LARA'S POV
Hinila ko si Alanis paakyat sa kwarto niya kahit hindi ko naman alam kung nasaan iyon.
"Nasaan ang kwarto mo?" Tanong ko habang hila-hila ko pa rin siya.
"Sa kabila lang sa left side." Sagot naman niya.
Nang marating na namin ang kwarto niya ay kaagad ko siyang hinila papasok at isinara ang pintuan. Pinameywangan ko naman siya.
"Hoy babae! Ano 'tong sinurpresa mo sa amin? Dalawang linggo ka palang dito sa Maynila pero may boyfriend ka na?" Nakataas-kilay kong tanong.
Nagtatampo ako kay Alanis. Hindi man lang kasi niya sinabi sa aming mga kaibigan niya ang tungkol dito. Lalo na kay Gio.
Nakita ko sa mga mata niya kanina na nasaktan siya dahil may boyfriend na pala ang babaeng matagal na niyang gusto.
Napayuko si Alanis. "Sorry, Lara.." Tanging nasabi na lang niya.
Sa totoo lang ay nayayabangan ako sa Russel na iyon lalo na nang ipagyabang pa niya kay tita Alyssa na Student School President raw siya ng school nila at running for Valedictorian rin.
Bestfriend pa pala niya si Uste dito sa Maynila pero kahit na gwapo at matalino siya ay hindi ko pa rin maiwasan na magduda sa lalakeng iyon.
Paanong naging sila na kaagad ng kaibigan kong napaka conservative at ilang sa mga lalake bukod kay Gio?
Napailing nalang ako. "Tell me, do you really like him?"
"Y-Yes." Hindi pa rin niya makatinging sabi sa akin.
I sighed. I guess wala naman akong magagawa kung gusto niya talaga ang lalakeng iyon. Hindi ko lang talaga maiwasan na magduda sa Russel na iyon dahil hindi ko pa siya lubusang kilala para sa kaibigan ko.
I hugged Alanis na ikinagulat niya. "Nagtatampo lang naman ako e, hindi mo kaagad sinabi na dito ka pala sa Maynila magkaka boyfriend pero kung saan ka masaya ay do'n na rin ako." sabi ko. She hugged me back.
"Thank you for understanding me Lara,"
Kumalas na kami sa yakapan namin at umupo sa side ng kama niya. Mas minabuti ko na muna na huwag nang magtanong tungkol kay Russel, saka na lang siguro kapag okay na ang kutob ko sa kanya.
"Kailan kayo uuwi ni Gio? Mas maganda sana kung magstay pa kayo dito ng mas matagal." tanong ni Alanis.
"Uuwi na rin kami mamayang gabi para makahabol pa kami sa flight pabalik sa Masbate. Nasa bahay pa nila Uste ang mga gamit namin. Nagpunta lang naman kami dito para makita ka." Nagpout na naman siya.
"Ganon ba? Ang bilis naman! Mamimiss na naman kita niyan!" Maluha-luha nitong sabi.
"Ano ka ba, Alanis! May Skype at sss Live naman kaya magkikita pa rin tayo."
"Pero mas maganda 'yung personal!"
Pinipigilan ko lang na huwag mapaiyak. Ang layo na nga sa akin ni Uste pati si Alanis ay napalayo na rin sa akin pero kailangan kong maging matatag para sa amin. Balang araw naman siguro ay magkakasama na ulit kami palagi.
"Basta isipin mo na lang na nasa tabi mo ako, okay? Kung may problema ka just text or call me, para namang hindi pa ako nasanay." pagbibiro ko.
"Basta 'wag mo akong ipagpapalit bilang bestfriend mo, ha?" Alanis said.
"Oo naman. Huwag ka ngang madrama diyan!"
Napatawa na lang kami. Hindi na rin ako magtataka kung may nagkagusto kaagad kay Alanis dito sa Maynila and that is Russel. She's so adorable at mahirap siyang tanggihan dahil na rin sa cuteness niya. Subukan lang talaga niyang saktan si Alanis kundi ako ang makakaharap niya.
Bumaba na kami mula sa kwarto niya at nagpunta na ulit sa sala. Si Russel lang ang naabutan namin doon na nakasandal pa ang dalawang braso nito sa couch at parang at home na at home pa. He looks so happy dahil nakangiti pa ito. Napansin ko naman na wala si Gio.
"Where's Gio?" Tanong ni Alanis habang papalapit kay Russel at umupo na sa tabi nito.
Nagkibit-balikat lamang si Russel at hinapit ang baywang ng kaibigan ko. "Umalis bigla, hindi ko alam kung saan nagpunta."
"Hanapin ko lang si Gio. I'm sure na nandito lang siya. Hindi naman aalis 'yon nang hindi ako kasama." Sabi ko kay Alanis.
"Teka, sasama-" Bigla namang sumabat si Russel sa sasabihin pa sana ni Alanis.
"Samahan mo muna ako dito, baby. Wala akong kasama."
Wtf? Baby daw? Sanggol ba si Alanis para tawagin niyang baby? Tsk.
Ngumiti na lang ako. "Okay lang. Diyan lang kayo."
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Alanis at kaagad na akong umalis sa sala bago ko pa masapak ang boyfriend niya.
Halata namang napakapeke at nagpapakitang tao lang sa harapan namin!
Hinanap ko si Gio at nakita ko nga siya sa likod ng bahay na nakaupo sa may swing.
"Nandito ka lang pala," Sabi ko at umupo sa swing na katabi niya.
Napatingin siya sa akin pero binalik rin nito ang tingin niya sa malayo.
"Ginulat tayo ni Alanis. May boyfriend na pala siya." Sabi ko ng malungkot.
Ngumiti lang ito. "Kung kailan ko pa aaminin na gusto ko siya saka naman may iba na palang nagmamay-ari sa kanya."
Ramdam ko ang sakit sa tono ng boses ni Gio. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya ay masasaktan ako.
"Hindi ko gusto ang Russel na 'yon para sa kaibigan natin." I tell frankly.
"Pero si Alanis na mismo ang nagsabi na gusto niya ang lalakeng 'yon kaya wala na tayong magagawa." sabi niya ng malungkot.
Tama naman siya. Si Alanis lang ang makakapagdesisyon kung sino at ano ang gusto niya.
"Ikaw Lara, talaga bang mahal mo si Uste o napipilitan ka lang dahil sa effort na ibinibigay niya sa'yo kasi mahal ka niya?"
Napatahimik ako sa sinabi ni Gio. Mahal ko nga ba si Uste? Pero oo naman, hindi ba? Kaya nga nagtagal kami ng dalawang taon dahil pinaglaban niya ako sa mga magulang niya kahit kami ng pamilya ko ay average lang ang pamumuhay at sila naman ng pamilya niya ay mayaman.
I fake my laugh. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Magtatagal ba kami kung hindi?"
Napailing naman siya. "Oo o hindi lang pero iba ang sinagot mo. Matagal na kitang kilala Lara, mga bata pa lang tayo nila Alanis at Inah ay alam ko na kung nagsisinungaling kayo o hindi." He look at me at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"When we we're young, alam ko na kung sino ang gusto mo. Why are you hiding your feelings for him?"
"Stop it, Giovanni! M-Mahal ko si Uste."
Napangisi siya. "You can fool everybody but you can't fool me, Lara. Sana maging tapat ka na sa sarili at damdamin mo. Sinasaktan mo si Uste sa ginagawa mo. We all knew that he loves you so much but this time, 2 years is enough. Hindi kailangan ni Uste ang awa mo. Piliin mo ang nasa puso mo at hindi 'yang awa na nasa utak mo." Bigla ay tumayo na si Gio at iniwan ako.
Hindi ko na napigilan pa at napaiyak na ako. Gio is a smart and good observant. He really knows me. Siguro nga tama siya, sinasaktan ko lang si Uste at tama na ang dalawang taon.
Gagawin ko na ang tama kahit alam ko na masasaktan ko siya at pati na rin si Alanis.
"I'm sorry Tomas but I still love Travis.."
NEIL'S POV
Nandito ako ngayon sa park at hinihintay si Chloe. Salamat naman at pumayag na siyang makipagdate sa akin. Matagal ko na rin kasing hinintay ang pagkakataon na ito, ang mapansin ako ni Chloe.
Talagang nagpagwapo pa ako at inubos ang pabango ng tatay kong hapon para lang maging presentable ako ngayong araw sa harapan niya.
Nakita ko siyang papalapit na sa akin at halos napanganga ako dahil sa angking kagandahan niya. She's wearing a peach color dress and white stilletos. Kahit ano naman kasing suotin niya ay maganda pa rin siya pero sa usual na Chloe na masayahin at palaging nakangiti ay ibang Chloe ang nakikita ko ngayon. Kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.
Bakit naman kasi si Uste pa ang nagustuhan niya e, mas gwapo naman ako do'n?
"Hi, Chloe! Ang ganda mo talaga." Sabi ko nang makalapit na siya sa akin. Nakita ko na namula ito dahil sa sinabi ko.
"S-Salamat. Saan pala tayo pupunta?" Hinawakan ko naman ang kamay niya at inaya na siyang sumakay sa kotse ko na nasa tapat lang namin.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at sumakay na ito sa front seat. Umikot naman ako at sumakay na sa driver's seat.
"Sa Tagaytay." Sabi ko at pinaandar na ang kotse ko.
"Tagaytay? I want to go in that place but I'm always busy kasi kaya hindi ako makapunta doon." Napangiti ako.
Alam ko iyon. Nagtanong na ako kay Julian tungkol sa mga hilig at gusto ng kapatid niya kapalit ng pagbabakod ko sa self-proclaimed niyang girlfriend na si Alanis para hindi na malapitan pa ito ng ibang lalake sa YGA.
"I'm glad that I grant one of your wishes." Sabi ko at kinindatan siya.
She smiled. Sana palagi ka na lang ngumiti Chloe.
Halos ilang oras rin kami sa biyahe namin. Mabuti na lang at narating na namin ang Tagaytay. Sa may isang mataas na landfield park ko siya dinala. Nilatag ko na ang mat pati na rin ang mga dala kong pagkain na pinaluto ko pa sa chef namin sa bahay at drinks na nasa likod lang ng kotse ko. Matapos ay pinaupo ko na si Chloe sa mat.
Our view is breathtaking. Kaharap lang namin ang buong siyudad ng Tagaytay. I discovered this place dahil dito ako dinadala ni Mommy noong bata palang ako.
"Ang ganda naman dito." Sabi ni Chloe na nakatingin sa view namin. Nililipad ng hangin ang buhok niya na mas lalo pang nagpaganda sa itsura niya.
"Pero mas maganda ka," Banggit ko habang nakatitig sa kanya.
Napatingin ito sa akin.
"A-ah.. Salamat at dinala mo ako dito." Pag-iiba nito ng usapan at umiwas ng tingin sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Let's eat?" Pag-aya ko na lang.
"Okay,"
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Wala ni isang nagsasalita sa amin pero hindi pwedeng ganon na lang. I will tell my true feelings for her right now.
"You know that I like you since grade school, right?" pag-imik ko.
She nodded at nagpatuloy lang sa pagkain ng salad na alam kong paborito niya.
"Noon pa lang alam ko na hindi mo ako gusto dahil ang gusto mo ay 'yong mga lalakeng tahimik, matalino at cool pa and i'm the exact opposite of your ideal types. Gusto ko man na baguhin ang sarili ko para lang mapantayan ko ang mga standards na gusto mo sa isang lalake ay hindi ko ginawa, gusto ko kasi na magustuhan mo ako sa kung ano talaga ako at hindi 'yong pilit lang." I sighed.
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Chloe, hindi man ako kasing talino o cool ni Uste pero mahal na mahal kita simula noong mga bata pa lang tayo. I've always dream na sana mapansin mo rin ako. Please give me a chance to prove how much I love you..." Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya.
Napatingin siya sa akin na naluluha na.
"N-Neil.."
"Chloe, let me court you, please..." Buong pagmamakaawa kong sabi.
Bahala nang magmukha akong desperado basta lang mapatunayan ko na mahal na mahal ko siya.
Napaluha na ito at biglang binitiwan ang kamay ko. Para namang gumuho ang buong pag-asa kong binuo.
"I'm sorry but.. I can't. Si Tomas pa rin ang mahal ko.. I'm really sorry, Neil."
Sa hindi ko inaasahan ay may tumulo na luha sa mga mata ko at napakuyom ng kamao ko. Ang sakit!
"Ano bang meron si Uste na wala ako, Chloe? Bakit hindi mo ako magawang mahalin man lang? Sabihin mo!" Sigaw ko na mas lalo lang nagpahagulgol sa kanya.
"I-I'm sorry." Tanging nasabi lang niya.
Napangiti na lang ako ng mapait at niligpit na ang mga walang kwentang bagay na kinalat ko lang dito sa damuhan ng parke.
"Tara na, umuwi na tayo. Baka hinahanap ka na sa inyo." Sabi ko habang nagliligpit at hindi na siya tinignan pa.
"Neil.."
Hindi na lang ako sumagot at nang matapos na akong magligpit ay hinatid ko na siya pabalik ng Maynila.
This is my first heartbreak and yet siya lang ang unang babaeng tumanggi sa akin. Siguro nga ay hindi talaga kami para sa isa't-isa at tatanggapin ko na lang iyon kahit masakit.