Nanatiling tahimik ang Empress sa tanong na iyon ni Elenor. Wala na siyang magagawa kung hindi nito sasabihin ang dahilan ng pagsisinungaling nito. Hindi niya alam kung saan niya ikabubuti ang paggawa nito ng kwento tungkol sa kanya. Hindi niya maintindihan ang lahat. Para siyang mababaliw sa kakaisip kung ano ang lahat at kung saan kokonekta iyon. “Ito ay para sa iyo, Elenor. Pinoprotektahan lang kita mula sa mga kalaban natin na masasama. Hindi ko alam kung sino sila, pero ang alam ko nasa paligid lang sila at handang sumalakay kahit na anomang oras. Ikaw ang kanilang pakay. Kaya hindi ko pinapahalata na ikaw iyon. Kaya kita pinapunta rito para maibigay ko sa iyo ang proteksyon na kailangan mo. Dahil nasa mundo ka ng mga tao, wala kang laban.” Nanatili siyang nakinig sa mga sinasabi n

