Chapter 82 Simula ng araw na mamatay ang mga magulang ni Desa ay siya na ang namamahala ng buong witches island. Naging mabait naman siya sa kanyang mga mamaya, pero parte lamang iyon ng kanyang plano. May lalaki naman na umibig sa kanya, minahal niya ito at ibinigay ang lahat sa lalaki. Maging ang kanyang buong puso at kaluluwa, pero sa huli nalaman na lamang niya na ginagamit lamang pala siya nito para sa kagustuhan na maging kabiyak niya at maghahari sa buong witches island. Ang balak nito ay papatayin siya at aagawin sa kanya ang lahat niyang kayamanan. Kaya naman, si Desa, agad na gumawa ng paraan para patayin ang witch na lalaki. Simula nang mawala ang lalaki ay hindi na muling nagtiwala sa mga lalaking nagtangka siyang mahalin at asawahin. Naging mailap na siya sa mga ito, hanggang

