Ipinagdiwang nga ang fiesta ng mga dragon sa dragon island. Nakakulong sa loob ng kanyang silid si Elenor ay may nagpanggap sa kanya bilang ipakikilala ni Barguso sa lahat ng mga dumalo. Binalot ang buong mukha ng babae na nagpanggap biang siya para hindi ito mamukhaan. Kitang-kita niya sa kanyang silid habang nakatanaw siya sa bintana, kung ano ang nagaganap sa labas. Sumigaw ang mga panauhin sa ginawang anunsyo ni Barguso. Masayang-masaya ang lahat nang malaman na kasal na ang kanilang hari. Napangiti siya sa nakikitang kaligayahan ng kanyang asawa. Nang matapos ang kaganapan na iyon. Pumasok sa loob ng palasyo sina Barguso at ang babaeng katulong na nagpanggap bilang si Elenor. Agad na nagpalit ng damit ang babae nang walang nakakikita. Nang masiguro ni Barguso ang lahat, agad siyang t

