Pumasok ang tatlo sa lagusan. Hindi pa tinatanong nang mabuti ni Elenor sina Deco at Mosa. Gusto niyang maka-usap anh dalawa nang masinsinan. Kaya naman, dinala siya ng Mga ito sa kabilang parte ng gubat sa pamamagitan ng lagusan.
“Hindi namin aakalain na magagawa iyon ng Empress. Sobra na ang kasamaang tinataglay niya. Kailangan mo na siyang sugpuin, mahal naming tagapagligtas."
Napatingin siya kay Mosa nang sabihin nito iyon. Huminga siya nang malalim. “Ano ang magagawa ko para iligtas kayo? Ni wala nga akong kakayahan na kalabanin ang Empress."
“May magagawa ka kung gugustuhin mo," singit ni Deco habang seryosong nakatitig sa kanya.
“Saka na lang natin iyan pag-iisipan kapag handa na ako. Nga pala, saan na ang nga kasama ninyo? Bakit kayong dalawa lang?”
Nagkatinginan sina Mosa at Deco. Naging malungkot ang kanilang mga mata nang mapatingin sa kanya. Hindi mapigilan ni Elenor ang makaramdam ng awa sa dalawa. Kung ganoon, ang mga ito na lamang pala ang natira sa patay na gubat na ito.
“Kayo lang ang natira?” tanong niya bilang komperma sa mga nakikita niya.
“Kami na lang ang natira ni Deco. Tuluyan nang nawala ang mga kasama namin noong nakaraang ilang linggo. Halos araw-araw may namamatay at naglalaho. Hindi na lang namin namamalayan na namamatay na sila."
Kumuyom ang kamay ni Elenor. Hindi na niya maintindihan ang lahat. Magulo na para sa kanya ang mga nangyayari. Kung ito nga ay gawa ng empress na iyon, bakit? Ano ang dahilan nito para gawin iyon? May katotohanan ba ang mga ito?
Wala siyang mapagkakatiwalaan sa lupaing ito. Wala siyang dapat na asahan kundi ang sarili niya. Hindi dapat siya pwedeng pagkatiwalaan, maging itong si Deco at Mosa. Hindi niya alam kung nagsasabi ang mga ito ng totoo. Kung may katotohanan ba sa mga kwento na kanyang narinig.
Kung ganoon, kailangan na niyang mag-ingat sa susunod. Huwag agad siya magtitiwala sa iba. Kailangan niyang kilitasin muna ang nakapaligid sa kanya. Baka mamaya, pinaglaruan lang siya at lalong pinapagulo sa mga isipin at pangyayari.
Kung ang gusto ng enpress ay ang hanapin niya ang magical tree sa ibang mundo gagawin niya. Malalaman niya ang kasagutan oras na naroon na siya at gawin ang utos ng pinuno.
Huminga siya nang malalim at bumaling sa dalawang nakatitig sa kanya nang mataman. Hindi naman niya nakikitaan ang mga ito ng pagkakamali. Wala siyang makita na may magagawa ang nga ito na kasalanan. Pero hindi dapat siya umasa sa panlabas na pang-anyo. Kailangan niya pa ring mag-ingat.
“Aalis na ako at hindi na magtatagal. Alagaan ninyo nang mabuti ang patay na gubat na ito. Para sa pagbalik ko, makita ko na ang kagandahan nito.”
“Mag-iingat ka roon, Elenor. Hindi mo alam kung ano ang binabalak ng Empress. Hangad namin ang kaligtasan mo," ani Mosa habang nakatingin sa kanya ng mataman.
Tumango siya saka ngumiti. Hindi naman talaga niya hahayaan ang kanyang sarili. Isa pa may binabalak siyang gawin sa other world, oras na hanapin na niya ang magical tree.
Hindi na nagtagal pa sa patay na gubat si Elenor at agad na siyang nagpaalam kina Deco at Mosa. Nang makalabas na ng gubat ay agad siyang mabilis na bumalik sa condominium. Maaga pa siya bukas para harapin muli ang Empress. Iniisip pa lang niya ang nangyari sa pagitan nila ay umiinit na ang ulo niya.
“Ang tanda talaga na iyon,” naibulong niya sa kawalan habang nakatingin sa kisame.
Wala na siyang magagawa kundi ang matulog na lang. Bukas na lamang niya iisipin ang lahat.
***
Gaya ngang inaasahan nu Elenor, ipinatawag siya agad ng Empress sa tatlong sugo nito. Habang nasa corridor na sila papunta sa tower. Hindi niya maiwasan magtanong sa tatlong babaeng kasama.
“Nakapunta na ba kayo sa other world?"
Lumingon sa kanya ang tatlo, saka naman agad na bumaling sa unahan. Pero mahina na ang mga itong humakbang paakyat ng hagdan sa itaas.
“Oo, pero noong unang beses lamang bago kami naging sugo ng Empress. Bakit mo naitanong?” sagot at tanong ng babaeng may dilaw na buhok.
Hindi niya aakalain na ito ang sasagot. Saka wala naman siyang masamang naitanong sa mga ito. Gusto niya lang malaman kung ano ang nandoon, nang makapaghanda siya kung sakali.
“Huwag kang mag-aalala, hindi mo ikamamatay ang mundo na iyon. Walang mga nakatira roong nilalang. Mga hayop, halaman, bulaklak at mga puno ang naroon. Mga dagat, kabundukan, at kapatagan,” dugtong naman ng babae na may kulot na buhok.
Tumango siya bilang tugon sa mga ito. Kung ganoon, iyon pala ang other world na tinutukoy ng matandang empress. Bumuga siya nang malalim na hininga at hindj na ang mga ito pinansin. Hindi na rin ang mga ito nagsalita.
Mabilis silang nakarating sa tower. Binuksan agad ng bantay ang malaking pinto. Tulad ng una, nagpaiwan ang tatlo sa labas ng silid na iyon. Siya lamang ang pumasok. Muling sumara ang pinto. Nagsindihan ang mga kandila na wari bang may dumating.
Hindi nagkamali si Elenor. Ganoon naman talaga ang inaasahan niya sa empress. Mukhang naririnig nito ang kanyang damdamin at nababasa pa.
“Elenor, masaya akong makasama at makaharao ka rito. handa ka na ba sa una mong misyon?" salubong sa kanya ng Empress ba nakatayo na naman sa ibabaw ng mesa.
Bago pa siya ba makapagsalita inunahan na siya nito.
“Narito ang mga kasama mo na makasasama sa iyong misyon.” Tinuro nito ang direksyon kung nasaan sina Randal, Asora, Damien Adoe na nahubot-hubad at kailangan na iligtas.
“Hundi ko sila mapapakawalan hanggang hindi mo tumatanggap ang aking alok sa iyo,” mapang-hamon na sabi ulit ng Empress.
Wala nang magagawa pa si Elenor. Alam niyang wala naman na siyang pagpipian. Gagamitan at gagamitan pa rin siya ng Empress ng isang patibong. Hindi naman siya masama kaya hindi niya iyon magagawa sa mga taong mas malalapit sa kanya.
“Alam ko naman na gagawin mo ang bagay na ito, Tanda. Sabi ko, hindi mo na kailangan na gawin ang mga ito. tatanggapin ko naman ang misyon na ibibigay mo. Hahanapin ko pa rin naman ang magical tree.”
Napangiti ang Empress habang walang tigil sa pagpalakpak. Hindi na niya mamababawi pa ang nga binitiwang salita. Iyon nga lang wala na siyang magagawa dahil talagang nakatatak na sa empress.