Chapter 28

1039 Words
Chapter 28 Hindi malaman ni Elenor kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Alam niya wala siyang magagawa oras na may fgawin sa kanyang masama ang lalaking ito na nakatayo sa kanyang harapan. Alam niyang kahit na anong paliwanag ang gawin niya ay hindi pa rin ito makikinig sa kanya. Ang alam ng lalaki ay siya ang may kasalanan ng lahat, at wala siyang magagwa roon kung iyon ang iniisip nito. Wala siyang oras na ipaliwanag ang kanyang sarili at pinagdaanan noong isang araw. What she said is enough to make believe thi guy but what the man’s reaction he is not. “I’m telling the truthl. If you don’t want to believe me, then don’t.” nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa lalaki. Kung anoman ang gagawin nito ay wala siyang paki-alam. “Hindi ako naniniwala sa iyo. Kailangan mong pagb ayaran ang ginawa mo sa kasintahan ko at sa aking kapatid na si Kevin,” galit pa ring turan ni Bald. Nanlilisik pa rin ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Kumibit balikat siya rito. Wala siyang magagwa kung nawalan ng malay ang kasintahan nitong si Dela na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Wala rin siyang paki-alam kung naduwag ang kapatid nitong si Kevin sa pagbabanta niya lang. wala siyang kasalanan, kung hindi lang talaga naki-alam ang mga ito sa unang araw niya sa klase baka hindi iyon nangyari, she was just protecting herself from danger.masama ba na protektahan niya ang sarili niya/ “It’s not my fault. It’s theirs. Beside wala na akong magagawa kung ganyan ang nangyari. Nangyari na ang nangyari. Hintayin mo na lang na magising ang kasintahan mo. Kung hindi sana siya naging salbahe at maldita, hindi ko sana iyon nagawa sa kanya. At ang kapatid mo pinagbantaan ko lang naman siya, wala naman akong ginawang masama na ikinamatay niya. Sa kanya na iyon kung bakit siya naduwag agad,” ani niya habang inosente na nagkwekwento sa harapan ng lalaki. Mas lalong umusok ang ilong nito dahil sa kanyang reaksyon at ipinakitang emosyon. Bumaling si Elenor sa kanilang empress ng mga oras na iyon. Wala pa rin itong reaksyon. Nanatili lamang matamaan na nanonood sa kanilang argumento ng lalaking ito. Alam niya naman na wala itong paki-alam, pinapaaway lang sila nito para may mahanap na paraan kung paano siya pagagalitin. Pwes, hindi ito magtatagumpay. Kung anoman ang masama nitong balak laban sa kanya. “Hoy, tanda! Wala ka bang gagawin at manood ka lamang diyan? Bakit hindi mo sabihibn sa kalbong ito ang pangalan na wala akong kasalanan?” Mukhang naasar ang lalaki sa pagtawag niya ng kalbo rito. Mukhang nagalit na nga nang sumigaw ito habang umuusuok ang dalawang butas ng ilong. “Anong kalbo?! Hindi ako kalbo!” Nilingon niya ito saka tinaasan ng kilay. “Hindi ka si Kalbo? Di ba, kalbo naman ang pangalan mo? Hindi ko sinabi na kalbo ka, a.” Mas lalong umusok ang ilong nito dahil sa pang-aasar niya. Kung magalit kasi ito mukhang kakainin siya nang buhay. Tawang-tawa siya sa likuran ng kanyang isip, pero pinanatili niya ang panlabas na emosyon na seryoso. Baka mamaya kapag tumawa siyam, mas lalong magalit sa kanya ang lalaki at baliin ang kanyang leeg. Ayaw pa naman niyang mamatay agad. Marami pa siyang dapat na gawin at tuklasin sa totoong pangyayari noon sa Witches Island. “Magsitigil na kayo. Walang patutunguhan iyang pag-aaway ninyo. Makinig kayo sa akin at maaayos natin itong lahat.” Nakatayo pa rin ang empress sa ibabaw ng mesa habang seryoso na itong nakikinig sa kanila. Bumaling ito kay Bald. “Dalhin mo ako sa iyong kasintahan. Gagamitan ko siya ng isang ritwal para magising na siya at tuluyang gumaling. Huwag ka nang magalit kay Elenor. Papanoorin natin ang mga pangyayari sa kumukulong kawa para malaman natin kung sino talaga ang may kasalanan,” dugtong pa nito na ikinatango nilang dalawa. Hindi na komontra pa si Bald at sumunod na lamang sa empress. Bumaba ang empress sa ibabaw ng mesa at lumapit sa dalawa. Ti9ningnan muna nang masama ni Bald si Elenor bago ito sumunod sa likuran ng matanda. Napairap naman sa hangin si Elenor habang nakasunod siya sa likuran ng dalawa. Wala na siyang magagawa kundi ang lumabas na rin. Nang nasa ibaba na sila, paliko na sana siya papunta sa kanilang condominium nang bigla siyang tawagin ng empress. “Elenor, saan ka pupunta?” Tinuro niya ang daan patungo sa mga tulugan. “Babalik na ako sa silid ko. Bakit?” The old woman crossed her arms above the chest and stared sharpedly at Elenor. “As fas as I know you are responsible of what happened to Dela. Kaya sumama ka sa amin.” Napakamot na lamang siya ng kanyang batok. Akala naman kasi niya hindi siya kasali sa paggawa ng ritwal. “akala ko kasi hindi ako kailangan.” Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod na lamang sa likuran ng dalawa, kahit na labag sa kanyang kalooban. Kapag naman hindi siya sumama pan iguradong pipilitin pa rin siya ng empress. Kaya wala naman siyang magagawa, sasama at sasama pa rin siya. Isa pa, gusto niya ring malaman kung ano ang nangyari kay Dela at kung paano gagawin ng Empress ang sinasabi nitong ritwal para lamang mapagising ang babae mula sa pagkawala ng malay. Hindi naman niya inaasahan na ganoon ang mangyayari sa babae pagkatapos nitong bumagsak sa pader. Pinag-aralan niya nang mabuti ang daan na kanilang dinaanan. Makatutulong iyon sa kantya kung sakali mang maligaw siya o kung magsasagawa siya ng paghahanap sa katotohanan. Hidni pa siya nakababaliik sa gubat na patay dahil sa abala siya sa loob ng witches academy. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sas mga nilalang na naroon sana ay ayos lang ang mga ito. Sana hindi pa nalalaman ng matanda nilang empress ang tungkol sa ginawa niya. Sana ay ganoon nga nang wala na siyang problema pa. kung hindi ay baka kung ano pa ang mangyari pagkatapos. Hindi pa siya handa na harapin ang mga kalaban nang wala sa oras. Kailangan niyang paghandaan ang lahat oras na dumating man nag bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD