Chapter 12
Nakamukmok sa isang sulok ang batang si Elenor, habang taimtim na nagbabasa sa isang libro na walang pamagat. Palat lamang ang tanging makikita at kahit ni isa man lang na simbolo ay wala. Kaya naman hindi malaman ng kung sino ang mapatingin sa kanya kung ano ang libro na kanyang binabasa. She didn’t care with others, gusto niyang maturto sa mga oras na iyon. Wala siyang pakialam sa mga iba pang bata na niyayaya siyang maglaro sa witch harden.
Marami ang nage-ensayo na mga bata sa harden. Pinapamalas ang kanilang mga kapangyarihan, kasama ang mga magulang. Hindi maiwasan ni Elenor ang makaramdam ng inggit sa kanyang ibang mga kasama. Kahit ilang beses pa siyang yayain ng kanyang mga kasama roon, hindi pa rin siya umaalis sa kanyang pwesto.
Hanggang sa lumipas ang maghapon ay nanatilin pa rin siya roon, walang nagtangka simula nang araw na iyon na lumapit sa kanya,. Tinuring siyang iosang loner at masama nang araw na iyon. Kaya naman wala na sa kanyan g nakipagkaibigan na mga bata at iwas na sa kanya ang ilan. Magmula noon, sinanay ni Elenor ang sarili na mag-isa na sa buhay.
Hindi na siya umaasa sa iba. Kumulong siya sa knyang bahay, at ginugol ang oras na mag-aral ng isang powerful black magic na itinuro rin sa kanya ng kanyang mga magulang. Napahinga nang malalim si Elenor ng mga oras na iyon habng nakatitig sa buwan. Gabing-gabi na at hindi siya makatulog, nangungulila siya sa mga yakap ng kanyang mga maguylang. Ang mga ngiti at mga pangaral nito sa knya. Hindi malaman ni Elenor kung hanggang saan ang makakaya niya na hindi ang mga ito na makita.
“Ina, ama, nasaan kayo? Bakit hanggang ngayon wala pa rin kayo? Saan kayo nagpunta? Ano ang nangyari sa inyo? Bakit hindi pa rin kayo bumabalik? Iniwan niyo na ba akong mag-isa sa buhay? Hindi na ba ninyo ako nahal?” kausap niya sa buwan, kahit sa pamamgitan lamang n’on ay maka-usap niya ang mga ito.
Iyon kasi ang madalas na bonding nila noong kasama pa niya ang mga magulang. Sinabi ng kanyang ina na kausapin lamnang niya ang buwan kung ano ang kanyang nartaramdaman at makararating ito sa mga taong gusto niyang pagsabihan. Pero ilang beses na iyong ginawa ni Elenor, pero hanggang ngayon hindi pa rin dumarating anfg kanyang mga magulang. Para siyang naghihintay sa wala.
Hindi napigilan ni Elenor ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Labnis na pangungulila ang kanyang nararamdaman at labis na lungkot at pighati. Parang ayaw na niyang mabuhay ng mga oras na iyon. Iniisip niyang wala na ring patutunguhan kung mabubuhay pa siya na wala naman ang mga ito. Pero naalala niya ang sinabi ng mga magulang na daPAT SIYANG LUMABAN SA BUHAY KAHIT NA MAG-ISA NA LAMANG SIYA.
Isa pa, pinangako niya sa sarili na hahanapin niya ang mga ito kung saan nagpunta, at malakas ang kutob niya na may nangyaring masama sa mga magulang niya, kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin ang mga ito nakababalik. Alam niyang may isang taong gusto iyong mangyari. Kilala naman niya ang kanyang ama at ina, hindi siya basta-basta iiwan, hanggang walang masamang nangyari at importanteng bagay ang mga ito na ginawa.
Kaya naman gagawin niya ang lahat para mahanap ang mga ito. Gagawin niya ang lahat para magkaroon ng powerful black magic para magawa ang bagay na iyon. Iyon lamang ang hinihingi niyang pagkakataon, hindi na siya makapaghintay pa. gusto na niyang lumaki at bumilis ang panahin para dumating na ang araw na iyon.
Huminga siya nang malalim saka isianra ang bintana. Inayos niya ang sarili saka nahiga sa kanyang kama. Matagal pa siyang nakatulog. Nag-isap-isip muna siya bago nakatulugan at mahimbing na natulog nang mga oras na iyon.
Kinaumagahan, mabilis siyang bumangon sa kanyang kama saka nag-ayos ng kanyang sarili. Pinag-ralan niya muli at binasa ang libro na walang pamagat.b naka-lock ang lahat ng pinto at bintana ng kanyang bahay. Nilagyan niya rin ng barrier ang paligid para walang makapasok na kahit sino at magtangka na siya ay saktan.
Sumama siya sa mga ibang witches na pumunta sa mundo ng mfga tao, at gumaya siya sa mga ito na roon na manirahan, sa ganoong paraan, makalalayo siya mula sa mga masasamang witches na gusto rin siyang patayin. She knew, someone want her to die, at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. Mamatay muna ang mga gusto siyang patayin, bago siya mamatay.
Hindi niya hahayaang, mamatay lamang siya na hindi niya malaman kung ano ang nangyari sa kanyang mga magulang at ang tunay na rason kung bakit ang mga ito nawala.
Pinagmasdan niya ang formula na kanyang ginagawa sa ibabaw ng mesa habang nagbabasa naman sa kanyang libro na hawak, para masiguro kung iyon nga ba ay tama. Sinisiguro ni Elenor na hindi siya magkakamali, kailangan hindi mabulilyaso ang mga pinaghirapan niya para sa mga magulang. Iyon lamang ang tanging pinamana sa kanya ng mga ito, at ang inaasahan na makamtan niya at maipagmalaki ng mga ito.
Ilang patak ng tubig ang huli niyang sangkap sa ginagawang magic poison, bago niya ito dinasalan ng wikang latin at hinalo-halo. Umuusok pa ang kumukulong tubig sa kawang malaki na nasa kanyang harapan. Iyon ang sinasagawang ritwal kapag gumagawa ng magic poison, at kailangan niya iyong masigurado kung effective nga nag mga iyon. Para wala na siyang alalahanin.
Pagkatapos ng kanyang paghahalo, napahinga siya nang maluwag. Kumuha ng isang maliit na bote saka roon ng naglagay ng isang sandok mula sa kanyang ginawa na nasa kawa. Iyon ang gagamitin niya bilang sample kung may tagumpay nga siya sa kanyang ginawa. Malapad ang ngiti niya habang tinitingnan iyon. Labisna saya ang nararamndaman niya sa mga oras na iyon.
“Ma, pa, may nagawa na rin ako sa wakas. Isa sa magiging dagdag sa mga mahika na ating nilikha. Hindi na ako makapaghintay na ipakita ito sa inyo na naging matagumpay akong sundin ang mga turo niyo,” wika niya sa kawalan,
Lumabas siya ng kanyang bahay habang dala-dala ang maliit na bote. Isasaboy niya iyon sa ghalaman kung mamatay ba ito at mulimng mabubuhay pagkatapos ng ilang oras. Kapag mangyari iyon, tagumpay nga ang kanyang mahika na ginawa. Pagkarating sa labas ng kanyang bahaym agad siyang lumapit sa pananim niyang mga bulaklak. Binuhos niya sa puno ng isang bulaklak ang laman ng maliit na bote. Naghintay siya ng ilang segundo, nang tuluyan nga itong mamatay. Kung ganoon, mukhang magiging iyon ang pinaka-una niyang nagawang mahika na nagtagumpay kng sakali. Hindi dapat siyang mawalan ng pag-asa.
“We’ll see if this is effective,” naisa wika niya habang magkaalubon ang mga kilay.
Iniwan niya ang halaman na nalanta saka siya pumasok sa loob ng kanyang bahay. Pag-aaralan niya ulit ang libro na walang pamagat. Makapal kai iyon at hiondi pa siya nakakalahati sa libro. Marami siyang natutunan doon, at mukhang iyon ang pinaka-iingatan na libro ng kanyang mga magulang na makuha ng mga kalabajn mula sa kanila. Kaya gagawin niya ang lahat, hindi lamang iyon makuha.
Makaraan ang ilang sandali. May naramdamang kakibang presensya si Elenor na nanggagaling sa labas ng kanyang bahay. Ngayon niya lang naramdaman ang bagay na iyon, hindi niya malaman kung anong klaseng nilalang ang nasa labas. Hinanda niya ang kanyang magic broom sakaa ng itim niyang cloak. Kailangan niyang maging handa sa kung sinoman ang panauhin niya sa labas. Alam ni Elenor na hanggang sa labas lamang ito ng barrier.
Pagkalabas niya ng kanyang bahay, agad niyang nakita ang tatlong babae na witchers sa labas ng barrier. Hindi niya kilala kung sino ang mga iyon, kumunot ang kanyang noo. Hindi niya inaasahan na may magiging bisita siya sa mga oras na iyon. Napati8ngin pa muna siya sa kanyang halaman na hanggang ngayon ay tuyo pa rin. Ilang oras na lamang at makukuha na niya ang resulta.
Sa mga oras na iyon, kailangan niya munang harapin ang tatlong babae na naghihintay sa kanya. Agad siyang lumakad palapit sa tatlong panauhin. Lumabas siya sa barrier at ganoon na lamang ang gulat ng tatlo nang makita siya. Hindi niya kilala ang mga ito, kumunot agad ang noo niya.
“Sino kayo?’ salubong niyang tanong sa mga ito.
Ang isa na babaeng may maikling buhok ay ngumiti sa kanya at ito ang sumagot sa kanyang tanong. “Kami ay mula sa Witches island, pinapatawag ka ng ating pinuno. Kailangan ka niyang maka-usap. Kailangan mo raw pumasok sa para mas lalong maging maalam ka sa paggamit ng mahika at ng iyong kakayahan. At nang makilala mo rin ang iba pa nating mga kasama sa witches island.”
“Kung ganoon, paano niyo nalaman na naririto ako?” tanong niya pagkuwan. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ng babae na may mailing buhok na hanggahng ngayon ay nakangiti pa rin sa kanya.
Ang isang babae naman na may kulot na buhok ang sumagot sa pangalawa niyang tanong. Seryoso ang mukha nito na hiondi katulad ng dalawa na kasama nitong may ngiti sa mga labi. “Sinundan ka ng ilang mga kasamahan namin na naninirahan din dito sa mundo ng mga tao. Sa tulong nila kaya natagpuan ka namin kung nasaan ka namamalagi, Elenor.”
Tumango siya sa sagot nito. Hindi niya alam kung sasama ba siya sa mga ito kung babalik sa witches island, o hindi. Saka na lamang niya paanyayahan ang imbetasyon ng kanilang pinuno sa kanya na pumunta na siya sa kanilang lugar at ang magsanay. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan niya.
“Kung ganoon, mauna na kayo. Hindi ko sigurado kung susunod ako sa inyo ngayong araw. May ginagawa pa ako at kailangan ko iyong tapusin. Hindi ko kailangan na ipagpaliban. Naka-set na ang araw ko ngayon sa bagay na iyon. Sana manawaan ninyo.”
Tumango ang babae na may mahabang buhok na kulay berde. “Okay, wala na pala kaming hihintayin kapag ganoon. Hihintayin ka na lamang namin sa witches island. Isang magandang balita ang iyong pagpayag para sa mahal na pinuno. “
Mabilis na naglaho sa kanyang harapan ang tatlong babae matapos ng mga ito ityong sabihin. Agad naman siyang pumasok sa loob ng barrier at nag-isip ng mga bagay-bagay na hindi niya alam kung tama nga ba ang desisyon niyang ginawa. Pero kahit na anoman ang mangyari ay tatanggapin na lamang niyal. Ayaw na rin naman kasi niyang mabuhay, mas mabuti na nga nga niya may mangyari sa kanya kaysa sa wala.
Datapwat, hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan niya. Paghahandaan niya pala ang oras na iyong pagbabalik niya sa witches island.
Hindi niya hahayaan na mmatay na lamang siya nang ganoon, at kung ano ang gustong ika-usap sa kanya ng pinuno. Isang importanteng bagay marahil iyon. O, kung anoman ay sana hindi siya ilalagay a panganib.
Kahit na ganoon, hindi dapat siya lubos at tapat na magtiwala. Umiling-iling na olamang siya, base pa naman sa ipinakitang approach sa kanya ng tatlong babae kanina ay nakadududa na. hindi niya maramdaman na nasa mabuting kapalaran ang mga ito nakadepenede o nasa masama.
“Wala man lang sila sinabi sa akin kanina kung ano ang pag-uusapan. Isa pa, gusto akong makita ng aming pinuno na nakapagtataka naman,” ani niya sa kawalan habang nag-iisip nang malalim. Kung ganoon, kailangan niyang maghintay at kausapin ang kani;ang pinubo. Sa ganoong paraa ay malalaman at magiging mabuti ang kalagayan ng buhay niya. Mabilis lumipas ag dalawang oras at kailangan niya malaman kung effevtibe ba ang magic poison niyang ginawa kanina.