Chapter 9 Barguso’s point of view Hindi ako makakilos habang nakatingin sa kisame. Naiwan kaming dalawa ni Elenor sa aking silid habang nag-iisip nang malalim. Alam kong wala na kaming kawala sa kapalaran na aming tinahak. Alam ko rin na magagalit ang kanang angkan sa aming mga dragon, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin sa mga oras na iyon ay gumaling na ako at muling manumbalik ang aking lakas. Si Elenor ang makatutulong para ako ay bumalik sa dati. Sa tulong niya’y lalakas ang aming angkan at kami ang kikilalaning pinajkamalakas na lahi sa mundo ng Verdona. Kailangan ko siya para maisakatuparan iyon. At iyon ang hindi ko ipapaalam sa kanya kung ano ang aking tunay na pakay. Baka malaman niya’y bawiin ang kanyang ipinangako sa akin na maging asawa siya at tutulungan akon ha

