Chapter 80 Mabilis na lumipas ang mga araw sa mundo ng dragon island. Naging abala na rin si Barguso sa pag-aasikaso sa pagdiriwang ng fiesta ng mga dragon sa dalawang araw. Kaya naman si Elenor ay abala na sa pag-aasikaso rin ng pag-aaral sa mga kagamitan na gagamitin para sa renovation ng palasyo. Umaga pa lamang dumating na ang tutulong sa kanya na pinili naman ni Barguso. Iniwan naman siya ng kanyang asawa dahil may aasikasuhin naman ito sa labas. Kanina pa naghihintay sa kanya si Narda sa living room para pag-usapan nila ang tungkol sa mga materyales. kagabi pang puyat si Elenor para maglista ng kagamitan na gagamitin. Pinili niya ang mga maatibay na kahoy at ang mga magagandang palamuti sa palasyo, para na rin sa nalalapit na fiesta. Pinili niyang mabuti ang lahat, maging sa tibay

