Chapter 11 Hindi makapaniwala si Elenor sa approach na iyon sa kanya ni Barguso. Ramdam na ramdam niya ang respeto nito sa kanya. Hinawakan ni Barguso ang kanyang kamay habang papalabas ng bulwagan. Hindi mapigilan ni Elenor ang kabahan sa maaaring mangyari mamaya, oras na magpalit ng anyo ang kanyang asawa. Wala nang mga panauhin sa labas. Hindi alam ni Elenor kung an o ang gagawin sa mga oras na iyon. Gusto niyang sabihin ang lahat nang plano niya kay Barguso pero hindi niya magawa. Kailangan niya ang kapangyarihan nito at ang lakas para isakatuparamn niya ang matagal na niyang binabalk. Kaya nga siya, puamayag para maging asawa nito para roon. Para mabawi niya ang mga magic poison na ginawa niya at ang kanyang apprentice na si Alesa. Gusto niya ring malaman kung sino ang sa likod ng

