Chapter 10 Barguso’s point of view Mabilis natapos ang seremonya ng aming kasal ni Elenor. Madali ang lahat, dahil walang naging hadlang. At iyon naman talaga ang usapan, pagkatapos na maanunsyo sa lahat ng aking mga ankan na ikinasal na kami ni Elenor at isa nang ganap nang mag-asawa ay siyang pagtatapos ng kasalan. Dumiretso ang lahat sa bulwagan. Nakaupo kami sa harap ng lahat habang walang tigil sa pagbati at pagngiti sa aking mga nasasakupan na dumalo. Napatingin ako kay Elenor nang bigla siyang magsalita. “Ganito ba talaga kapag ikasal? Hindi ko alam na kailangan pa lang makipagplastiakan sa kanila.” Bumuntonghininga ako sa aking narinig mula sa kanya. Kung anu-ano ang sinasabi ng babaeng ito. Kung bakit hindi na lamang siya makipagsabayan sa amin at mamaya na lamang kaming mag-

