Chapter 16

1899 Words
ALANIS' POV Sabado na at naghahanda kami ng mga pagkain ni mama para kina Lara at Gio. Si Uste na lang ang sumundo sa kanila sa airport at hindi na ako sumama para matulungan ko si mama sa paghahanda. Ito na rin ang time na ipapakilala ko si Russel sa pamilya at mga kaibigan ko. Sobra talaga akong kinakabahan sa mangyayari mamaya. Paano kung ayaw nila kay Russel? Pero dapat ay maging positive lang ako. Nang makarinig ako ng doorbell ay patakbo akong lumabas ng bahay at nagpunta sa may gate. Binuksan ko ang gate namin at bumungad sa akin sila Uste, Lara at Gio. Kaagad ko namang niyakap si Lara. "Nakakamiss ka, Lara!" Sabi ko na parang maiiyak na. "Dalawang linggo palang ang nakakalipas pero namimiss ko na rin ang pagmumukha mo!" Matawa-tawa namang sabi nito. Kumalas ako sa yakapan namin and I pouted. "Hindi mo ba ako namiss?" Napatingin naman ako sa nagsalita at si Gio iyon. Niyakap ko rin siya and he hugged me back. "Mas lalo ka yatang gumagwapo, Gio? May pinopormahan ka na siguro, no?" Puna ko sa kanya. Gwapo si Gio, maraming nagkakagusto sa kanya doon sa eskwelahan namin sa Masbate pero nagtataka lang ako dahil ayaw niya pang magkagirlfriend. Siguro ay mas priority niya ang pag-aaral muna. "Wala naman. Gwapo lang kasi talaga ako Alanis." Pagyayabang pa niya. Natawa na lang ako. "Oo na gwapo ka na. Tara at pumasok na tayo sa loob." anyaya ko at pinapasok na sila sa loob ng bahay namin. Nakaakbay pa si Uste kay Lara habang papasok kami sa loob. Sus! Para namang mawawala sa kanya ang girlfriend niya kung makaakbay siya. Nasa may sala na kami at kaagad na sinalubong sila ng yakap ni mama. "Lara and Gio, I'm glad na napasyal kayo dito." sabi ni mama. "Opo, tita. Dumalaw lang po kami dahil namimiss na namin si Alanis." sagot ni Lara. "Habang nandito kayo ay i-enjoy niyo itong Maynila, ha?" banggit pa ni Mama. "Opo, tita." sagot naman nung dalawa. Tumunog naman bigla ang cellphone ko at nakareceived ako ng isang text mula kay Russel. Russel: Baby, nasa labas na ako ng bahay niyo. Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. This is it at wala nang atrasan pa! Lumabas muli ako at nagpunta sa may gate namin at pinagbuksan si Russel ng gate. He's wearing a color navy blue shirt and pants. Kahit simple lang siyang manamit ay malakas pa rin ang dating niya. Ngumiti ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Napansin ko naman na may dala itong kahon na pula at may ribbon pa. May dala rin siyang pulang rosas. "Ano 'yang dala mo?" Tanong ko. Niyakap naman niya ako sa bewang ko. "Cake. Binake ko para sa'yo at sa mama mo." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Marunong ka rin palang magbake?" tanong ko. He nodded. "I learned it from Culinary and Pastry Club ng YGA. Madali lang naman. Gusto mo turuan kita next time magbake?" nakangiti niyang suggestion. Nabuhayan ako sa sinabi niya. "Talaga? Sige!" Masayang sabi ko. "Para nga pala sa'yo." Sabay abot nito ng pulang rosas sa akin. "S-Salamat." Tinanggap ko naman ito at alam ko na pulang pula na ang mukha ko dahil sa kilig. Pumasok na kami ni Russel sa loob at hinawakan nito ang nanlalamig kong kamay. Kinakabahan and at the same time ay excited na rin ako dahil makikilala na ni mama si Russel. Wala si Kuya Travis ngayon dahil nasa meeting pa sila ng org nila sa bagong school niya pero namaya ay uuwi rin siya. Si papa naman ay nasa trabaho pa nito at bukas pa iyon makakauwi. Nang nasa may sala na kami ay napatingin sa amin ang lahat na nakaawang ang mga bibig lalo na si Uste. "Nandito ka pala Russel," Sabi ni Uste at nilapitan kami. Tumango ito at bumaling kila mama. "Good afternoon po, Mrs. Vien." Tumango si mama at nginitian si Russel. "Jusko! Ang gwapo mo namang binata at matangkad pa. Kaklase ka ba ni Alanis?" Namamanghang sabi nito at tila kinikilatis si Russel. "Opo. Boyfriend po ako ni Alanis. Ako po pala si Russel Madrid." Lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Russel. "B-boyfriend ka ng anak ko?" Mama na nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa gulat. "Opo Mrs. Vien," sagot ni Russel. "Call me tita Alyssa na lang, Russel." sabi ni mama at nakikita ko na tuwang-tuwa siya kay Russel. Mabuti na lang kung ganon pero sana ay magustuhan rin siya nina papa at kuya Travis. "Sige po, Tita Alyssa." sabi ni Russel. Napatingin naman sa akin si mama at kaagad na hinampas ng malakas ang braso ko. "Aray, ma! Ano 'yon?" Sabi ko at hinihimas ang braso kong hinampas niya. "Ikaw na bata ka! Hindi mo man lang sa amin sinabi na may boyfriend ka na." Nagtatampong sabi nito. "Sorry na po." sabi ko at napakamot na lang sa ulo ko. Napatingin ako kay Lara at tinaasan ako nito ng kilay at si Gio naman ay napaiwas ng tingin sa akin. "Para po pala sa inyo." Sabi ni Russel at inabot ang box na may lamang cake kay mama. "Salamat, hijo. Sa dining area na tayo tumuloy at para matikman ninyo ang mga hinanda naming pagkain ni Alanis." Sinundan namin si mama hanggang narating na namin ang dining area. Naupo naman kami sa dining table. "Ang dami niyo naman pong hinanda tita, parang may fiesta!" Bigkas ni Lara at napatingin sa mga pagkain na nakahanda sa lamesa. "Nako hija, talagang pinaghandaan namin ni Alanis ang pagpunta niyo rito pero itong anak ko ay hindi man lang sinabi na bibisita dito ang boyfriend niya kaya hindi namin nadagdagan ang handa." Parinig pa sa akin ni mama. "At hindi rin po sinabi sa amin ng anak niyo na may boyfriend na pala siya." sabi ni Lara at tinaasan na naman ako nito ng kilay. Napayuko naman ako. "It's not Alanis fault. Alam ko po na biglaan na naging kami pero I really love your daughter po talaga, Tita Alyssa." Russel said at hinawakan niya ang kamay ko. I smiled at him. I can feel na mahal niya talaga ako. I like him pero hindi ko pa masasabi kung mahal ko na ba siya pero darating naman siguro 'yung time na magiging mahal ko na siya, di'ba? "Its okay, Russel. Wala naman kasi sa aking problema kung may boyfriend na si Alanis pero siyempre dapat pag-aaral pa rin ang unang priorities niyo. Nagkakalinawagan ba tayo?" sabi ni Mama. Tumango naman si Russel doon at ngumiti. "Opo, tita. Hindi ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko and I think si Alanis din po. Sa katunayan nga po ay Student School President ako ng eskwelahan namin at running for Valedictorian rin po ako next year." Napatakip naman si mama sa kanyang bibig at napatili sa sinabi ni Russel. "Talaga? Wow! Ang talino mo naman pala. Kaya mas lalo kitang nagugustuhan para kay Alanis. Sigurado akong magiging good influence ka sa kanya." nakangiti niyang sabi. Tama si mama. Matalino at masipag na tao si Russel at sigurado ako na mapapabuti ako sa mga kamay niya. "Salamat po." Pasasalamat ni Russel. "Oh siya, kumain na tayo at baka lumamig na ang pagkain. Kumain kayo ng marami ha?" sabi ni mama sa aming lahat. "Opa, tita." Tugon naman nila. "Mukhang gusto ka talaga ni mama para sa akin." Sabi ko kay Russel habang kumakain kami. "Oo nga, e. Mabait naman pala ang mama mo and she's cool too." Sabi nito. "Cool kahit isip-bata!" Natatawang sabi ko. Ngumiti naman siya dahil do'n. "Nasaan nga pala ang kuya at papa mo?" Tanong ni Russel. "Si kuya Travis ay nasa university pa nila. Mamaya ay pauwi na rin 'yon pero si papa ay bukas na makakauwi dahil busy 'yon sa trabaho niya." sabi ko. Tumango naman ito. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami ulit sa sala. Si mama naman ay siya nang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Katulong niya sa pagliligpit si Uste. Nag-insists nga kami ni Russel na tumulong sa kanila pero ayaw nito at sinabi na asikasuhin ko na lang raw sina Lara at Gio. "Pwede ka bang mag-explain sa amin, Alanis?" Tanong ni Lara na katabi lang ni Gio sa sofa. Alam ko na nagtatampo sa akin itong si Lara dahil hindi ko sinabi sa kanila na may boyfriend na ako. Nabigla sila doon, kahit ako nga rin ay naguguluhan at hindi ko alam kung bakit ako napasok sa sitwasyon na ito. Nakontrol ba ako ni Russel? Pero hindi rin kasi ginusto ko din ito. "Lara, boyfriend ko na si Russel at sana ay matanggap niyo siya. Alam kong nabigla kayo sa nalaman niyo pero gusto ko talaga siya." I said. Napatingin naman ito kay Russel na walang ekspresyon ang mukha. "Do you really love Alanis?" "I love her so much." Agad na sagot Russel. Lara suddenly look at Gio na nakayuko lang. "Mag-uusap lang kaming dalawa ni Alanis. Dito lang kayong dalawa." Sabi ni Lara at hinatak na ako papunta sa kwarto ko. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? THIRD PERSON'S POV Naiwan sa sala sina Russel at Gio. Nakatingin lang ang binatang si Russel sa nakayukong si Gio. "May gusto ka ba kay Alanis?" Tanong ni Russel na ikinalingon naman ni Gio sa kanya. Magkaharap lang rin sila ng upuan. "Bakit mo tinatanong sa akin 'yan?" Tanong naman ni Gio at tila nayayabangan sa tono ng pananalita ni Russel. Napangisi si Russel at pinagkrus nito ang mga kamay niya. "Halata ka kasi. Akala mo ba hindi ko napapansin na tumititig ka kay Alanis kanina pa? Ah, hindi ba't kaibigan ka lang niya?" Napahinga si Gio ng mabilis at tila nainsulto ito sa mga sinasabi ni Russel. "So what if I like Alanis? At sandali lang, parang dalawang linggo pa lang kayong magkakilala tapos naging girlfriend mo na ang kaibigan namin? Kilala namin si Alanis dahil priority niya muna ang pag-aaral niya bago siya pumasok sa isang relasyon." Kilalang-kilala ni Gio ang dalaga. Ilang ito sa mga lalake lalo na sa mga manliligaw nito sa Masbate. Siya lang ang lalakeng kaibigan ni Alanis na malapit sa kanya kaya nagtataka siya kung bakit may boyfriend na ito dito sa Maynila sa loob lang ng dalawang linggo e, alam naman niyang mas focus ito sa pag-aaral kaysa ang magkarelasyon. Kaya nga pati siya ay single rin dahil umaasa siyang mapansin ni Alanis. Napaigting ng bagang si Russel sa mga sinabi ni Gio at pakiramdam niya ay aagawin na sa kanya si Alanis. Pinilit niyang kumalma kahit nanginginig na ang mga kamay niya sa sobrang galit. "Well, pasensya ka na at hindi ka niya gusto kaya hanggang kaibigan ka lang niya at dahil girlfriend ko na ang kaibigan mo ay wala ka nang magagawa kung naging kami na. Huwag ka na ring umasa kay Alanis dahil gusto niya ako." Hindi makapaniwala si Gio sa mga pinagsasabi ng binata. Hindi niya akalain na ubod ng pagkamayabang at nagmamabait lang sa harapan nila ang naging boyfriend ni Alanis. Student President nga raw siya ng school nila at running for Valedictorian pa pero bakit ganito ang inaasal nito? Parang wala itong manners kung kausapin siya. Hindi na lamang umimik si Gio dahil baka kung ano pa ang masabi niya at masaktan si Alanis kapag nalaman ito kaya umalis na lang siya sa harapan ni Russel. Napangisi na lang si Russel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD