Chapter 83 Biglang lumakas ang hangin sa silangan nang magising si Elenor mula sa mahimbing na pagkakagising. Hindi niya alam kung anong oras na. natatandaan niya ang nangyari sa kanila kagabi ni Barguso. Kinukulit siya ng lalaki na pumasok sa kanyang silid kasama ito. Dahil nga palabas lamang ang kanilang pagiging asawa, hindi komportable si Elenor na may kasama sa iisang silid. Isa pa, lasing na lasing si Barguso, mukhang napasobra yata ito ng inom kaya’t kung anu-ano na ang naiisip na gawin sa buhay. Hindi na lamang nagpadala sa galit si Elenor, naaawa rin naman kasi siya sa asawa, idagdag pa na sobrang adorable nito habang nanlalambing sa kanya. Hindi niya mapangalanan ang emosyon na iyon, kaya naman sa huli hindi na niya natiis at pinapasok na lamang niya ang lalaki sa loob ng kanyan

