na niyang ilihim pa ang relasyon namin sa lahat pero ako ay gusto ko pa rin isikreto iyon dahil kay Uste.
Kasalanan ko naman kung bakit wala na kami ni Travis pero ayokong may masaktan pa nang dahil sa akin. Naging kami ni Uste dahil nga sa "awa" ko sa kanya. Palagi niya kasi akong sinusuyo at sinasamahan sa lahat ng mga problema ko. Malaki rin ang utang na loob ng pamilya ko sa kanya dahil tinulungan niya kami sa pambayad para sa pagpapagamot sa bunsong lalakeng kapatid ko na si Lance na nagkasakit ng lung cancer.
Ayaw sa akin ng pamilya niya dahil iniisip nila na Gold Digger raw ako at pera lang ni Uste ang habol ko pero pinaglaban ako ni Uste hanggang sa napapayag na rin niya na tanggapin ako ng pamilya niya pero ang kapalit nun ay sa Maynila na siya mag-aaral ng high school. Wala naman siyang ibang nagawa kundi tanggapin na lang iyon basta ay palagi niya akong dadalawin sa Masbate every weekends.
Nakita ko kung paano ang paghihirap na tiniis niya para lang sa relasyon namin. Ayoko siyang masaktan dahil mabuti siyang boyfriend sa akin at higit sa lahat ay mahal na mahal niya ako.
"How about you and Uste?" Biglang pag-imik ni Gio.
Natahimik ako at napayuko.
"Ayoko siyang saktan, Gio. He loves me so much at nakita ko ang lahat ng paghihirap niya para lang sa akin." Malungkot kong sabi. Tumango naman siya.
"Pero sa tingin mo ba ay hindi mo rin sinasaktan ang taong mahal mo talaga? May masasaktan at masasaktan talaga kung nagmamahal ka pero ang palagi mong pipiliin ay 'yung taong alam mong mahal ka at mahal mo rin."
Natamaan ako sa mga sinabi niya dahil tama siya.
Bahala na kung ano ang mangyayari sa amin ni Uste basta ay maging tapat na ako sa sarili ko at hindi ko na masaktan pa ang taong mahal ko.
Ngumiti naman ako. "Pipiliin ko na ang kung ano ang tama. Salamat, Gio." Ngumiti rin siya at muling uminom ng drinks niya.
Maswerte si Alanis at gusto siya ni Gio. Napakabuting tao ni Gio at alam niya ang tama sa mali kaso nga lang ay ubod ito ng pagkatorpe kaya naunahan na ng iba.
Sana nga talaga ay si Alanis at Gio na lang ang nagkatuluyan kaso hindi na pala pwede.
"Talaga bang hindi ka na aamin ng nararamdaman mo para kay Alanis?" Napahinto siya sa tanong ko at ngumiti saka umiling.
"I don't want to ruin her happiness. Masaya na ako kung saan siya masaya. Love is sacrificing, Lara."
Sana ay ganitong lalake na lang ang pinili mo, Alanis. Yung rerespetuhin ka at bibigyan ka ng kalayaan kung saan ka masaya dahil mahal ka niya.